Maaga ako nagising, napangiti ako umpisa na ng step one ng mga plano ko. Two weeks na rin kami pumapasok, di pa rin kami nag papansinan ni Ikki. Mayroon na rin siyang bagong kaibigan sina Kazuma at Onigiri.
Sa mga araw na pumapasok ako wala akong ibang ginawa kung di sundan ang grupo ng Genesis.
Saulado ko na kung anong araw sila pumupunta sa Building ng highschool kung anong oras sila napunta ng cafeteria. At kung sino ang flovor of the week niya, si Kylie isang cheerleader. Unang tingin pa lang mukhang maarte at mayabang na sabagay bagay naman sila. kapal ng mukha weeks kung mag palit ng babae.
Naligo na ko at nag bihis, naririnig kong may nagalaw na sa kusina. Himala ata maagang nagising si Ate Rika. Bago ako bumaba sinilip ko muna si Ikki sa silid niya. Wala siya, nakatulog pala siya sa study table niya. Nakatulugan na niya yung assignment niya. Tinitigan ko pa siya ng saglit bago lumabas.
Pagbaba ko dumeretso agad ako sa kusina hindi si Ate Rika ang nag luluto kung di si Mikan.“Good Morning Ringo!” nakangiting sabi nito.
“Aba! Himala ata ang aga mo magising.! ” sabi ko sa kanya.
“Tangek! Di pa ko natutulog!” nakangising sagot nito.
“San ka naman galing?”
“May pinanood lang akong laban” sagot nito, tapos na siyang mag hiwa sinalang na niya yung pan at nag lagay ng butter. “May pang gastos ka pa ba?” biglang tanong nito.
“Meron pa naman.” madami akong pera malaki rin ang naipon ko noong asa japan ako kaso tinitipid ko rin yun, big time kaya yung kalaban ko tsaka wala pa akong nakukuhang laban dito sa pilipinas.
“Oh pang gastos niyong tatlo yan” sabay abot sakin ng maliit na pouch pag-bukas ko puro tag-iisang libo ang laman. “Pumusta ako kagabi di lang triple ang napanalunan ko! HAHAHAHA...” sagot nito bago ako mag tanong kung saan yun galing. ^O^Kaya pala ang saya at ang bait niya ngayon...
Tinulungan ko na siya sa pag hahanda ng almusal. Nag timpla ako ng Gatas at Tea walang nag kakape samin Hehehehe....
“Mauna na kong kumain Mikan ha.” sabi ko sakanya.
“Ha? Mamaya na sabay sabay na tayo, maaga pa naman.” sabi niya at tiningnan niya yung relo niya.
“Maaga akong papasok ngayon may gagawin ako”Mabilis lang ako kumain, hinugasan ko ang pinag kainan ko at nag toothbrush. 5:15am pa lang nag antay ako ng taxi sa labas ng village. May tumapat na jeep sa harap ko, Try ko kayang sumakay dito. Nag busina yung driver kaya sumakay na ko. Ang daming pasikot sikot ng driver dahil wala pang gaanong sasakyan ay mabilis lang ang byahe. Huminto kami sa LRT, mas mabilis pa rin ang train ng Japan. Saktong six o'clock ako nakarating sa school mas mabilis pang mag commute kesa mag taxi. May mga estudyante na ring pumapasok. Sa may cafeteria ako tumambay, mayamaya ay dumating na sina Fire bawat daanan nilang estudyante ay nag bibigay daan sa kanila.
Dumaan sila sa harap ko nakaupo sila sa likuran kaya rinig na rinig ko ang pag lalandian nila, grabe lakas nila maka PDA! Pinakuha na ni Fire ang chit nila.
Tumayo ako at bumili ng milkshake. Saktong pag tayo nila ay kunwari napatid ako at natapon dun sa babae yung milkshake natalsikan rin ang damit ni Fire.“OHMGGGGG! Stupid! Are you blind!” sigaw ni Kylie at hinablot niya ang buhok ko. Dumarami na rin ang mga tao sa loob ng cafeteria.
“Im so...rry...sorrry!” kunwaring naiiyak kong sabi. Tarantado to ah lakas ng loob sabunutan ako!
“Hey Sweetie... stop!” awat ni Fire dito. Lumapit siya sa akin hinawakan niya ko ng mahigpit sa braso. “Hey Nerdy alam mo ba kung sino ang tinapunan mo ng shake? ni isa walang Nag lalaks loob na makalapit sakin lalo na katulad mong mababang uri! Kayong lahat dito ito ang tatandaan niyo ang hindi namin kalevel ay ganito ang mangyayari sa inyo!” binuhusan niya ako ng tubig at tinadyakan niya ako. “Yan ang nababagay sayo STUPID! sa susunod mag ingat ka!!” pahabol pa na sabi nito at iniwan niya ako.
Pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob nag bubulungan at nag tatawanan sila yung iba naman ay naawa sa akin balewalang tumayo ako at deretsong nag-lakad at pumunta ng CR.
Nag-palit ako ng damit at inayos ang sarili ko pag-pasok ko ng Room ay lahat sila nakatingin sa akin.
Pag dating ko sa desk ko may isang black envelope na nakalapag binuksa ko yun at may card nakalagay na Genesis. At sa likod ay may nakasulat na ‘PLAY’
“RINGO!” sigaw ni Ikki at hinihingal na lumapit sa akin at niyakap niya ako. “Okey ka lang ba? Sorry wala ako dun, sorry kung hindi kita naipagtanggol.”
“HAA?!” gulat na sabi ko.
“Naikwento namin kay Ikki yung nangyari sayo.” sabi nung babae. Asa likod sila ni Ikki, sina Kazuma, Onigiri at yung dalawang babae.
“Ako nga pala si Yayoi Nakayama. Half-Filipino at Half-Japanese” pakilala nung matangkad na babae.
“Ako si Emily Adachi, half-japanese and korean ang papa ko at pure pinay naman ang mama ko.” pakilala nung maliit na babae nakangiti siyang inabot ang kamay sa akin.
“Ako naman si Onigiri San. Pure Japanese ang parents ko, natututo lang ako mag tagalog sa Yaya ko na ngyaong nag aalaga sa akin.” pakilala nung pandak, mataba at pangit na lalaki.
“Hi ako si Kazuma Mikura, pure Japanese ang papa ko at half-British at pilipino ang mama ko.” pakilala naman nung lalaking maputi, gwapo siya nakuha niya siguro ang blue eyes ng mama niya.
“Okey ka naba?” tanong ni Emily.
“Oo naman!” ibinulsa ko yung card.Nag sibalik na kami ng upuan nung dumating si Mr. Orihara. Nasa Kalagitnaan na kami ng klase ng kalabitin ako ni Ikki sa likod at may binigay saking sulat.
Sabay tayo mamaya ha. Bati na tayo please, i miss you.... promise wala nang mananakit sayo.
Napangiti ako sa nabasa ko.
●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
~~
Salamat sa pag babasa.. ^O^
BINABASA MO ANG
RINGO - "The Fighter"
Novela JuvenilAko si Ringo Noyamano. Isa akong fighter at in love ako sa best friend kong si Ikki. Pero mapaglaro ang kapalaran ang lihim na mundo ko sa kanya ay pilit niya ring papasukin. ~~ Yung character at yung kwento ginaya ko sa favorite kong anime na A...