"Bangayan"

2 0 0
                                    

Nasa study room kaming tatlo. Tinawag kami ni Ate Rika pag katapos kumain. May sasabihin daw si Mikan.
Kaso kanina pa kami dun nakain lang siya ng ramen habang nakaharap sa laptop...

“Wala ka talagang kabusugan Mikan!” sabi ko sa kanya.
Tumingin lang siya sa akin. “Alam mo namang di ako kumakain ng luto ni Rika eh” sagot nito binato lang siya ni Rika ng papel. “HAHAHA”

“Okey you're right Rika, nandirito nga ang Genesis!” seryosong sabi niya nilapag niya ang mangkok at nag type sa laptop niya. “Dito sila mag tatayo ng ilang underground battle, isa sa Baguio, isa sa Quenzon City, at isa sa Makati. Mag tatayo din sila ng hotel at casinos dito. Nasa makati rin ang Main Headquarters nila.”
“Msyado nang malawak ang negosyo ng mga genesis.” sabi ni Ate Rika, kumuha siya ng wine, ganito si Ate Rika pag gusto niyang kumalma.
“May isa pa akong nalaman may darating na shipment ng mga matataas na kalibre ng mga baril, cocaine at mga steroids, pero di ko pa alam kung kailan darating.”
“Tsk. Mga negosyong illegal.” tiim-bagang sabi ni Ate Rika.
“Mga taong di makuntento sa meron sila.” galit na sabi ni Mikan.
“Anong plano natin?” tanong ni Rika.
“Di ko pa alam.” sagot ni Mikan.
“Ako may plano na ko!” sabat ko sa usapan ng dalawa.
ANOOO?!” Sabay na sabi ng dalawa.
“Kilala ko ang anak ng leader ng Genesis, Fire o mas kilalang si SpitFire....” mahina kong sabi.
Napatayo si Mikan. “Ano ka ba? Pano mo siya nakilala. Pano kung nalaman niyang isa kang Noyamano? Nag-iisip ka ba?” sigaw ni Mikan.
“Alam ko lahat ng ginagawa ko! Di na ko bata! ‘wag mo kong ituring na walang alam sa mga bagay na ‘to. Sa ayaw at sa gusto niyo itutuloy ko pa rin tong nasimulan ko!!” balik na sigaw ko kay Mikan.
Sa gulat ko ay bigla akong sinampal ni Mikan. “Stupid!” sabay sampal ulit sakin, nag dilim ang paningin ko sinikmuraan ko siya susugurin niya ko, sinipa ko siya sa tiyan na dahilan para matumba siya.
“Tumigil na kayo!” sigaw ni Rika, hinagis niya yung hawak niyang wine glass samin kaya umilag kami agad sa dingding tumama ang baso.
“Anong gusto niyo mag-patayan kayo??” nawala ang pagiging maamong mukha ni Ate Rika napalitan ng mabangis na mukha, napayuko na lang ako si Mikan naman ay umismid lang.
Buti na lang soundproof itong library room, kung hindi kanina pa nagising sina Ikki at Ume sa mga sigawan namin.
“Ringo ano ba yang mga pinag gagawa mo?” tanong ni Rika.
“Alam ko kasing di kayo papayag. Kaya mag-isa na lang ako kumilos, isa ako sa fighter na lumalaban sa Arena ng Genesis.”
“Pero paano? San ka natuto?” tanong pa rin ni Rika.
“Diba tinuturuan tayo dati ni Papa sa mga martial arts, tapos lagi ko kayong nakikita na nag-practice ni Mikan. Kumuha ako ng ilang techniques. Sinanay ko ang aking sarili.”
“Tapos ano?” tanong ni Mikan.
“Sumali ako sa mga low class na laban dun muna ako nag sanay lahat ng laban ko ay nanalo ako ni hindi nga ako nagagalusan, hanggang magkaroon ako ng mga kakilala at kaibigan nakapag tanong ako tungkol sa Genesis.”
“Nakailang laban ka sa Genesis.?” tanong ulit ni Mikan.
“Dalawa lang pero tumatak agad ang mga laban ko.” nakangising sabi ko “Natalo ko lang naman kasi ang dalawa sa pinakamagaling na kagrupo ni Fire.”

Biglang nanlaki ang mata ni Mikan na pumipitikpitik pa.

“Ha! Oo ikaw yun! Wait lang.” biglang sabi ni Mikan. “Asa youtube yung dalawang laban mo hanggang ngayon ay trending.” tumatawang sabi nito sabay harap ng laptop niya.

Napalunok ako bigla at namutla. Pataaaaay !!! kainis ka talaga Mikan!!!

Naka one piece swimsuit na color blue, maskara na blue, gloves na white,  high heel na kulay blue din, may red na kapa pa ako, tapos gold na buhok. Alam kong mukha akong timang sa suot ko nun ang dami nga na nag-boo sa akin at bumato ng papel sa unang laban ko. Ang kalaban ko pa naman nun ay si Blossom ng Genesis. Kaya tumahimik sila ng bigla kong matalo si Blossom sa loob lamang ng ilang minuto pero walang Fire na nonood sa akin nun. Sa pangalawang laban ko ay kay Wind sing- lakas din ng hangin ang kayabang pero wala namang bubuga. Dun na ko napanood ni Fire pinag tatawanan niya ko nung una pero napalitan yun ng pag kahanga. Nakatitig siya sakin nun habang palabas ako ng Ring, tinuro ko siya at nag sign ng “kill” sa kanya napaawang ang labi niya at tumawa lang siya sabay sigaw ng “I Love You Miss Blue.”

Grabe sis! Ikaw na inggit na inggit sayo ang mga babae sayo nun.” sabi ni Mikan.
“Umpisa pa lanag yon.” sabi ko habang nakatitig sa pader.

Nag katingimam sina Rika At Mikan. Ang isang simpleng na Ringo ay may mga plano pala. Ang isang tahimik pero isang mabangis pala ang nag tatago.


♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
Salamat po sa pag babasa!  😘

RINGO - "The Fighter"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon