Chapter Four
"Just kiss me!" bulong niya rito na halatang ikinagulat nito ngunit mas nagulat siya sa ginawa nito. Hinalikan nga siya nito ngunit sa noo naman niya dumampi ang mga labi nito.
---c--- ---c--- ---c---
Papagabi na nang tumigil sila sa paggawa ng mga iba't ibang activities na meron sa beach resort pero alam niyang marami pa silang hindi nagagawa roon dahilan upang magplanong muli ang tatlo para bukas. Na ikinagulat niya dahil ang akala niya makakapagpahinga na muna siya bukas ngunit maling akala lang pa iyon!
"Teka nga, Mona!" bigla niyang singit sa mga ito. "Akala ko ba kaya ka nagbakasyon eh, para sa bago mong isinusulat?"
"Oo," agad nitong sagot.
"Then, kailan mo naman dapat iyon gawin?" seryoso niyang tanong rito.
"Uhm, sa ngayon... wala pa ako sa mood na magsulat so, for now let just say. Nasa bakasyon pa ang utak ko kaya ie-enjoy ko na lang muna ito."
Para siyang nanlumo sa narinig rito ngunit ano pa nga bang mgagawa niya kundi ang sundin kung anong gusto nito.
"Hey! Guys!" tawag pansin sa kanila ni Erick. "Nakakuha na kami ni Tri ng place para makainan natin." Hayag nito at dahil summer ngayon, punuan ang karamihan sa mga kainan at dahil nahalata na ni Tristan na pagod na siya, nagprisinta na itong maghanap ng makakainan nila kasama si Erick at sila naman ni Monaliza naghintay na lamang sila at naupo sa isa sa mga bench roon.
"Tara na!" aya nito na tinanguan na lang niya bilang sagot rito.
---c--- ---c--- ---c---
Matapos nilang makakain ng hapunan, nagpasya na muna silang maglakad-lakad sa tabi ng dagat at habang naglalakad nakipaglaro na rin sila sa alon na tumatama sa kanilang mga paa.
"Wow! Lamig talaga!" sabi ni Erick saka ito lumayo sa alon.
"Sus! Konting lamig lang iyan, noh!" sagot naman rito ni Monaliza.
"Alam mo namang mahina ako sa lamig, Liz!" sagot nito at mukhang hindi pa rin nito nakakalimutan kung papaano nito tawagin si Monaliza noong sila pa. At noon lang niya naisip iyon, dati nga palang mag-nobyo ang dalawa at sa hindi niya malamang kadahilanan. Isang araw, nagsabi na lang si Monaliza na break na sila nito at magkaibigan na lang uli.
Naintriga man siya sa sinabi nito noon, hindi naman niya makuha ang naging rason ng mga ito sa pagbe-break nila kahit pa nga nakailang beses na siyang nagtanong rito. Na lagi lang nitong sinasagot ng...
"Well, there are things that won't stay permanent. So, let us just wait for the right time to come and let us see if it will go around."
Ang pagbulong sa kanya ni Tristan ang gumambala sa malalim niyang pag-iisip.
BINABASA MO ANG
L - H to R
RomanceWill a love - hate turns to romance? Rank in #Romance; #867 ; #713 ; #815 ; #960 ; #410 ; #507 ; #613 ; #802 ; #727 ; #746 ; #621 ; #802 ; #985 ; #612 ; #616 ; #682 ; #775