L - H to R : 9

2.3K 43 2
                                    



Chapter Nine

"Ganyan kita kamahal, mula noon hanggang ngayon," bigla nitong sagot matapos niyang makita ang lahat at dahan-dahan siyang humarap rito kahit na nga basa na ng mga luha ang kanyang mukha.


---c--- ---c--- ---c---

"Here!" sabay lapag ng tickets sa mesa niya.


Nang araw na iyon nagawang makatawid ni Monaliza sa bahay nila at dahil minsan lang kung mangyari iyon may hula na siyang may plano na naman ito.


"So, ano naman itong plano ni kuya?" deretso niyang tanong rito matapos niyang bitawan ang lapis na hawak niya.


"Hindi niya plano iyan noh! Saka masama bang isama ka mga ganyang events?" may halong tampo sa tono nito at nagpakonsensiya sa kanya.


"Okay! I'm sorry! Baka lang kako ayaw pa rin niya akong papasukin at sa Monday na iyon, aba ang tagal ko na kayang naiinip rito sa bahay."


"Wow! Hindi naman halata!" sagot nito habang tinitingnan isa-isa ang lahat ng nai-sketch niya ng halos dalawang linggo na rin. "At mukhang mas marami ka pang nagawang magagandang designs, ha!"


"Oo naman!" mayabang niyang sagot rito. "Ikaw ba namang walang magawa so, iyan ang naging resulta." Na tinanguan lang nito at noon naman niya napagtuunan ang tickets na binigay nito. "Ano nga pala itong mga tickets na ito?" sabay kuha niya roon at binasa ang nakalagay roon. "Photo exhibit?"


"Yup!" sabay baling ng tingin nito sa kanya. "Gusto mo siyang makausap hindi ba? At iyan na ang pagkakataon mong makausap siya tutal gagawin naman bukas ang exhibit niya at wala ka rin namang pasok so, it will be a good chance to see and talk to him."


"Pero, magiging abala siya pag-ganoon!" agad niyang angal rito.


"Umaangal ka?"


"Hindi naman, pero–––"


"Then, it will be fine. Since that pinaghirapan pa ni Erick na makakuha ng tickets para lang satin dahil madaling naubos ang mga tickets, kaya kailangan talaga nating magpunta riyan, okay?


"Pero..." she stares on it as if it was her last hope. "Do you think he would talk to me?" she asked worriedly.


"Then try it and see for yourself." Monaliza answered as she continues looking through her sketches.


---c--- ---c--- ---c---

"Hey! Are you alright?" Erick asked him as he continues checking his photo exhibit.


"I'm fine."


Erick stares at him intently. "Mukhang hindi ka ayos?" patanong na sagot nito ngunit hindi siya nag-react sa sinabi nito at nagpatuloy sa pag-i-inspection ng mga photos niya. "Hay! Bakit ba kasi hindi mo na lang siya kinausap nang araw na iyon? Hindi sana malinaw na ang lahat at–––"

L - H to RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon