L - H to R : 6

2.3K 49 2
                                    



Chapter Six

It is hard to admit what was the truth but...


"I like you." He said once again. "And I think, mahal na kita." He ended with sincerity in his eyes.


---c--- ---c--- ---c---

"Wh-what?" kabado nitong tanong sa kanya at halos hindi na ito makatingin ng deretso sa kanya.


"Are you just going to accept it like that?" he seriously asked her.


"..." kumibot lang ang mga labi nito ngunit wala itong sinabi.


"What if I told you that I really do like you?"


"Ha! Eh, hindi ba kakasabi mo lang, magkaibigan lang naman tayo! So, bakit kailangan mo pang magsinungaling?"


"Then if I get serious, will you believe me?"


Hindi agad ito nakasagot. "We-well..." halatang-halata ang kabang nakalarawan sa mukha nito at halos hindi ito makalingon sa kanya ng tuwid.


"So..." then he couldn't help it but to half smiles.


"Wh-what was that?!" Josephine noticed it. "Grabe! Pinagtritripan mo ba ako?!" galit nitong hayag.


"Hindi, ah!" sabay iling niya rito.


"Then... why are you smiling?! Ha!" pasigaw nitong sita.


"Well," then he smiled again.


"See!" sabay turo nito. "Niloloko mo nga ako, eh!" sabay pamaywang nito sa kanya.


Tuluyan na siyang natawa rito dahil sa itsura nito at halos nagkanda-haba na ang nguso nito dahil sa sobrang inis na sa kanya. "Then, if... just if... I kiss you back then?"


"Wh-what!" She blushes that he loves to see. "Nakakainis ka na!" sabay martiya nito palayo sa kanya.


"Hey! What was that?" gulat niyang tawag rito. "At saan ka pupunta? Di pa tayo tapos mag-usap."


"Babalik na ako sa tent at wala akong oras na makipag-usap sa taong hindi naman talaga seryoso sa pakikipag-usap!" sabay martiya nito palayo sa kanya at noon lang niya nagawang makahinga ng maayos dahil sa sobrang kabang kanyang nadarama ng mga oras na iyon.


"Tol naman, iyon na iyon, bakit biglang-bigla ka na lang umatras?!" bigla na lang lumabas sa kung saan si Erick na ikinagulat niya.


"Haist! Kanina ka pa ba diyan?!" pagalit niyang tanong rito.


Napailing ito sa kanya. "Magtatapat ka na lang sa kanya, idinaan mo pa sa biro," sagot nito imbis na sagutin siya.


L - H to RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon