Chapter 3 - I Saw Her

308 6 0
                                    

( John Jeswer's POV )

"zZzZzZzZzZz!"

Nararamdaman ko na may likidong dumadaloy sa bibig ko. Hinawakan ko yun at inamoy.

CAPITAL Y-U-C-K!

Laway ko at panis. Whoa! Napabalikwas ako ng bangon. Putek na laway yan. Sarap ng tulog ko eh.

Dumiretso ako sa comfort room upang maghilamos then I heard a knock on my room's door.

"JJ, kakain na tayo gumising ka na at bumangon ka na diyan. Bumaba ka na lang."

Si mama yun.

After kong maghilamos ay nagpalit na rin ako ng damit. I checked my watch at napahaba pala ang tulog ko. 7pm na. Bumaba na ako at nagtungo sa kitchen. Naabutan kong nakaupo na si mama at papa. Napansin ko din ang isang middle-aged woman na nanatiling nakatayo.

"Who is she ma?"

I asked mama.

"Andiyan ka na pala nak. Anyway, she's our maid. Stay in na siya dito sa bahay."

Mama explained.

"Ah, ok po."

Nginitian ko ang katulong at umupo na sa isang silya.

"Kumusta ang tulog mo? Mukhang napagod ka JJ ah. Hehe!"

Si papa yun.

"Opo nga po papa eh. Jet lag. Haha!"

"Kaya mo na bang pumunta sa school bukas na lilipatan mo? Kung di mo pa kaya ipagdadrive kita."

"Kaya ko na po papa."

"Alberto, baka pwedeng next week niya na asikasuhin ang paglipat?"

Sumingit na si mama sa usapan.

"Gilda, di pwede. Alam mo namang I'm very strict when it comes to his education. I want him to be well-oriented."

"Sabagay, tutal wala namang problema sa credentials niya. You have to prepare your requirements later JJ para bukas makapagtake ka ng entrance exam sa university."

"Ok po mama."

Masyadong strict nga si papa sa pag-aaral ko. Ayaw na ayaw niya na pabayaan ko ang pag-aaral ko. Architecture ang kursong kukunin ko sa kolehiyo at suportado nila ako.

After dinner ay sinunod ko ang sinabi ni mama. Inasikaso ko ang requirements ko. Pinagsama-sama ko ang mga yun sa isang portfolio at ipinatong sa study table ko. I got bored kaya naisipan kong pumunta sa veranda.

Malamig ang simoy ng hangin sa tahimik na gabi at na-relax akong panoorin ang mga bituin sa langit. Mula sa veranda ay tanaw na tanaw ang bahay ng aming kapitbahay. Bahay yun nila lampa. Haha! Bukas na ang ilaw sa loob ng bahay. Ibig sabihin they still reside on that house.

(^____^)

May veranda din ang 2nd floor ng bahay at mula dun ay natanaw ko ang isang pamilyar na babae na tila may malalim na iniisip. Teka! Nakita ko na siya eh.

Tama! Nakita ko na nga siya! Siya yung babae kanina sa mall. Pero bakit nandun siya sa bahay ng lampa?

Di kaya siya at si lampa ay iisa? Pero imposible. Ang laki naman ng transformation niya. Ang ganda at ang cute niya eh.

(^____^)

Nakita kong tumingin siya sa dako ko at nakasimangot. I smiled and even waved at her pero ang saklap, inirapan ako.

B a r a d o ang pagpapacute ko.

(T____T)

(Visible Soul: Update ko 'to pag may nag-vote. HAHAHA!)

Shut Up and Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon