Chapter 1.1 - Confirmed!

428 14 6
                                    

This chapter belongs to ‘xSMILEsmileSMILEx’ for adding this story in her RL. Cheers! God bless you!

Kung mapapansin niyo po sobrang laki ng gap sa pag-update ko nito. Last April ko pa po kasi ‘to huling na-update tapos ngayon na lang ulit kaya po sa mga tumatangkilik nito, pasensya po kung natagalan ako sa pag-update and thanks for understanding. I heart you watty peeps! (^__*)

( Abby’s POV )

Papalapit na ng papalapit sa kinatatayuan namin ang gwapong lalaking ‘to na mahilig sa Cornetto. Ano ba yan kinakabahan ako.

“Hey ladies! Is there any problem? Do you have something to tell? I caught the three of you staring at me. Why are you staring at me huh?!”

Ouch! Ang P-R-E-S-K-O ng dating niya. Porke’t gwapo kung makapagsalita ang angas. Ikaw na ang gwapo! Tse! Mas pipiliin ko pa ang Cornetto mo kesa sa’yo eh.

Di nagsalita sina Vinna at Nikka. Muntanga talaga ‘tong dalawang ‘to. Kanina ang iingay tapos ngayon natameme sa preskong mokong na ‘to. Tss!

Ako na ang nagsalita baka isipin pa ng kupal na ‘to na deaf and mute kami. Haha!

“Excuse me. Are you referring to the three of us?”

I pointed my pointing finger to my chest and to my friends after. Naghahamon ba siya ng away? Di ko siya uurungan. Huh! Galit kaya ako sa mga lalaking kagaya niya.

“Are you blind? Can’t you see me standing here in front of you?!”

Diniinan talaga ang word na naka-bold.

“Hindi! Hindi kita nakikita! Tama ka nga bulag ako.”

Inis na ‘ko sa kanya. PROMISE.

“What did you say?”

He asked.

Englisero talaga ang hilaw na amerikano ‘kuno’ na ‘to eh halata naman sa itsura niya na purong pinoy siya.

“May sinabi ba ako? Pwede ba wag kang English ng English?  Bisayain kita diyan eh.”

Umuusok na ang ilong ko. XD!

“Akala mo di ko naiintindihan yang salita mo? Haha! Olats ka pala eh. Umuusok na yang ilong mo kaya manalamin ka muna. Hahaha!”

Sige tawa pa! ang presko talaga ng bw*sit na lalaking ‘to! Tsk! Panira ng mood! Nabwisit na nga ako kanina sa bahay nung marinig ko na babalik na ‘yung most hated human being ko dito sa mundo tapos dadagdagan pa ng buang na ‘to? Matutuyuan ako ng utak ng di oras grrr! Chill lang Abby! (+__+)

Pero ang malupit pa marunong din palang managalog ang echoserong mokong na ‘to pa-ingles-ingles pa! Tsk! Fluent tagalog speaker naman pala!

“Rawrrr! Kaasar! Kanina ka pa English ng English tapos magtatagalog ka lang din. Pinahirapan mo pa ako.” *pouts*

“Hahaha! Ang cute mo pala kapag nagagalit at naiinis ka. Anyway, I’m John Jeswer. Call me JJ for short.” *ngingiti na parang nang-aasar*

Akala mo naman tinatanong siya kung anong pangalan niya. May initiative ah!

Pero HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT???!!! Si John Jeswer daw siya? Pero baka kapangalan niya lang yung pinaka-hate kong ex-kapitbahay namin na ngayon daw ay babalik na naman dun sa subdivision kung saan kami nakatira. I need to ask his surname for confirmation.

“A-anong apelyido mo?”

Magkahalong kaba at hiya ang naramdaman ko. Di ko alam kung bakit nahiya ako bigla.

“Hmm, seems like you’re interested in me. *laughs* It’s too early for that.”

He smirked.

“Eh ang yabang mo naman pala eh! Akala mo kung sino ka. Porke’t  nagtanong lang curious na agad? Hindi ba pwedeng nag-iimbestiga lang?”

(~____~)

Nabw*sit na ta talaga ako sa kanya. Kainisss!

Na-conscious ako bigla dahil sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa’t-isa.

“Hey, hey! Calm down Miss. Pumapanget ka na tuloy sa paningin ko. Sasabihin ko na ang apelyido ko para maging okay na ang mood mo. I’m John Jeswer Almario. And you’re?”

Pagkasabi na pagkasabi niya ng surname niya ay nahimatay ako. Haha! Echos lang. ang OA naman ni author kung mahihimatay ako sa ganitong scenario. Tsk tsk!

Hindi ako sumagot. Confirmed! Siya nga ang kapitbahay namin noong mga bata pa lang kami na madalas mang-bully sa’kin at hate na hate ko. Kaya pala parang familiar ang baliw na ‘yun! Hindi pa rin siya nagbabago after all these years.

(T____T)

Niyaya ko ang dalawa kong kaibigan pero bago kami tuluyang umalis ay sinulyapan ko muna siya at inirapan ng napakalutong.

(Kasing-lutong ng chicharon. Yung Marty’s. Haha!  XD!)

Yan na po muna ang update ko sa SUAKM dearest readers. <3 Kapag po nagustuhan niyo ang story, don’t be shy to vote for it! Hehe! Makapal ang mukha ko? Hehe! JOKE lang po… may free will po tayo to do what we wanna do… (*____^)

GOD BLESS EVERYONE!

Shut Up and Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon