Chapter 14: New Crush?

24 3 0
                                    

Updated na po!
Enjoy reading. Please Vote and Comment thanks!



Alliyah's Pov

Ang hirap umiwas sa panunukso nila. Para bang anytime ehhh lalamunin na ko ng lupa sa hiya.

"Yieeehhh! Si Alliyah!!" Pang-aasar nanaman nila. Alam nyo ba kung bakit? Malamang hindi. So eto yung nangyari.

*flashback*

Pagdating ko ng room. Maingay silang lahat. Tumingin ako sa direksyon ni Tyler at nakatingin din sya sa direksyon ko. May something akong nafeel. Pero di ko maipaliwanag.

Umupo na ako sa upuan ko. Tahimik lang ako at dumukdok. Wala akong ganang makipagdaldalan. Kahit na madaldal ako. This time, time first muna.

Kinalabit naman ako ni Stacey.

"Bakit?" Tanong ko sakanya

"Crush ka daw ni Tyler" bulong sakin ni Stacey

"Baliw. Pano kong magiging crush nyan? Tsss. Nagbibiro ka nanaman Stacey" sabi ko sakanya. Totoo naman ehh.

"Ito ba Tyler?" Sigaw ni Stacey sabay turo sa akin. Tumingin sakin si Tyler na parang nahihiya at tumango.

"Ayiieehhhh!!!" Asar naman ng iba naming classmates.

Pero sa totoo lang. Crush ko din sya. Pogi kasi ehh! Hahahah. Pero hanggang crush lang. Di na pwedeng lumalim pa. Dahil may mahal ako. At si Nathan yun.

Isa akong malaking tanga kung iisipin nyo. Dahil nasasaktan na ko ng labis pero di parin ako sumusuko. Ewan ko ba. Mahal ko sya ehh. Ganun siguro talaga.

"Alliyah. Wala ka bang gusto kay Tyler? Mabait naman sya, gwapo at tahimik?" Tanong sakin ni Stacey

"Oo nga" sabat naman ni Lyka

"Ahhhmm. Crush ko sya oo. Pero hanggang dun lang yun" Kung pwede lang na si Tyler nalang sana yung minahal ko. Kaso hindi talaga pwede.

Ang daya. Kung sino pa yung mga taong nagmamahal sakin yun pa yung taong di ko magawang mahalin. Pero kung sino naman yung tao na mahal na mahal ko yun naman yung hindi ako magawang mahalin.

"Pero kung liligawan ka ba nya may pag-asa ba sya?" Sambit ni Stacey.

Paano nga kaya? Kung manligaw sya? Bibigyan ko nga ba sya ng pagkakataon?

"Oo naman. Bakit naman hindi diba? Saka ligaw lang naman. Kaya lang. Kung liligawan nya ko. Wag syang aasa na sasagutin ko sya." Tugon ko sa tanong ni Stacey

"Bakit naman? Bakit wala syang pag-asa na sagutin mo?" Tanong ulit ni Stacey

"Kasi hindi parin ako nakakamove on Stacey. Mahal ko parin yung past ko." Ang hirap kasi magmove on.

"Ehh kaya!" Sagot naman ni Stacey.

Pero kakayanin ko bang buksan ang puso ko para kay Tyler? Kung gayong mahal ko parin si Nathan? Haayy sana....

~

Tahimik kaming nagsusulat ng biglang pinaswitan ni Tyler si Stacey. Lumapit naman si Stacey at nagbulungan sila. Maya maya pa ay bumalik na si Stacey sa tabi ko. At nagpatuloy magsulat.

"Alliyah pwede daw bang sabay kayong lumabas ng school ni Tyler mamaya?" Basag ni Stacey sa katahimikan

"Uhh? Ahhmmm ano ehhh. May kasabay naman ako ahh? Bakit kailangan sabay pa kami?" Kabadong sagot ko. Oo inaamin ko kinakabahan ako. Biglang bumilis yung pintig ng puso ko.

"Nililigawan ka nga nya diba?"

"Uhh. Oo nga pala. Pero di naman siguro kailangan magsabay" Nahihiyang sambit ko.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun. Ehh hindi lang ako sanay."

"Ah sige sasabihin ko kay Tyler na next time nalang."

"Sige." nagpunta na si Stacey sa gawi nila Tyler.

"Ayaw mo ba talaga sakanya?" Mahinahon na tanong ni Lyka.

"Hindi naman sa ganun Lyka. May iba kasing dahilan." Sambit ko naman.

Nakabalik na ulit si Stacey sa tabi namin

"Kakanta nalang ako para matuwa kayo" maligayang sambit ni Lyka.

"Sige nga Lyka" sagot ko naman.

Nagsimula ng kumanta si Lyka.

Sandali nalang, maaari bang pagbigyan.
Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang 'yong mga ngiti
Sana ay masilip

Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sayo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yo

Ilang gabi pa nga lang ng tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak nanlalamig nanginginig nga ako
Akala ko nung una'y may bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat narin at nagtagpo

Medyo napasabay na ko sa bandang Chorus

Torete, Torete, Torete ako
Torete, Torete, Torete sa'yo

Natapos ang kanta ni Lyka. Ngumiti nalang sya at sabay sabing

"Nagustuhan nyo ba?"

Tumango naman kami ni Stacey.

"Magrecess nalang tayo nagutom ako sa pagkanta ko" sambit ni Lyka sabay tawa. Natawa rin kami si Stacey. Kahit kelan baliw talaga to.

Pero tinamaan ako sa kanta nya. Dapat kantahin ko yun kay Nathan ehhh! Saka papalitan ko yung ibang Lyrics. Imbis na Torete gagawin kong Torpe.

Pero minahal mo nga ba talaga ako? Kasi kung hindi. Hindi ko masasabi na isa kang Torpe. Pero ito lang ang tiyak ko. Isang kang PAASA. Sana makalimutan na kita. Sana mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pati narin yung nararamdaman ko para sayo. Sana mawala na. Kumbaga sa Traffic. Kailangan ko nang umusad. Dahil kapag hindi ko ginawa iyon. Hindi ako makakarating sa lugar na dapat kong paroonan.


Ipagpapatuloy
~~~~~~~~~~
Sorry ngayon lang po nakapagupdate. Ngayon lang po sinipag ehh. Haha. Sana po ayy magustuhan nyo. Alam ko pong hindi ako magaling gumawa ng story. First story ko ito sa watty. So sana kung hindi nyo po nagustuhan. Wag nyo na pong basahin. Yan lang po kasi talaga yung nakayanan ko. Appreciate nyo nalang. Thank you! Don't forget to Vote and Comment! Thank you!

Bakit Ikaw Pa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon