Chapter Five
"I never said that I don't like you." He said. "I'm just... looking for the right time to say it."
---c--- ---c--- ---c---
Mula nang matapos ang nangyari sa bar ng gabing iyon, halos hindi naman siya mapakali sa kanyang kuwarto mula nang makauwi sila. At mukhang napansin na iyon ni Monaliza kahit pa nga abalang-abala ito sa pag-aayos ng mga kuha nila ng araw na iyon.
"Sus, so much affected ba?" makahulugan nitong hayag na nagpalingon sa kanya rito.
"What? Anong affected ba ang sinasabi mo?!" galit niyang sagot rito.
"Well," she stops. "Iyong paghalik ni Tri sa noo mo na imbis na sa li–––"
"Manahimik ka nga! Baka mamaya niyan may makarinig pa sayo at baka kung anong isipin sakin nun." Sita niya rito.
"As if naman maririnig nila tayo," komento nito. "But seriously, halatang-halata kayang naiinis ka."
"Haist! Hindi nga!" pagtanggi niya rito kahit na nga alam niya sa sarili niyang naiinis nga talaga siya sa naging resulta kanina.
"Huwag nang itago at halata naman," sabay balik nito sa ginagawa.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang ginawa bago niya ibagsak ang katawan sa kama. "Hay! Ewan!" sagot niya rito at para na ring inamin niya ritong naiinis siya sa nangyari.
"Bakit kasi hindi ka pa magtapat sa kanya?"
"Para naman kasing napakadali ng sinasabi mo, eh!"
"Then, take your time. Pagkatapos, humanap ka ng tamang oras para masabi mo na ang tunay mong nadarama."
"Pero, alam ko namang masasaktan ako, eh!" maktol niya rito.
"Bakit? Nakita mo na ba ang hinaharap at alam na alam mo nang masasaktan ka sa oras na magtapat ka sa kanya?" seryoso nitong tanong.
"Hi-hindi..."
"Then, don't assume." She answered that she deeply sighs.
---c--- ---c--- ---c---
"Tol naman, bakit naman sa noo mo lang siya hinalikan?" nagtatakang tanong sa kanya ni Erick.
"At saan mo naman inaasahang hahalikan ko siya?"
"Sa lips... perhaps." Then Erick shrugs.
"Bakit, may karapatan ba akong gawin iyon?" sabay ubos niya sa alak na iniinom nila.
"Uhm, wala. Pero kahit man lang dampi siguro naman puwede na iyon." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
L - H to R
RomanceWill a love - hate turns to romance? Rank in #Romance; #867 ; #713 ; #815 ; #960 ; #410 ; #507 ; #613 ; #802 ; #727 ; #746 ; #621 ; #802 ; #985 ; #612 ; #616 ; #682 ; #775