Chapter Ten -- Brotherly Fight

2.7K 51 0
                                    

Nakaupo sa may table set si Jude na nakasuot ng swimming trunks malapit sa pool. Kasalo nito sa table si Ellen na naka-swimsuit.

Alas-otso na ng umaga pero gising na ang mga bata. At dahil summer vacation pa, walang ginawa ang mga ito kundi ang maglaro ng maglaro.

Dumeretso si Matilda ng uwi sa bahay nila Jude sa Forbes Park. Dito na rin siya natulog, katabi ang anak niya at si Raffy sa kwarto nito.

Maagang pinaghanda ni Ellen ng almusal ang mga ito with Matilda's help, of course. At kahit late na nakatulog si Matilda, maaga rin ito nagising dahil nasanay na rin naman siya na ganoon sa U.S.

Ellen watched Matilda playing with Raffy and Ephraim at the shallow part of the pool. May baon na itong swimsuit for emergency purposes dahil sa mock cruise nito.

"Well," nilingon ni Ellen ang asawa. "Natanong mo na si Matilda kung nag-usap na sila ni Efren?"

Jude shook his head. "Hindi pa. Mamaya I will."

"Sana matapos na ang issue nila. Parang kiti-kiti talaga kasi yang si Ephraim."

Natawa lang doon si Jude. "My dear wife, five years old pa lang yung bata. Siyempre malikot talaga iyan."

Ngumuso ito. "Eh bakit si Raffy ko?"

"He's schooling already. Natuto na siya mag-behave sa school no, kaya kahit sa bahay, naa-apply na niya."

Ellen sighed. "Do you really think anak ni Efren iyan?"

A grin tore across his face. "The resemblance is cunning. Kahit si Matilda hindi iyon maipagkakaila. At saka ang makakapansin lang naman eh yung mga nakakita na kung ano ang hitsura ni Efren noong bata pa siya. Like me."

Hindi na nagsalita pa si Ellen. Minsan talaga gusto na niyang sakalin ang asawa. Pagdating kasi sa kapatid nito, masyado itong nakikialam. Naiintindihan naman ni Ellen na nakikialam ito dahil nasa U.S. na ang nanay nila, patay na ang tatay nila at si Jude na lang ang natitira para kay Efren. Ang hindi lang niya maintindihan ay bakit nakikialam pa rin ito kay Efren, samantalang 25 years old na ito? Marunong na ito magdesisyon at manindigan sa pinili nitong pasya.

***

Miggy was groggy as he approached the door of his pad. The lock clicked and he opened the door wide. Sumalubong sa kanya ang masiglang ngiti ni Abby.

"Hi, Miggy," she smiled. "Hindi ka raw pumasok, kaya heto, dito ko na lang dinala itong mga brownies para sa iyo."

"Pumasok ka muna," humikab ito.

Abby headed straight to the counter. Pinatong niya roon ang box ng brownies na siya mismo ang nag-bake. She wore a pair of pink skinny jeans and a black tube. Nakalugay lang ang kulot nitong buhok.

Miggy followed her. Naka-boxers lang ito at sando. Hindi na siya naasiwa pa kung nakita siya ni Abby sa ganoong hitsura. They were college buddies kaya wala nang malisya sa kanila iyon..

"What with the brownies?" he grinned. Umupo siya sa mataas na stool sa tabi ng counter para tingnan ang dala nitong brownies.

Tinukod ni Abby ang mga siko sa counter kaya medyo napatuwad ito as she looked at Miggy under her lashes. "Approved na kasi ang Casa Vida. Congratulations."

He shook his head. "Ang bilis naman ng balita." Kumuha siya ng brownie at inikot-ikot iyon na tila isang specimen na under observation.

"Paanong hindi ko malalaman, eh nag-post ka sa FB mo kagabi, no."

Natawa ito at binalik sa box ang brownie. "So, online ka pala, hindi mo man lang ako ini-chat."

She shrugged her shoulders and stood straight. "Bakit hindi ikaw ang nag-chat?"

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon