FALL 3: "Me" getting closer to You"

41 4 0
                                    

Papasok na ako sa school at oo kinakabahan ako naalala ko yung pinag gagawa ko kahapon sana naman hindi nila maalala nakakahiya.

Flasback

Iniabot ng lalaking nagtulak saakin ang kanyang kamay para patayuin ako pero gumawa ako ng paraan hinila ko siya at yun ang dahilan kaya mapatumba kami at nakapatung siya saakin.

" tumayu kanga nakaka hiya" at yun tumayu siya kasi naka tingin na lahat ng mga tao saamin sabay takbo ko papunta sa c.r para magtago.

End of flashback

Ito na kinakabahan na ako papasok na ako sa school

"Thea!" Tawag saakin ng isang mala anghel na babae

Kaya tumingin ako

"Shanelle ! Sabay takbo sakanya.

"O bakit parang namumula ka jan??" Ah wala kasi ano

"A sorry nga pala kahapon ah. Umalis na ako kaagad kasi naman may practice pa kami ng cheerdance eh ako kasi ang cheerleader." Sabagay maganda naman siya. Buti nalang at hindi mo nakita ang nangyari kahapon siguradong tatawanan mo lang naman ako pag nalaman mo

Sa hinaba haba ng pag uusap namin nakarating na kami ng room namin.

Nagsisimula na ang aming klase ng may tumatawag ng pangalan ko

"Bebang??"

"Thea bebang"

Sino bayun bakit niya ako tinatawag na bebang ganon naba ako kapangit ngayon.. kaya humarap na ako sakanya. At oo siya yung lalaking nagtulak saakin at oo ayoko ng ituloy nahihiya na ako.

"Bakit??" Sabi kung ganon habang nakataas ang aking kilay.

"Wala hihiram lang sana ako ng ball pen kasi naiwan ko yung ball pen ko." Sabi niyang ganon na mukhang nang aasar.

Naka take ba ng drugs to ang lakas ng trip eh.

"Bakit ba kasi pumapasok ka ng hindi nagdadala ng ballpen ito oh. " sabay abot ng ball pen na dinukot ko pa sa bulsa ng palda ko.

"Mr. Castillo at Ms. Salvador kung pupunta kayo sa school para mag usap lang lumabas na kayo dito sa room ko ngayon din." Sabay sabi ng guro namin na parang lumabas ang kanyang sungay sa galit.

Alla patay. At ayun lumabas na kami ng room ni mr. Villapuerte ang terror pa naman ng teacher namin na ito.

"Ikaw kasi eh. Hihiram lang ng ball pen ang ingay ingay pa".

"Anong maingay don eh. Ang hina hina nanga ng boses ko ikaw kasi magpapahiram na nga lang ng ball pen parang sisigaw pa eh magkano lang naman ang ball pen eh. "

"Ikaw marami kanang atraso saakin ah. Palagi nalang akong napapahamak kapag ikaw ang kasama ko. Ikaw kasi eh. Ball pen nangalang walapa. "" tapos ngayon ikaw pa tong galit saakin."

Pagkatapos ng awayan namin tumakbo ako papunta sa music room para doon muna ako kasi wala narin lang namang kaming klase pagkatapos magturo ng terror teacher namin eh.

Sa hindi inaasahan pagtatagpo ng mga mundo oh..

Dahil minsan lang na nagdugtong damang dama na ang ugong nito oh.

Wow ang galing naman ng kumakanta para siyang anghel kung alam kong may ganto kagandang boses dito palagi na akong tatambay sa music room.

Bogsh**

Biglang huminto ang kumakanta kasi nga naman nalaglag ko ang libro na ang mga naka sulat eh ang mga lyrics ng kanta.

"Sino ka??"
Sabi ng lalaki

Nanginginig ako habang naka tago sa kumpol kumpol na libro nakakahiya. Naputol ang kanyang pagkanta ang ganda pa naman ng boses niya.

"Sino kaba wag kanang magtago jan". Sabi niya saakin kaya ayun tumayo na ako para makita ko narin siya ng biglang.

"Ikaw??" sigaw ko sa kanya dahil siya pala yung lalaki kahapon. Huhuhu nakakahiya tong pagmumukha ko.Hindi ko carry to bahala na.

"Bakit miss namiss mo ako noh..? Nagkita nanga tayo kahapon eh." natatawang sabi nito sa akin habang hiyang hiya na itong pagmumukha dahil sa pula nito.

"Ang feeling mo aber bakit ano ba tayo wala diba kaya wag kang FEELING che" naiinis na ako dito sa lalaking to kahit gwapo di ako makatiis

"Ang cute mo haha halika na nga " nakangising sabi ulit nito. At hinila niya lang ako at di alam kung saan pupunta.

"Ui saan tayo pupunta lalaki ka.?" hindi ko na napigilan tong bunganga ko.
"Sa heaven gusto mo punta tayo doon?" nakangisi ulit

"Ang bastos ng bunganga mo" pulang pula na talaga ang mukha ko dahil sa pinagsasabi nito

"Bakit ka nakikipag-usap sa akin eh hindi pa tayo magkakilala? By the way ako nga pala si Tyler James Monterde." natatawang sabi nito

Baliw talaga ng lalaking ito syempre alam ko kasi crush ko hindi niya lang alam.

"Ako naman si Theamine Salvador but you can call me Thea, maganda, cute or what ever you want." nakakaloko kung tumungin sa kanya

Haha priceless yung mukha niya. Hindi ko na mapigilan pa

"HAHAHA whaaaaa " kiniliti lang naman niya ako. Dahil siguro sa pagtawa ko.

" Sorry yung inasal ko kahapon sayo mainit lang talaga yung ulo ko" paumanhin nito sa akin

" Okey lang wala yun sa akin" sabi ko sa kanya na kampante

Pagkatapos ng pagsasama namin ng ilang sandali. Ang saya saya ko dahil saglit lang nakilala ko yung taong nagpapatibok ng puso ko.

"Bye Bebang kita ulit tayo bukas sama mo yung Shanelle ah.?" paalam nito sa akin tapos tumakbo na bago pa ako makapagsalita

"Hoy lalaki lagot ka sa akin bukas " sigaw ko sa kanya at lumingon pa habang kumakaway


DOMINO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon