"Tampuhan"

2 0 0
                                    

“Oy Ringo, para kang tanga kanina” sabi ni Ikki nasa sala kami nanonood ng TV. Asa gitna namin si Ume na nag-drawing.
“Ano?” tumingin ako sa kanya ng masama.
“Bat ba kasi ganon ayos mo?” Tanong nito sabay agaw ng bowl ng potato chips sakin.
“Bakit ba trip ko yun eh!!” inirapan ko siya.
“Ewan ko sayo nakakahiya kang kasama kanina! Hindi ka naman ganyan mag-ayos sa Japan ah! Di naig mo pa si Ume kung mag ayos! ” nang aasar na sabi nito.
“Anong sabi mo?” naiinis na ko sa kanya.
“Sa Japan ang hot at sexy mo pag asa school tayo, ang daming nag kakandarapa na lalaki sayo.... ang daming lalaki na naiinggit sakin, nakaka-proud!” nakangising sabi nito. “Kanina nakakahiyang sumabay sayo, hahahahaha”
“Ganon? Edi simula bukas di na tay o mag sasabay, di tayo mag didikit at wag na tayong mag usap kahit dito sa bahay naiintindihan mo!!!” galit na sabi ko sa kanya kinuha ko yung bowl sa kanya. “At kung itsura pala ang batayan mo para sa kaibigan!  Bwisit ka wala kang kwenta!!”

Napatanga na lang siya sa sinabi ko. “Oy joke lang yun Ringo!” humabol siya sakin hanggang sa taas mabilis at malakas kong sinara ang pinto. Katok lang siya ng katok.
“Ringo Sorry sa mga sinabi ko kanina. Oy nang aasar lang ako, wag ka naman ganyan... Ringo sorry na, ringoooo...  ringo..  ringo...  sorry na! ”

     Bahala ka sa buhay mo!
Tumigil din siya sa pagkatok narinig ko ang yabag niya palayo.

Naiinis ako sa kanya, nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya kahit na sabihin niyang biro yun...

“Ringo....” katok ni Ate Rika, pinagbuksan ko siya ng pinto.
Humiga ulit ako sa kama ko pinag patuloy ko ang pag lalaro sa cellphone ko.

“Mag-kaaway daw kayo ni Ikki” tanong nito.
“Naiinis ako sakanya!” di ko siya nililingon.
“Bakit ba kasi ganon ayos mo? Alam kong matalino ka bat kaylangan mo pa mag paka-nerd?”
“Part na ng plano ko yun.” nakangising sabi ko sa kanya.
“WHAT?! what do you mean?!” takang tanong niya.
“Kapag nerd ka madalas kang mabubully, isa ang grupo ni Fire sa bully ng school na yun usually pag ang nerd nabangga ang isang Genesis talagang ginagawa nilang impyerno ang school life nito”
“So mag papabully ka sa grupo ni Fire?”
“Yun ang way ko para mapansin niya ako”
“What? Di kita magets” takang taka pa rin siya.
“Basta ako na ang bahala dun.”
“Bahala ka nga!” tumayo na ito pero bago siya lumabas “Mag bati na kayo ni Ikki... nag bibiro lang yun, tsaka diba love mo yun dapat di ka nagagalit sa kanya!” pahabol pa nito.
“Tse!” sigaw ko sa kanya.

Oo mahal ko si Ikki simula bata pa kami. Kaya lagi ko siyang pinagtatanggol kay Mikan at sa ibang bata kahit ako pa ang umiyak basta wag lang masaktan si Ikki kahit nung freshmen pa lang kami ako ang nag tatanggol sa kanya kahit lalaki pa ang umaaway sa kanya. Kaya ko mag sakripisyo para kay Ikki, mamahalin ko pa rin siya kahit na di niya ito suklian.

~~
Sana magustuhan niyo ang part na 'to. Salamat sa pag babasa. *^▁^*

RINGO - "The Fighter"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon