Prologue.

4 0 0
                                    

10:30 PM

Hay anong oras na pala hindi pa rin ako tapos mag-ayos ng mga gamit ko. Hmmmp....  sina Ate Rika at Megan siguradong umaga na yun uuwi.

Tok! Tok! Tok!
“RINGO.... ” tawag ni Ikki sa labas ng kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto derederetso lang sya pumasok.
“Di ka pa rin tapos?” tanong nito habang nangangalikot sya sa cellphone ko.
“OBVIOUS ba Ikki?! Bat ba andito ka? Matulog ka na nga!” mataray na sabi ko sa kanya.
“HAHAHAHA! ang sungit naman neto, excited na kasi akong pumunta ng pilipinas! Kaya di ako makatulog!”
“Anong nakaka-excite dun?” inis na tanong ko sa kanya.
Nakahiga na sya sa kama ko, nag lalaro pa rin sya ng cellphone. Kinuha ko naman yung isa ko pang maleta sa ilalim ng kama ko. Napatitig ako sa kanya.
Haaay Ikki bat ba ang gwapo mo!
“Pinag nanasaan mo na naman ako Ringo!” biglang sabi ni Ikki.
“KAPAL NG MUKHA MOOO!” sigaw ko sa kanya.
Humarap siya sakin at nag papungay pa ng mata.
“Bat ba kasi ayaw mo pang umamin na may gusto ka talaga sakin ha?” nakangising sabi nito.
“Hoy Ikki 'wag kang ilusyonado ha! Lumayas ka na nga sa kwarto ko!” sigaw ko sabay sipa sa kanya dahilan ng mahulog siya.
“Aray naman Ringo, daig mo pa yung wrestler! Amasona ka talaga mana kay Megan!” kamot-ulong sabi nito at nag lakad na papuntang pinto. “Pahiram muna ng cellphone mo.”
“Oo na, good night na!”
“Night.” walang ganang sabi nito.

Pag-kasara ko ng pinto ay agad ko nang kinuha yung isa ko pang cellphone. Binasa ko agad yung message, napangiti ako sa nabasa ko. Bingo!
Nag-bihis agad ako nilagay ko sa backpack ang mga gagamitin ko. Maingat ko binuksan ang bintana at lumabas ng dahan dahan at tumalon. Nag-lakad ako palabas ng bahay sa isang kanto malayo sa bahay ay lumiko ako at pumasok sa isang abandonadong bahay. Inilabas ko ang aking motor at pinaharurot ko sa daan, papunta sa lugar na binigay sa akin.

~~SF~~

♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡

-Sana po magustuhan niyo yung panimula ko...

AC.

RINGO - "The Fighter"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon