Alliyah's Pov
Huling araw ng pagiging elementary. Mamimiss ko yung mga memories dito. Haaayyysss. Naglalakad ako ngayon sa Hallway. Habang hawak ang aking toga. Ang lalim ng iniisip ko. Ano kaya mangyayari sa Highschool Life ko?
Nakarating ako sa room. Nadatnan ko don si ate Roma at ang parents ni Nathan. Alam na nila. Alam na nilang gusto ko si Nathan. Pero sila kaya? Alam kaya nila na gusto din ako ni Nathan? Pero oo nga pala. Hindi pala totoo yon. Haha. Tanga ko naman.
"Oh Alliyah nandito ka na pala. Pasok ka muna sa Loob. Upo ka muna don. In fairness ha? Ang ganda mo ngayon." Sabi ni Ate Roma
"Ngayon lang naman ate Roma. Pagbigyan."
"Oyy hindi ahh... Maganda ka talaga. Oh hindi ka manlang ba magmamano sa mama't papa mo?"
"Huh? Wala naman akong kasamang parents. Nasa bahay pa sila. Dumating na ba?" Sabay silip ko naman sa hallway. Pero wala. Saan kaya ako magmamano? Ehh wala naman si Daddy.
"Ayan ohh yung mama't papa mo." Sabay turo sa parents ni Nathan. What the fudge?!?!? Seriously? Tss. Si Ate Roma talaga kahit kelan.
"Nako ate Roma. Kulang ka yata sa tulog. Itulog mo yan" sabay pasok ko sa loob. Pagpasok ko naman sa loob. Kaming dalawa palang ni Nathan dito. Nagkatinginan kami. Mata sa mata. Pero bigla akong umiwas. Ilang minuto kaming walang imikan. Nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita
"Ang ganda mo ngayon ahh." Sabi nya ng nakatingin sa malayo. Para bang may pinagdadaanan sya. Naalala ko nanaman yung nangyari noon. Haaayyss.
"Salamat." Sabi ko naman. Sabay pasimpleng tingin sakanya. Pero nagulat ako nung nakatingin sya sakin. Nagkatinginan ulit kami. Mata sa mata. Pero this time. Iba. Parang may something. Hindi ako naniniwala sa spark. Pero naramdaman ko sakanya yon. Hindi man kapanipaniwala pero totoo.
Pinatawag na kaming lahat dahil magsisimula na ang program. Nakaupo lang kami habang nakikinig. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Nathan. Haayyss. Mahal ko talaga sya. Pero hindi pa tamang panahon. Marami pang pwedeng mangyari.
Sa pag-iisip ko habang nakatitig kay Nathan. Di ko maiwasan na mapatingin kay Blaire. Inaamin ko Crush ko sya! Waahhhh! Woohhh! Haha. But. May mahal naman syang iba. Si Sasha. Yung dating kinababaliwan ni Nathan. Ang gulo ng buhay namin noh? Si Sasha mahal si Blaire. Si Nathan mahal si Sasha. Ako mahal si Nathan at crush si Blaire. WAHAHA! Medyo natuwa pa nga ako nung nabalitaan kong break na si Sasha at Blaire ehh. Sama ko ba? Haha. Well ganun talaga. WAHAHA!
Natapos na yung mga kung ano anong parte ng ceremony. At awarding na. Naiinis nga ako ehh! Ako dapat yung pangTop Ten kundi lang dahil dyan sa Chloe nayan! Epal pwe! Haha. At ano award ko? Konti lang naman. First of all. "Most Loyal" loyal kasi ako. Lalo na sa taong minamahal ko. And second "Most Honest" bawal ang sinungaling. Honesty is the best policy noh! Haha. Third is "Dancer of the Year" magaling daw ako sumayaw. Parehong kaliwa ang paa. Gets nyo? WAHAHA! and the last is. "Drum and Lyre Band" ohhh diba bongga? Haha. Magaling ako tumugtog ng lyre hanoh. Haha. So yun yung mga naging award ko.
Dumako naman kami sa huling parte ng seremonya. Ang pagkanta ng farewell song. Habang kumakanta kami ng Farewell song ay magkatitigan lang kami ni Nathan. Mata sa mata. Iba yung feeling ko kapag nakatingin ako ng diretso sa mga mata nya. Parang may something ehhh. Pero hindi ko maipaliwanag. Natapos yung pagkanta namin ng Farewell song. At sa dalawang kanta na iyon hindi nawala ang tingin namin sa isat isa. Tapos na ang seremonya. At hinagis na namin ang kanya kanyang toga. Kaso yung akin hindi ko nasalo. Baka kasi talagang hindi pa ko handa na saluhin sya. Ganun talaga ang buhay. Mafafall ka. Mararanasan mong hindi saluhin. Haha dejk lang.
Nagpicture taking lang saglit. At naglakad na ko pabalik sa room. Laking gulat ko ng harangin nya ako at may dalang flowers. Di ko alam tawag dun sa flowers pero. Medyo maganda naman sya. So ayun nga. Inabot nya sakin yung flowers at tinanggap ko naman syempre. After nyang ibigay may sinabi sya.
"Congratulations. And Thank You." Tapos inabot nya ang kamay nya para makipagshake hands. Inabot ko din naman iyon. Wala akong nasabi. He left me speechless. (English big word! Haha) gusto ko sana syang yakapin kanina. Pero hindi ko nagawa. Wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Kahit sino mahihiyang yakapin ang isang lalaki noh. Saka ang problema. Ang liit nya. Haha. Mahihirapan akong magadjust. Hindi naman kasi sa lahat ng panaho ako ang magaadjust. Matuto din silang magadjust noh!
Bumalik muna ako sa room para isauli ang toga. Nagpaalam din ako sa teacher namin. Sa loob ng room mayroong apat na lobo. Kailangan mong isulat kung ano ang pangarap mo. Lahat kami nagsulat sa apat na lobo nayon atsaka pinalipad. Ano pangarap ko? Mahalin ng taong mahal ko. Dejk. Haha I want to be a successful Civil Engineer or Architect. Matapos namin palipadin. Sabay sabay kaming naguwian ng mga friends ko. Pero syempre hanggang gate lang kami nagkasama sama. Kasi may sari sarili kaming pamilya.
Ito siguro yung pinakamasaya kong araw. Na kahit nasaktan kaming pareho ni Nathan. Kahit sa sandaling panahon lang. Nagawa namin tignan ang isat isa. Mata sa mata. This is so Memorable
~~~~~~~
Thanks for reading po. Hope you like my ud. Sorry sa mabagal na pagupdate. Busy po ehh. Haha. Salamat po sa lahat ng nagbabasa nito. I love you guys. Dont forget to vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Bakit Ikaw Pa
Teen FictionNaranasan nyo na ba mainlove? Sa sarili nyong bestfriend? Alam ko marami nang ganitong story dito sa wattpad. Pero sana tunghayan nyo ang masakit na nakaraan ng aking buhay. Mahirap umasa sa taong alam mong wala kang pag-asa. Pero nung araw na sinab...