Chapter 9 - Hospital Moments

101 2 0
                                    

( Abby's POV )

Ilang araw na akong nagbabantay kay JJ pero hindi pa rin siya gumigising, hindi pa rin siya nagkakamalay. There are times na binabasahan ko siya ng stories kahit di ko alam kung maririnig niya ba o hindi. Binabasahan ko din siya ng Bible verses lalo na yung extracted na sa Our Daily Bread baka sakaling marinig niya kahit imposible. I do these things also to entertain myself para hindi maburyong.

"JJ, sana magkamalay ka na. Papasok na tayo sa school di ba? Ayaw mo bang pumasok? Ang dami na nating absences sa school, gusto mo ba yun? Ako kasi, ayaw ko ng ganun. Masayang mag-aral di ba?"

Para akong tanga na kinakausap ang taong alam kong di naman ako naririnig. Lagi ko din kasi siyang kinakausap araw-araw at paulit-ulit na lang halos ang lahat ng sinasabi ko sa kanya. Mabuti na din 'to dahil pag nagkamalay siya hindi ko alam kung pano siya kakausapin.

"I don't know the reason why you saved my life but a million thanks for saving me. Wala akong maalalang good memories with you when we were kids but I think, saving me is enough to forget my sad past with you. I'm always thankful for what you did. I still don't know if how will I return the favor but I can assure you that I can be your nurse 'til you become well again."

Ilang beses na akong natetempt to kiss him on his forehead but hesitation is the hindrance. Pakiramdam ko kasi mapapanatag ako pag ginawa ko yun pero bakit? At para saan?

Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo sa tabi ng kama niya.

( JJ's POV )

Tahimik lang kayo ah? Two days na akong may malay after my successful operation but I decided to pretend like I'm still unconscious to hear the sweet words of Ms. Naglilihi. Haha! Of course, I'm totally well now, bida nga ako di ba? XD! Kapag bida ang isang character sa isang story with the genre of romance, MALAMANG BUHAY HANGGANG HULI HOHOHO! Pwera na lang kung may tragedy na theme. Na-explain ko na, labyu!

(^____^)

Back to Ms. Naglilihi tayo. Ang babaeng dahilan ng saya ko ngayon kahit kagagaling ko lang sa aksidente.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa kanya na willing siyang maging nurse ko hanggang sa tuluyan daw akong gumaling. Hmm, ano kaya kung imulat ko na mga mata ko ngayon at sabihin sa kanya na narinig ko lahat ng sinasabi niya? Pwede di ba? Haha! And besides, mahirap ding umarte na di pa rin ako magaling lalo pa't gustong-gusto ko ng sagutin lahat ng mga sinasabi niya. Hihi! Pero aaminin ko, nag-eenjoy talaga ako sa ganitong set-up naming dalawa.

Last night, pinakiramdaman ko ang buong paligid ng private room ko dito sa ospital at nung napansin ko na nakatulog na siya, I opened again my eyes. Oo, AGAIN dahil hindi lang unang beses na binuksan ko ang mata ko simula nung magkamalay ako, lagi kong binubuksan ang mata ko kapag nakakaramdam ako na tulog na siya at yun ang pagkakataon ko para tingnan ang napakaganda kong kababata na nagtanim pala ng sama ng loob sakin. Nalulungkot ako bigla pag naiisip ko yun pero alam kong magbabago na ang lahat kapag makalabas ako ng ospital. Ipaparamdam ko na lagi sa kanya that I can always be a hero to her. Hindi ko yun gagawin para makabawi kundi dahil alam kong espesyal na siya sakin.

----

VS: Enough for now. Siesta mode for a while. I miss you SUAKM readers! True! :*

Shut Up and Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon