June 1 start na ng class. Sa isang International School kami papasok, isa sa mga ka-miyembro ni Fire ang may ari ng school. Tulad sa plano para mapalapit kay Fire ay dapat dun din ako mag enroll sa pinapasukan niya. Gagawin kong maliit ang mundo namin.
“Ringo matagal ka pa ba??” sigaw ni Ikki sa kabilang pinto.
“Oo!” sigaw ko rin, tinanggal ko yung pagkaka-lock ng kabilang pinto at mabilis na tumakbo palabas.Akmang huhubarin ko na yung robe ko, biglang sumungaw ang ulo ni Ikki sa pinto.
“Ringo T-back mo naiwan mo dito!” nilabas niya yung isa niyang kamay hawak niya yung..... Binatukan ko siya sabay kuha ng T-back ko.“Nag gaganyan ka pala Ringo. Color Red pa!” natatawang sabi niya. Binato ko siya ng lampshade pero agad din naman niyamg nasara ang pinto.
Kumuha ako ng uniform ko at kay Ume ako nag bihis. Tapos na ko mag bihis mag lalagay na ko ng Make-up nang may maisip ako.
Pag-baba ko napanganga yung mga tao sa Ibaba.
“Bakit?” kunwaring tanong ko.
“Para kang timang sa ayos mo!” sabi ni Mikan bakas ang pag ka-amused sa mukha niya.white na long sleeve, palda na kulay blue mas mahaba lang sa palda ko sa japan ng isang pulgada, necktie na red at long white socks at black shoes na may two inch na takong. May white na varsity jacket din kami.
Pero hindi yun ang pinag tatawanan nila kundi ang buhok ko na naka pig-tail ribbon pa ang design at may salamin pa na pang nerd malayong malayo sa ayos ko sa japan. Medyo malabo ang mata ko pero contact lens ang gamit ko.
“Bakit trip ko ito noh!” sagot ko na lang sa kanila, kakaupo ko lang ay bigla nang tumayo sina Ikki at Ume.
“Oy san punta niyo?” takang tanong ko.
“Papasok na!” sagot ni Ikki kinuha na niya yung backpack niya at ang bag ni Ume, lumabas na sila ng bahay.“Di ka pa ba tatayo dyan?” tanong ni Ate Rika, kumukuha ako ng fried dumpling at chowfan siguradong si Mikan ang nag-luto nito kaya natatakam ako.
“Kakain muna ako.” sagot ko habang nasubo.
“Ano ka ba pauunahin mo pumasok yung dalawa eh pano kung mapahamak sila. Yung duty mo bigla mong nalimutan dahil sa pagkain, nakuuuu Ringo pag may nangyaro din sa dalawa ibibitin talaga kita patiwarik!!” sermon ni Rika sakin, napakamot ulo na lang ako di ko na tinapos yung kinakain ko. Bago ko umalis kumuha pa ko ng isang dumpling.Tumakbo ako palabas ng bahay naabutan ko yung dalawa palabas pa lang ng Village. Nag-antay kami ng Taxi, maaga pa naman kaya di msyadong trapik.
Lima ang Gate sa school na ito yung isa para sa elementary, high-school at collage. Yung isa para sa parking lot at ang isa ay sa likod na ng buong school.
Pag pasok namin sa gate ngga high-school ay ibat ibang tagpo ang sumalubong sa amin. May hinahabol, may binubuhusan ng tubig, yung iba ay pinakikialaman yung bag at iba pang paraan ng pang bubully.
May umakyat na dalawang babae at tatlong lalaki sa stage. Napangisi ako sa nakita ko si Blossom.
“HEY STUDENTS! I AM MAYLI AND IM THE CAMPUS QUEEN BITCH HERE, FRESHMAN AND TRANSFEREE.... WELCOME TO HELL!” nakangiti niyang sabi kumaway muna siya bago bumababa ng stage.
Hahaha patawa ‘toh, ang weak mo nga eh.
Naunang pumasok si Ikki sa Classroom.
“Ang Hot niya!”
“Kaso girlfriend niya ata tung kasunod niya!”
“Yuck ! Di papatol yung ganyang ka-hunky sa isang nerdy!”
“Hi babe!”
“His Mine, honey come here”Humarap si Ikki sa mga ito at kumindat pa lalo tuloy kinilig ang mga g*g* nainis ako sa inasta ni Ikki. Nang ako na ang dadaan sa harap nila ay nag bubulungan sila at nag tawanan. Huminto ako sa harapan nila at tinanggal ko ang salamin ko at tinitigan ko sila ng matalim, bigla silang nanahimik.
Naghanap ako ng upuan, dun ako naupo sa harapan ni Ikki malapit sa bintana nasa likod kami nakapwesto.
Nakatingin ako sa ibaba ng school nang makita ko si Fire kasama nya ang mga kagrupo niya.
Fire isa sa mga araw na toh mag kakaharap din tayo!
BINABASA MO ANG
RINGO - "The Fighter"
Teen FictionAko si Ringo Noyamano. Isa akong fighter at in love ako sa best friend kong si Ikki. Pero mapaglaro ang kapalaran ang lihim na mundo ko sa kanya ay pilit niya ring papasukin. ~~ Yung character at yung kwento ginaya ko sa favorite kong anime na A...