"You know this love I have can never be denied. Don't ever say to me that I have never tried..." - Boyzone, Here to Eternity
Kabado si Matilda. She was wishing she was not yet too late when she arrived at U.S.
Simula nung kinasal si Hermes, hindi na siya tinantanan ni Efren. Parang bumalik ito sa Efren na nakilala niya noong college-- he was smart, poised and very caring. Hangga't available ang oras nito, sinasamahan nito si Matilda sa OB para sa check-up niya. O kung hindi naman ay namamasyal sila kasama si Ephraim sa Tagaytay kapag weekends. Tagaytay had always been their favorite place, nandoon kasi ang tagpuan nila sa ilalim ng puno ng acacia at doon sila nagkakilala ni Efren. Kahit nasa Manila sila, maasikaso pa rin si Efren. Kapag nale-late ito ng uwi iniintindi na lang din ni Matilda, kasi nagsasabi naman ito kapag male-late.
The past three months have been heavenly for her. Ephraim was doing well with his studies too, tila nagmana ito kay Efren na matiyaga at gusto ang pag-aaral. Si Efren naman, mas naging smooth na ang pagpapatakbo sa Casped, at okay na sila ng kuya nito na si Jude na may pinakita pa sa kanila na DNA results para patunayan na anak nga ni Efren si Ephraim. Nung nagsapakan daw kasi sila ni Efren, nakakuha ng hibla ng buhok nito si Jude. At nakuha naman ni Jude ang hair strands ni Ephraim nung ginupitan niya ito ng buhok at binulsa ang napag-gupitan.
Pero hindi pa sila nagpapakasal. Bukod sa kagustuhan ni Efren na magkaayos sila, gusto rin nito na maayos ang relationship nito at ni Matilda sa nanay niya na si Isa. It actually worked out. Isa finally gave Efren her blessing, but she has one wish. Pero hindi naman niya ni-require iyon na tuparin nila Matilda.
Sana makapag-asawa na rin si India. All I want is for everyone to be happy.
At dahil alam naman ni Matilda na mas mapapalagay si Efren at mawawala na ang guilt nito sa nakaraan nila sa paraang iyon, kaya tinupad nila ang kahilingang iyon ni Isa.
Noong nanirahan si Matilda sa U.S., alam niya na may gusto sa tita niya ang isa sa mga kapitbahay nila sa apartment na si Ben. Alam rin niya na nagwa-gwapuhan si India sa Amerikano, pero pareho silang walang lakas ng loob na maging more than friendly. Kaya dinaan ni Matilda sa chat si Ben. She gave him the motivation para makipag-date sa Tita India niya, and he did. It was surprisingly a whirlwind romance kasi after two months, magka-live in na ang dalawa.
Ang dahilan naman ng Tita India niya, eh, matanda na sila, nasa forties na sila pareho ni Ben kaya hindi na uso ang magpakipot pa sa kanila. Until her aunt sent her a chat message na minamaltrato daw ito ni Ben. Alam ni Matilda na hindi naman pwedeng iwanan ni Efren ng basta-basta ang businesses nito at walang makakasama si Ephraim sa school kaya naman, siya na lang ang pumunta sa U.S. She was already worried. Inihanda na niya ang sarili at hindi na rin siya nagdala masyado ng gamit dahil ang alam niya, susunduin na lang niya ang tita niya.
As she reached their floor, Matilda looked around. Tahimik ang hallway. Naglakad na siya at huminto sa tapat ng puting pinto ng apartment nila. She knocked and her Tita India greeted her with a smile.
"Hello, Matti, my dear!" humalik ito sa pisngi niya. "Pasok ka, dali!".
Alanganing ngumiti siya bago pumasok. Malinis sa loob ng apartment at bagong pintura na rin ito. It looked more cozy because of the light blue paint. Napatitig siya sa mukha ng tita niya dahil parang ang lusog naman nito at masaya pa. Tila walang stress na dinaranas, hindi tulad noon na talagang ang payat nito lalo pa at panay ang kayod nito.
"You look great," she smiled.
Tumawa ito at yumakap kay Matilda. "Oh, my pamangkin. Did I scare you? I am sorry, ha? Hindi totoo iyon, Ben is not abusing me."
BINABASA MO ANG
Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)
RomantikRated SPG - R18+ Efren brought Matilda a lot of problems and he tried his best to make her feel better by loving her to the extremes. But one day, after an argument, she just left without saying goodbye. He promised to wait for her. He vowed to rema...