Chapter Nineteen - Like Forgive Me

3.8K 65 7
                                    

Muntik na. Muntik na magwala si Matilda pero tila nakuha niya ang ibig sabihin ng makahulugang titig sa kanya noon ni Abby. Tila nagsasabi ito na hayaan na lang si Efren na makasama si Ephraim para sa ikabubuti ng bata. Pinangako na lang ni Matilda sa sarili na kakausapin niya talaga si Abby ng masinsinan tungkol sa sorpresa ng mga ito aa kanya.

Dumeretso na ang lahat sa reception ng kasal. Si Efren at sumabay na sa sasakyan ni Matti. Patuloy pa rin ang bonding ng mag-ama sa shotgun seat, pero dahil sa dami ng gumulo sa isip ni Matilda na mga speculations kaya nagpakita sa anak niya si Efren, nakatutok lang ang mga mata niya sa kalsada at nanatiling tahimik.

Nakarating na sila sa reception, na located sa isang tagong events place sa Tagytay. May nadaanan silang tulay na may fountain at paakyat na wooden stairs na may kaliwa't-kanang mga wooden houses na tila tree houses and istilo. Nang nakarating sila sa events place, tumambad ang napakaraming table na naghihintay sa kanila kung saan nangingibabaw ang kulay puti at asul. May seat para sa mga guest of honor, bride at groom at malaking space sa harapan nila. Punong-puno rin ng bulaklak sa paligid, malamig at tahimik at may matataas na mga puno.

Hindi na rin naiwasan ni Matilda na makatabi sa seat si Efren. As usual, hindi na naman sila nagkapansinan masyado. Napangiti na lang siya saglit nang nahalata na niya ang kasabikan sa mukha nito. Kasabikan na makapiling si Ephraim. Amazed na amazed si Ephraim sa mga kwento sa kanya ni Efren tungkol sa mga barko.

Nagulat na lang siya nang nagsimula na ang party games. Hinila siya patayo ng bride. Nakita niya na hinila rin ng kuya niya si Efren mula sa kinauupuan nito, kaya naman napunta si Ephraim kay Hermes.

"Little kid, mommy and daddy is just going to play a game, okay? You stay with me first!" Hinawakan ni Hermes ang bata sa kamay at sinama ito sa upuan ng bride at groom aa unahan ng event area.

"Can I play games too?"

"Later, my little boy," he smiled.

Pinagsama-sama na ang mga girls para mabigyan ng kaunting briefing kung ano ang gagawin. Pero may clue na ang mga ito. Kakatanggal lang kasi ng groom ng garter na suot ng bride, kaya alam na nila kung ano ang susunod doon.

"The one who catches these flowers, is gonna be the lucky girl in this game," Alexandra, the bride giggled as she showed them her bouquet of white and blue flowers tied by a big blue ribbon with silver lines. She glowed with so much love and happiness. "For now, let's watch the boys."

At pinanood na nga nila ang mga lalaki na nasa gitna na ng event area.

"You already know thism guys," anunsiyo ni Hermes. "The guy who catches the garter will put it on our lucky lady."

Efren rolled his eyes. Marami kasi siyang kaagaw sa garter, maging sila Miggy kasama sa mga hinila nila Hermes para sa game na iyon. Umatras na lang siya sa may likuran at iniekis ang mga braso.

"Okay, guys!" tinaas na ni Hermes ang puting lacy garter. "Get set... catch!"

Hindi na naintindihan ni Efren ang mga sumunod na nangyari, nagkabanggaan at hilahan na ang mga kasama niya. Pati siya, kahit pumuwesto na siya sa likuran, ay may humila pa rin sa kanya sa gitna.

"Hey, kanino na napunta ang garter?" masayang tanong ng party host sa mikropono.

Nagulat na lang si Efren nang itaas ng kung sino ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

What the fuck is that garter doing around my wrist?

Tinitigan niya ng masama si Miggy na siyang nagtaas ng kamay niya.

"Okay, we got one!" anunsyo ng party host at nilapitan na nito si Efren.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon