Chapter Seventeen - Words Don't Come Easily

3.3K 55 0
                                    

Masiglang lumabas ng school building si Matilda at Ellen. Naglalakad na sila papunta sa pinaradahan nila ng sasakyan nang kamustahin muli ni Ellen si Matilda.

"So, how are you? Okay na ba kayo ni Efren?"

Matilda shrugged her shoulders. "Well... that seems impossible. It is best if we ignore each other," she sighed, then quickly changed the topic. "Let's hurry up na nga, baka kung anu-ano na ang ginagawa ngayon ng mga bata sa bahay ninyo."

Ellen giggled. "Oh, yes."

Naiwan muna sa bahay nila Ellen si Ephraim kasama si Raffy at ang katulong nila sa bahay para maasikaso na nila ang enrolment ng mga bata. As much as possible, Matilda controlled her emotions from what happened last night. Para na rin iyon kay Ephraim at sa baby na nasa sinapupunan niya. Pagdating sa bahay nila Ellen, nagulat na lang sila dahil nasa living room ang mga bata, kasama nila si Jude.

"Jude!" Ellen gasped. "Anong ginawa mo sa mga bata?"

Nagkalat kasi ang mga pinag-gupitang buhok ng mga ito. Tapos na ni Jude gupitan ng buhok si Raffy na tumatalon-talon sa sofa habang pinapanood nito na ginugupitan si Ephraim.

Ephraim dashed quickly to his mom and hugged her legs. "Mommy, Tito Jude is giving me a haircut!"

Napayakap na lang siya sa anak pagkaluhod niya. Kahit siya talagang madidismaya dahil sa paling-paling na gupit ni Jude sa mga bata.

"Stop experimenting with the kids!" kinuha na ni Ellen ang gunting sa asawa at pinagpagan ng isang kamay ang damit nito sa nalagyan na ng buhok ng mga bata. "Next month pa naman ang pasukan din, no, kaya di pa necessary na magpagupit na sila."

"At saka may barber shops naman," ngumiti si Matilda sa mag-asawa. She saw Jude shove his hand inside his pocket.

"Sorry," ngumisi lang ang lalaki bago.hinalikan si Ellen sa mga labi. Raffy jumped off the sofa and hugged Ellen.

Napangiti si Matilda sa senaryo. Kung iisipin, napaka-simple lang ng imahe ng isang pamilya at tipikal na ang ganitong mga senaryo sa loob ng isang bahay. Hindi man palaging ganoon pero hindi na bago na dapat may mga sweet moments sa loob ng tahanan tulad ng nakita niya sa pamilya nila Jude.

Hindi naman masama kung maghangad ako ng isang masayang pamilya 'di ba? Yung may nanay at tatay at anak. Isang kumpletong pamilya.

Napatingin siya kay Ephraim, nakatingin din ang anak niya kina Raffy kaya ginulo niya ang buhok ng bata para makuha ang atensyon nito. She smiled at her little Efren, and Ephraim smiled back at him.

You smile like your daddy, she thought with a bitter sweet after-taste. Matilda placed her hands on her son's cheeks.

"Mommy's from school," excited niyang binalita sa anak. "And guess, what? You are enrolled already! You will be coming to school next month!"

Masayang niyakap siya ng anak. "Yehey! Mommy!"

Pagkatapo, tumayo na si Matilda para magpaalam sa mag-asawa. "Well, I guess I should go, maghahanap pa kasi ako ng lilipatan namin ni Ephraim dito sa Manila. Tapos kukunin ko pa yung mga susuotin namin sa kasal ni Kuya."

Ellen nodded. "Be safe sa biyahe." Nilingon nito ang anak. "Raffy, say goodbye to Ephraim."

"Bye-bye, bro."

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon