Chapter 1 - He's Familiar

539 14 6
                                    

Thanks for appreciating my work dearest readers :)

I'm hoping na sana po magkaroon na ako ng fan haha! Ang pinakaunang fan ko nasa dedication ko na sa susunod hehe! Okay lang naman po mangarap di ba?! Sa panahon ngayon, mangarap na lang ang libre...masaklap kung babarahin pa hehe! Basta po, I promise, ang pinakauna kong magiging fan bibigyan ko ng dedication. Way of so much appreciation ko po kasi naging fan ko siya <3

God loves . . . U S <3

______________________________________________________________________________

Abby's POV

Nandito na kami sa mall ngayon. Yung dalawa kong kasama talagang adik sa ice cream. Kung makahila sa kamay ko wagas, treat daw ni Vinna yung ice cream eh hehe! Ganito kami lagi kapag pumupunta ng mall. Kung sinong may malaking dalang pera, siya ang taya sa panlilibre. :-))))

"Cornetto lang ang kaya kong bilhin ngayon ah? Walang magdedemand ng Magnum kundi walang libre."

"Garaaaaabe ka naman Vinna. Yun pa naman ang gusto ko." T_T Naka-pout na ang labi ni Nikka.

"So, nalulungkot ka? Eh di dapat nagdala ka ng pera mo para may pang-abuno ka sa kulang. Tugs tugs tugs lang ang kaya ko!" Sabay sayaw si Vinna na ginagaya yung commercial sa tv.

"Ang kuripot mo talaga Vi! Samantalang kami ni Abby kapag treat namin di naman kami kuripot. Hmp."

"So, nagtatampo ka na niyan?"

"Ay hindi! Ini-express ko lang po ang sarili ko."

"Kayong dalawa talaga oh. Kahit kelan talaga. Mag-cornetto na lang kasi tayo Nikz. Kung anong kaya yun na lang."

Naging effective yata ang sinabi ko at nanahimik ang dalawa.

"Sige na nga. Basta gusto ko yung new flavor ng Cornetto ah?"

"Oo na Nikka. Ikaw na po ang masusunod. You already. Eh ikaw Abby, anong sa'yo?"

"Hmm, kahit ano na lang diyan. Yung flavor na lang na bibilhin mo yun na lang din ang akin."

"Mabuti pa si Abby, marunong umintindi. Haha!"

"Anong sinabi mo? Nagpaparinig ka ba?"

"Hindi ah. May sinabi ba 'ko?"

Tuluy-tuloy sa pag-aasaran ang dalawa. Sanay na 'ko sa dalawang 'to. Minsan nakikisabay din ako kaso usually talaga silang dalawa ang mahilig magbanatan. Haha! Napatigil lang ang dalawa ng may lalaking bumili din ng Cornetto ice cream.

"Five Cornetto ice creams please. Choco-flavored."

Wow! Bakit biglang natahimik ang pusa at aso kong dabarkads? Haha! Lalaking englisero lang pala ang uubra sa kanila. XD!

Pinagmasdan ko yung dalawa. Talagang parang may magnet yung mata nila dun sa mukha nung lalaki. Talagang nakatitig at parang mga estatwa lang. Muntanga talaga 'tong mga kaibigan ko minsan haha! Napasabay din tuloy ako. Tiningnan ko na din yung lalaki, I mean titig na pala haha! Hmm...gwapo? check! Matangkad? Check. Makisig? Check. Ikaw na kuya! Haha! Di ko rin masisisi yung dalawa kong kaibigan. He's really handsome. Mukhang kahawig niya pa ang ultimate crush ko na si Mario Maurer. Lamang lang sa kanya ng isang tabong tubig sa pagligo haha!

Nagbalik lang ang lahat sa normal nung tiningnan kami isa-isa nung lalaki at itinaas ang kilay niya sabay alis.

"Oh kamote! Ang gwapo niya Nikz. Type mo 'no? Haha! Kung pwede lang talagang ang babae na ang nanliligaw sa lalaki, gagawin ko. Shaks!"

"Oo nga eh. Pero di rin ako papayag na mauna kang manligaw. Magiging karibal mo ako sa kanya."

Ayan na naman po sila. Nagsisimula na naman. Itong dalawa talaga masyadong sweet sa isa't-isa haha! Super M.U. sila...hindi mutual understanding ah? Kundi MisUnderstanding haha!

"Tumigil na nga kayo. Yung ice cream natin kainin na natin matutunaw na eh. Kanina pa sa kamay ni Vinna."

"Ay, oo nga pala Abby. Good thing you reminded me. Nawala na talaga sa isip ko hahaha! Pasensya naman. Na-carried away ng gwapong estrangherong Cornetto addict din yata eh. Akalain mo 'yun? Wala naman siyang kasama pero lima 'yung binili. Akala ko pa naman ililibre tayo."

"Wag ka ng mangarap. Sa bibig mo na mismo nanggaling na estranghero yun. Meaning, di niya tayo kilala at isa pa mukhang mataray at masungit yun."

"Oo nga naman 'no? Tara na nga lang sa 2nd floor. Mag-window shopping tayo haha!"

We proceeded to 2nd floor at nakita na naman namin yung guy na kani-kanina lang din ay bumili ng ice cream. He's taking a lick on his Cornetto ice cream. Ang cute niya tingnan. I can't resist the temptation. Napapatingin talaga 'ko sa kanya kahit ayokong tumingin. Baka kasi taasan na naman ako ng kilay. Ang dalawa kong kaibigan sa kanya din nakatitig. At katulad kanina, nakita niya ulit kami na nakatingin sa kanya. Our eyes met.

"Vinna, Abby, nakatingin sa'kin si kuyang gwapo. Oh my God! I feel like I was in cloud 9 right now."

"Tangey! Hindi sa'yo nakatitig, kay Abby nakatitig. Kahit i-trace mo pa."

Binara naman agad ni Vinna si Nikka. 'tong dalawang 'to talaga. Pag-uuntugin ko 'to eh. Haha! Joke lang. I love my friends ^____^

Pero ano ba 'tong nararamdaman ko. Parang ayoko ring tumingin sa ibang dako. Feeling ko crush ko na siya? Hala! Baka magselos sa'kin nito si papa Mario ko. Hindi pwede 'to. Pero ang cute niya talaga at mukhang papalapit na siya sa'min??? My Gaaaaaaaaaaaaaas! Did I say it right? Papalapit nga siya. Pero bakit?

Teka nga. Habang papalapit siya napansin ko 'yung mata niya, ilong at bibig. Pati 'yung shape ng mukha niya. MAY KAMUKHA SIYA. Did I see him already? May kamukha talaga siya eh kaso di ko lang talaga maalala.

_____________________________________________________________________________

VisibleSoul's message:

Time check:

2:15am

I need to take a nap for the meantime friends... God bless everybody! <3

Shut Up and Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon