L - H to R : 1

19.5K 162 10
                                    



Chapter One

"Just take a break."


That is the first thing that she heard after getting work.


---c--- ---c--- ---c---

Maaga pa lang naghahanda siya sa pagpasok at gaya pa rin ng dati, buong araw na naman niyang lulunurin ang kanyang sarili sa pagtatrabaho.


"Hey!" tawag pansin ng matalik niyang kaibigan na si Monaliza Rivera "Mona" for short na kapitbahay lang niya.


"What?" wala sa mood niyang sagot rito.


"Tsk! Tsk! Tsk! Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang magtrabaho?"


"Wala," wala sa mood niyang sagot rito. "So, if I were you, I just mind your own business and I should mind mine."


"Wow! Sarcastic!" pagbibiro nito.


Napangiti siya rito. "Anyway, good morning and see you after work, okay!" paalam niya rito.


"Okay!" sagot nito ngunit agad ring may hinabol. "Are you sure you're going to be fine? I mean, didn't you need some time to relax?"


"Alam mo namang wala akong luxury sa mga ganyang bagay so, I'll just go to work now so see you after," she answered and walks out of the garden.


"Alright! Basta kapag kailangan mo ng makakasama, I'm just here as always, Seph!" hiyaw nito sa kanya na sinagot lang niya ng pag-wave ng kamay bago siya tuluyang maglakad papalabas ng subdivision.


---c--- ---c--- ---c---

Josephine Hernandez "Seph" for short, a wedding dress designer works at Bride and Groom Wedding House or BGW House. At mismong sila ang may-ari ng shop na namana nila sa kanilang mga magulang at ang kuya niyang si Jayvee Hernandez ang nagpalago niyon mula ng mawala ang kanilang mga magulang noong siya nasa last year ng high school. At kahit na nasa ikalawang taon pa lang ng kolehiyo noon ang kuya niya, nagawa pa rin nitong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasikaso ng shop sa tulong na rin ng kanilang tiyahin, kapatid ng kanilang ama.


Samantalang siya nang makatapos siya ng fashion designer agad na siyang pumasok sa shop nila at naging isa siyang wedding dress designer dahil pangarap niya iyon mula pa noon. Dahilan upang maging abala siya sa ikalawang taon ng kanyang trabaho na sinuportahan naman ng first boyfriend niya. Na inakala niyang forever na ngunit matapos lamang ang kanilang six years relationship, bigla na lang itong nakipag-break sa pamamagitan lang ng isang text at matapos lamang ang isang linggo nalaman na lamang niyang magpapakasal na pala ito na labis-labis niyang dinamdam.


Isang architect ang ex-boyfriend niya na nakilala niya noong nasa ikatlong taon siya ng kolehiyo at dahil magka-klase sila sa dalawang minor subjects nila ay naging magka-ibigan sila nito. Lalo na at napakaraming mga bagay-bagay na halos napagkakasunduan nila dahilan upang mahulog ng unti-unti ang loob niya rito. Nang nasa ika-apat na taon na sila ng kolehiyo, nanligaw na ito sa kanya at talagang nag-tiyaga itong maghintay dahil naipangako na niya sa kuya niya na hindi siya magkikipag-relasyon hangga't hindi pa siya nakaka-graduate, na natupad niya.

L - H to RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon