Chapter 2.1 - Mad

332 7 0
                                    

( Abby's POV )

Bwisit naman oh! Sa dinami-dami ng tao sa mall yung unggoy na yun pa ang nakita ko. Grr! Small world nga naman.

Pagkauwi namin sa subdivision ay nagtatakang tinanong ako ng dalawa kong kaibigan na parang mga ewan lang.

c(=

"Abby naman! Ba't mo naman kami kinaladkad pauwi eh di pa nga tayo nakakapag-enjoy sa mall? Ang KJ mo 'te. Hmp!"

Si Vinna yun.

At dumagdag pa si Nikka.

"Oo nga, nasa getting-to-know-you stage na dapat tayo with Mr. Almario eh. Ang KJ mo nga naman Abby. Ngayon ko lang nalaman yun."

Eto yung itsura ng dalawa oh ----> (T__/__T)

Sasabihin ko ba ang secret ko? Pero sarili ko lang kasi ang nakakaalam nun at eleven years na din ang lumipas pero kahit sa pamilya ko hindi ko yun naikwento. Matagal ko na din namang kaibigan si Vina at Nikka pero di pa rin ako mag-oopen.

"Ano ba naman kayo gals. Nakita niyo naman kung paano tayo pinakitunguhan ng mayabang na hambog na presko na pamaypay na electric fan na aircon na unggoy na kulangot na yun di ba? Mas ok na yung ginawa ko at baka di pa ako makapagtimpi sa kanya. Nakakaubos ng pasensya ang mga ganung tao."

Napanganga ang dalawa. Muntanga talaga 'tong mga 'to. HAHAHA!

"Ba't kayo nakanganga? May mali ba sa sinabi ko?"

Aba't walang sumagot!

Nilapitan ko ang mukha ng dalawa sabay sigaw.

"UY!"

( Ang oa talaga mag-isip ni writer. Wapak! Haha! )

Natauhan sa wakas ang dalawa dahil sa ginawa ko haha!

Magkasabay pang nagsalita.

"Enebeyen Abby! Nakakainis ka na. Ba't mo ba kami sinigawan? Ayt!"

"Sorry naman. Di ko kasi alam kung nasaan yung diwa niyo ngayon eh. Kinakausap ko kayong dalawa pero nakanganga lang po kaya kayo. No response."

"Kasi naman po kung makapagsalita ka kay John Jeswer parang ang laki ng utang nung tao o kaya kasalanan sayo eh ngayon lang naman kayo nagkita. Nagiging judgmental ka na alam mo ba yun?"

Si Vinna.

"Di naman sa ga..."

"Oo nga Abby. Why don't you give him a chance na malaman mo yung bright side niya?"

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit si Nikka.

"Tapos na ba kayo sa mga hinaing niyo sa buhay? Pwedeng ako naman ang magsalita? Bakit ba parang apektadong-apektado kayong dalawa? Dapat pala nagpaiwan na lang kayong dalawa dun para walang problema at isa pa aware naman kayo di ba? Na galit ako sa mga ganung tao. Parang sa tabas ng dila niyo si John Jeswer ang kaibigan niyo at hindi ako."

"Hindi naman sa ganun kaso ang gusto lang namin sabihin bigyan mo naman ng chance yung tao."

"Okay, sige. Kung yan ang gusto niyo but I'm not sure kung magkikita pa kami nun."

Kunwari di ko daw alam na kapitbahay ko ang mayabang na John Jeswer na yun.

"Ayun naman pala eh."

Nikka replied at nagtawanan na ulit kami.

After a couple of hour ay nagpaalam na ako na uuwi. Ilang block lang naman from Vinna's house ang sa amin. I juander kung nakauwi na ba yung lalaki na yun sa bahay nila dahil pagdaan ko ay parang tahimik naman. Ang alam ko once a week may pumupunta sa bahay nila para maglinis eh.

Dumiretso na 'ko sa gate ng bahay at inunlock ito. Wala kasing tao kaya ni-lock ko na lang. Nasa palengke ang mga magulang ko eh. May tatlong pwesto kami sa palengke at magkatulong doon si mama at papa. Mag-isa lang yun nung una pero dahil sa dedikasyon ng mga magulang ko sa trabaho, napalago nila yun.

Iba-iba ang nakalagay na items sa tatlong pwesto namin. Ang isa'y mini-grocery ang isa nama'y bigasan at ang isa pa ay pwesto para sa mga isda, meat, gulay atbp. Tumutulong ako dun kapag weekend dahil wala naman akong gagawin sa bahay kahit ayaw nila na tumulong ako. Si kuya kasi lagi ang pinapatulong dun dahil malakas ang lalaki pwede siyang magbuhat. Pero may anim na kaming trabahador dahil di kakayanin kung si mama at papa lang.

Pagkapasok ko sa bahay ay inopen ko muna ang facebook ko. Teenager eh! Malamang adik sa fb like author. Wahaha!

(^____^)

Pagka-open ko sa newsfeed ay mukha agad ni John Jeswer Almario ang nakita ko. Nasa suggestions ko siya. Nananadya ba ang fb na 'to? Halatang bad trip na nga ako dun sa tao. Tsk!

Inignore ko siya. Alangan namang i-add ko di ba? The nerve!!!

Pero di maikakailang gwapo siya. Di lang gwapo, sobrang gwapo. Kaso mas nananaig ang galit ko kesa paghanga.

Tiningnan ko muna yung notifications ko. Ang dami eh, 45 agad eh one day lang akong di nakapagbukas. 16 friend requests din pero tatlo lang ang kinonfirm ko dahil sila lang ang kilala ko.

I'm too careful when it comes to social networking sites. Yung iba kasi bully o kaya bastos tapos yung iba trip ka talagang asarin. Yung parang nag-eexist lang sila sa mundo para mangbwisit ng kapwa? Perfect example dun si John Jeswer eh...

Ayoko na ngang banggitin yun. Nakakakilabot lang ang bwisit na unggoy na yun!

Magpapalit na lang ako ng damit.

(Updated via mobile. VS.)

Shut Up and Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon