Ninoy Aquino International Airport.
“Oh my gosh! Ang init naman!!” reklamo ni Mikan, habang tinatangal niya yung jacket niya.
Habang nag lalakad kami palabas ng airport ang dami napapatingin samin, agaw pansin naman talaga si Mikan. Naka-short shorts siya at babytee. Bukod kasi na maganda at sexy siya, ay agaw pansin din kasi ang buhok niyang light pink. Kikay siya kung manamit pero may pagka-boyish ang asta niya.
“Haaay grabe! Ang iniiiit!” sabi ulit ni Mikan.
“Mikan ang bibig mo nakakarindi na! ” inis na sabi ni ate Rika.
“Eh sa mainit naman talaga!!”
Tiningnan lang siya ng masama ni ate Rika. “Okey mananahimik na nga ako!”Kalahating oras rin kami nag-antay pero wala pa rin yung sundo namin.
“Ume gutom ka na ba?” tanong ko kay Ume na inaantok na sa tabi ko, umiling siya bilang sagot.
“Rika dadating pa ba yung susundo sa atin?” tanong ni Mikan.
Tumingin lang sa relo si Ate Rika at kinuha niya ang cellphone niya. Lumayo siya ng bahagya sa amin.
“Ume gusto mo?” tanong ni Ikki, may inaabot na chocolate, tumango lang si Ume at inabot yung chocolate.
Plastik din tong batang to eh... •﹏•Nakakunot-noo na bumalik si Ate Rika sa amin.“Di daw makakarating si Paul, may aberya daw na nangyari.”
“Bakit daw?” tanong ni Mikan.
“Di ko alam, tara samahan mo ko mag hanap tayo ng taxi.”Sabi nito kay Mikan sabay hila dito.Tatlo kaming naiwan sa labas ng terminal. Nilabas ni Ume ang sketchpad niya at nag simula mag drawing.
“Ringo magtatagal kaya tayo dito sa pilipinas?”
“Di ko alam eh. Bakit gusto mo ba dito?” tanong ko sa kanya.
“Ewan ko” kibit-balikat na sabi nito.Maya-maya ay dumating na sina Ate Rika. Isang van ang nirent nila. Isa-isa namin inilagay ang mga gamit namin, dahil marami ang gamit namin hindi kami kasya.
“Kayong dalawa mauna na kayo sa bahay, susunod na lang kami. Bibili na rin kami ng makakain natin, ito yung susi” sabi ni Ate Rika sabay abot ng susi.
“Okey Ate”
Sasakay na sana ako sa harap ng Van, nang biglang nilagay ni Mikan yung mga bag nila ni Ume.
“Dun ka na sa tabi ni Ikki!” nakangising sabi nito at kumindat pa.
Inirapan ko lang siya “Ewan ko sayo Mikan!” padabog akong sumakay sa Van.Nakakainis ka talaga Mikan!!"
Medyo masikip ang espasyo namin ni Ikki, dahil katabi niya ang traveling bag niya sa kabila. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Ringo okey ka lang?” tanong ni Ikki.
“Oo, bakit?” takang sagot ko.
“Wala.” nakatingin lang siya sa ibang direkasyon, napasin kong pinipigilan lang niya yung ngiti niya.Tsaka ko lang naramdaman yung Kamay niya sa balikat ko, binatukan ko at tumawa lang siya ng malakas. Kinabig niya ko palapit sa kanya.
Oh my gosh!! Lalo atang lumakas yung pintig ng puso ko! 💓
“Matulog ka muna mukhang kulang ka sa tulog.” bulong niya sakin, kaya sumandal ako sa dibdib niya rinig ko ang pagtibok ng puso niya parang musika sa aking pandinig. Ilang segundo lang ay hinihila na ko ng antok.
“Ringo...” tawag ni Ikki sakin, sinabayan niya pa ng mahinang yugyog.
“Asan na tayo?” inaantok na tanong ko.
“Kakapasok pa lang natin ng Village.”sagot ni Ikki.Ala-una na pala, tatlong oras din pala ang naging byahe namin. Sa isang kanto kami lumiko at tumapat sa isang malaking bahay. Nag patulong na lang kami sa driver na ibaba ang bahahe pag katapos ay inabutan ko ng cash si manong kasama na rin ang tip.
Japanese style ang napili na bahay ni Ate. Nice kala ko panget yung magigingbahay namin. Maganda at malawak ang bahay, maayos at malinis na rin kompleto ang appliances sa living room, kusina at Laundry Area. Mukhang pinaghandaan talaga ni Ate Rika. May dalawang kwarto sa first floor siguradong kina Ate Rika at Mikan yun. Sa second floor may tatlong kwarto na may pangalan namin ang bawat isang pinto, magkatabi ang kwarto namin ni Ikki. May library room din. At sa third floor ay may malawak na court, dalawang bench sa side.
Nakaramdam na ko ng gutom, Maliligo muna ako bago kumain. Hinubad ko amg damit ko at kinuha ko ang tuwalyo ko. Pag bukas ko ng pinto nanlaki ang mata ko, nakita ko si Ikki sa loob ng banyo na naihi. Agad kong sinara ang pinto!
Damn!!! Ano toh pinag isa nila ang banyo namin!!! ˋ︿ˊ
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
~~
Salamat po sa pag babasa!! :):):)
BINABASA MO ANG
RINGO - "The Fighter"
Teen FictionAko si Ringo Noyamano. Isa akong fighter at in love ako sa best friend kong si Ikki. Pero mapaglaro ang kapalaran ang lihim na mundo ko sa kanya ay pilit niya ring papasukin. ~~ Yung character at yung kwento ginaya ko sa favorite kong anime na A...