Ikki’s Point of View.
“Ringo sige na please, tulungan mo na akong mag paalam kina Ate Rika” pangungulit ko dito, actually kanina ko pa siya kinukulit simula ng umuwi kami.
Pupunta kasi dito sina Onigiri, Kazuma, Emily at Yayoi. Mag-momovie marathon kami, napa-oo na lang ako. Pinag babawalan kami nina Mikan at Ate Rika na magpapunta ng bisita sa bahay simula noong mag freshmen kami ni Ringo.
“Ayokooo... di mo ba maintindihan na ayaw ko nga!” inis na sabi nito.
“Pleaseeee... Nakakahiya naman sa kan---”
“Nakakahiya?! Alam mo namang pinag sabihan na tayo di ba bawal ang bisita dito sa bahay! Bat kasi di mo maintindihan yun pinayagan ka na nga na makipag kaibigan sa school, dadalhin mo pa dito sa bahay!” malamig na sabi nito at iniwanan na niya ako sa kwarto niya.Hala! Problema nun.... parang kanina lang okey na kami ah! Haaaay buhay nga naman!
Pag ganon siya mag salita ramdam na ramdam ko ang pagiging sampid ko dito sa bahay at walang kakampi. Di naman ako nag dadamdam sa kanila. Laking pasasalamat ko kina Ate Rika dahil kinupkop pa rin nila ako, kahit na kinapos sila sa pera noon ay pinilit pa rin nila ni Mikan mabigyan kami ng magandang buhay nina Ringo at Ume.
Pababa na ko nang biglang may nag bell... PATAY!!! >_<¦¦¦ Dali-dali akong bumababa at lumabas ng bahay.
Asa tapat ng gate ang apat. May dalang mga grocery at bag. Teka, balak ba nila mag sleepover dito sa bahay? Tsk! Patay talaga ako neto.
“Hi Ikki baka gusto mo kaming papasukin?” sabi ni Emily.
Lumapit ako sa kanila at binuksan ang gate, tuloy tuloy naman silang pumasok sa loob ng bahay.Kakapal ng mga mukha feel at home agad!!
Pag pasok ko wala sila sa sala. Kaya tumuloy ako sa kusina nandoon nga sila, lahat sila nakatulala. Tulala silang nakatingin kina Ate Rika, Ringo, Mikan at Ume na nakakanganga na nakatingin rin sa kanila.
“Ringo bakit nandito ka?” takang tanong ni Kazuma.
“Obvious ba dito siya nakatira.” mataray na sagot ni Mikan.
“HAAAA?!” Sabay sabay na sabi ng apat.
“Ah kasi .... mahabang kwento guys!” kinakabahan na sabi ko, di ko pa pala nasasabi sa kanila na iisa lang tirahan namin ni Ringo.
“Bakit sila nandito Ikki?” Tanong ni Mikan na masama ang tingin sakin.
“K--a...ka---si...Ano...Kasi... ” nauutal na ko sa sobrang nerbyos, kahit babae lang si Mikan kaya niya akong ibalibag.
“May study group kami ngayon at dahil Friday mag momovie marathon kami. Di ba okey lang naman na mag sleep over sila dito” biglang sabi ni Ringo nakangiti lang siya ng pilit.
“Ah mga girl's and boy's pwede bang sa sala muna kayo at mag prepared muna kami food”nakangiting sabi ni Ate Rika.Kahit malakas ang aircon pinag papawisan ako ng sobra. Ramdam ko yung tensyon sa kusina, sa bawat hiwa ni Mikan sa mga gulay.
“Kayong dalawa umayos kayo ha, aalis kami ni Rika may pupuntahan kami kayo ang bahala kay Ume... bantayan niyo tong bahay at siguraduhin niyo na apat lang ang bisita niyo!” matigas na sabi ni Mikan.
“San punta niyo?” takang tanong ni Ringo.
“Basta imporrante yun.” nakangising sabinito kay Ringo.
“Sa labas na kami kakain unahin niyo si Ume ha.” bilin ni Ate Rika at lumabas na ng kusina.
“Antayin niyong kumulo toh, taoos pwede nyo nang pakainin si Ume... mag-aayos na muna ako.” bilin ni Mikan.Tinulungan ko mag handa si Ringo, inilagay niya sa try ang kakainin ni Ume sa taas niya na lang daw pakakainin. Inayos ko naman ang lamesa. Lumabas ako ng kusina para tawagin ang apat sakto namang lumabas sina Mikan at Rika sa kanilang silid, may dala-dalang malalaking bag.
“Grabe ilang araw kayo mawawala?” tanong ko sa kanila.
“Manahimik ka Ikki! Yung bilin ko ha!” singhal ni Rika sa akin.
Tumango na lang ako at hinatid sila sa gate. Pag pasok ko siya rin namang baba ni Ringo.“Tara kain na tayo!” aya ko dito.
“Wait, mag titimpla lang ako ng gatas ni Ume.” sagot nito.
“Okey, tara na guys dinner na tayo!” aya ko naman sa apat na kanina pang naka tulala samin. Tumango lang sila at sumunod na rin sa kusina. Lutong pinoy ngayon ang niluto ni Rika ngayon. Pag balik ni Ringo ay nag umpisa na kaming kumain. Grabe lakas pala kumain ng mga toh mukhang may aagaw ng trono ko sa ‘extra rice’ ah.Pag katapos naming kumain pumunta na ang apat sa sala at nag salang na ng CD. Kami naman ni Ringo ay nag hugas ng pinagkainan namin.
“Ringo salamat kanina ha!” magkatabi kami sa sink, siya nag huhugas ng plato ako naman ang nag tutuyo.
“Wala yun...” sagot noya ng di tumitingin sakin.Naka-titig lang ako sa kanya, nakatali pa rin yung mga buhok niya at nakasalamin pa rin siya pero ang ganda pa rin niya binibiro ko lang talaga siya nun para ibalik niya ying dati niyan ayos, pero habang tumatagal ang pag titig ko sa kanya ay bagay naman sa kanya at least wala nang mga lalaking parang bubuyog na umaaligid sa kanya. Ang ganda niya ay natural. Ang pula ng labi niya parang ang sarap halikan kaya.........
Hinalikan ko siya sa makinis niyang pisngi, lumingon siya sa akin at namumula ang mga pisngi niya. Ngumiti lang ako sa kanya!Haaay lalo kang gumaganda Ringo... sa bawat araw na nakikita kita!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Salamat po sa pag babasa... 😁
BINABASA MO ANG
RINGO - "The Fighter"
Roman pour AdolescentsAko si Ringo Noyamano. Isa akong fighter at in love ako sa best friend kong si Ikki. Pero mapaglaro ang kapalaran ang lihim na mundo ko sa kanya ay pilit niya ring papasukin. ~~ Yung character at yung kwento ginaya ko sa favorite kong anime na A...