Chapter 2
Eyya's Pov
"Sino yung tumawag sayo?" Tanong sa akin ni Kurt.
"Wala kang pake!" Sagot ko ng pabara.
"Ayy .may ganon na palang pangalan noh? 'Wala' yung given name 'kang' yung Middle name 'Pake' yung family name. Wow naman Eyya, bagong pauso?" Sabi niya habang naka-ngiting aso.
"Hahaha..Tatawa na ba ako?" Tanong ko na pa-sarcastic.
"It's depends to you. It's either tatawa ka o hindi. Kapag tumawa ka ehh di baliw ka na. Kapag hindi ka naman tumawa mas baliw ka!" Sabi niya.
Nagtaka ako dun sa huli nyang sinabi.
"Ehh, panong naging mas baliw ako kung hindi ako tatawa?" Takang tanong ko.
"Duh? T*nga ka ba! Mas baliw ka kasi hindi ka tumawa sa joke ehh havey na havey yun. " sagot naman niya ng nakapoker-face.
Okay?okay? Mga readers na gets nyo ba? Ano bang utak meroN to?! Joke ba yun?"Ehh, bakit naman naging baliw kapag tumawa?" Taka ko nanamang tanong.
"Kasi, literally ang gagawin ng iba is tatawa kasi atleast yun baliw lang eh yung hindi MAS baliw. So as a Pilipino pipiliin nila yung tumawa pero kahit yun ang pinili nila baliw pa rin sila at tanga kasi ang Pilipino uto-uto!" Paliwanag niya nanaman..
Ahhh..Now, I know! Yun pala yun.. dami kasi nitong alam."Hahaha..uto-uto nga ang mga Pilipino buti na lang Pilipina ako!" Sabi ko ng walang emosyon.
"Uwi na ako huh?" Sarcastic niyang sabi.
"Geh na, go ahead walang pumipigil sayo!" Sabi ko.
"Tsk!"tanging sagot niya. Ang haba ng sagot nya diba?
"Guysss!! Wala daw yung mga teachers may meeting daw sa conference hall. Pero, mag-stay lang daw tayo sa room natin. Do what you want daw." Sabi ng President namin na si Jean.
Aishh..Ano ba yan. Naalala ko yung cupcakes na binigay ni Kurt. Kinuha ko ito sa bag at binuksan. Taray! Pa-heart shape talaga. Mukhang masarap ahh..
"Kurt, gusto mo?" Alok ko sa katabi ko.
"Ayaw. Bigay yan sayo diba? Ibig sabihin sayo lang yan!" Sabi niya ng nakapoker-face.
"Ehh bilis na hindi ko naman kayang ubusin 'toh!" Sabi ko ulit.
"Aish, edi ibigay mo kay GRace." Sabi niya ulit.
"May nakikita ka bang Grace?" Tanong ko sa kanya. Nilibot niya naman sa buong room ang kanyang paningin at tumingin sa akin.
"Asus! Ikaw hah? Dumadamoves ka ata sa akin!? Sabihin mo na hindi yung dinadaan mo sa cupcake!" Sabi niya na may nakakalokong ngiti.
"Tse! Wag na kung ayaw mo. Dami pang sinasabi!" Sabi ko na naiinis.
"Ooppss.. Inalok mo ko tapos babawiin mo! So, bad Eyya! Bad!Bad!" Sabi niya at pailing-iling pa.
Inirapan ko na lang siya at kumuha na lang ng cupcake kumuha na rin naman siya kaya nagsimula na kaming kumain.
Habang nagkakain kami bigla akong nasamid.
*ehem* *ehem*
"Sh*t!" RinIg kong mura ni Kurt at tarantang kinuha ang tumbler niya sa bag.
"Oh, uminom ka ng tubig!"sabi niya saakin kaya ininom ko na rin yung tubig niya.
"Dahan-dahan lang kasi! Yan ay ang takaw!" Sabi niya.
"Walanjo! Ka! Ayos na sana ehh.. kaso idinagdag mo pa yung takaw thingy! FYI di ako matakaw nasamid ako ok!" Sabi ko sa kanya.
"Naalala ka nanaman siguro kasi ni Yazzer." Bulong niyang sabi kaya di ko narinig.
"Huy, ano yun?" Tanong ko.
"Huh? Wala ahh!" Sagot niya naman.
"Yah! Ano nga kasi yun?" Tanong ko sabay hampas sa kanyang braso.
"Hoy! Aray hah? Tumigil ka nga! Nakatingin na sila sa atin ohh!" Sabi niya sabay turo dun sa mga kaklase namin na nakatingin sa amin na nakakunot ang mga noo.
"Hihihi ^__^v Sowreeeeeehhhh!" Sabi ko sa kanila at nag-peace sign. Nagsibalikan naman sila sa kani-kanilang gawain. Hahaha...
"Yan kasi! Sinasaktan mo ako!" Sabi niya.
"Tse! Di naman masakit yun ehh! Baka naman lampa ka o di kaya bakla ka! Hahahaha!" Sabi ko sa kanya na nang-aasar.
"What? Ako bakla?" Tanong niya at ang sama ng tingin sa akin. Tumango naman ako as a sign of my answer.
"Ahh..Ganon?" Sabi niya...At palapit ng palapit.. as in ilang inch na lang maglalapit na ang aming mga labi.
Gosh! Napalunok ako sa sobrang kaba.
"Yiiieeee! Anu yan? Bawal mag- PDA dito guys!" Puna saamin ni Jake. Hyy..salamat thanks to him..
"Oh,ngayon sino ang bakla?" Tanong niya na nakangiting-aso.
Hindi na ako sumagot at inirapan na lang siya.
Author's Note:
Hihihi :) Natatawa ako sa part na'to....At kinikilig rin.. Sana ganyan rin kami ka-close nung crush ko. *pout* :(
By the way vote naman kayo para di na'ko sad.. Plsssss?!
YOU ARE READING
His Greatest Downfall
Teen FictionYazzer Lopez.'Yan ang pangalan ng lalaking tinitingala ng lahat at nirerespeto. Sikat, ang kanilang grupo sa Jalbuena Academy na 'CH' o mas kilalang "Campus Heartthrob", dahil sa taglay nitong mga kagwapuhan. Ngunit, sa kabila ng lahat. May itinatag...