Chapter 1

1.1K 13 1
                                    

CHAPTER 1

Dinala na ni Mrs. Concepcion si Devon  sa kanilang bahay. Lubhang namangha angdalaga sa sobrang laki at gara nang paligid. Kaya di nya maiwasang maasiwa. Isang linggo palang buhat nang mailibing ang kanyang ina.Nalungkot sya nang maalala ang sinapit nito. Lumaki sya sa piling nang ina, nakita nya kung paano ito naghirap mabigyan lang sya nang mabuting kinabukasan. Saleslady ito sa umaga sa isang shoe shop at tumatanggap ito nang labada sa gabi. Nag-aaral sya sa isang public school sa kanilang lugar. Nakatira sila sa isang squatters area. Kinalakihan na nya ang maingay at masalimuot na paligid. Kahit hirap sa buhay Masaya silang mag-ina ngunit lahat nang kasiyahan ay may katumbas ding kalungkutan. Naratay ang kanyang ina dahil nagkaroon ito nang matinding karamdaman. Wala syang malapitan dahil ni minsan ay di nya nakilala ang kanyang ama. Sabi nang kanyang ina iniwan daw sila nito habang sya ay nasa sinapupunan pa lamang. Patay na rin daw pareho ang mga magulang nang kanyang ina. Dahil sa hindi nya matanggap ang sinapit nang ina napagpasyahan nyang magpakatiwakal. Tatalon na sana sya sa isang tulay nang may isang ginang ang pumigil sa kanya. Dito nya nakilala si Mrs. Concepcion; isang mayaman at mabait na ginang. Kinausap sya nito nang masinsinan at nasabi nya ang dahilan sa plano nyang pagpapatiwakal. Inalok sya nito nang tulong at sumama ito sa kanilang bahay. Sa di inaasahang pagkakataon nakilala nito ang kanyang ina. Namasukan pala dati ang kanyang ina bilang katulong sa mga magulang ni Mrs. Concepcion. Kahit magkaiba nang mundong kinalakihan naging matalik na magkaibigan ang dalawa.  Subalit hindi na nagkita ang dalawa nang lumayo ang kanyang ina. Ginawa ni Mrs. Concepcion ang lahat para matulungan silang mag-ina pero huli na ang lahat. Binawian nang buhay ang kanyang ina. Sinagot ni Mrs. Concepcion lahat nang bayarin sa hospital, pagpapalibing nang kanyang ina at binayaran din nito ang ilan pa nilang mga utang. Dahil walang kamag anak na pwedeng malapitan sumang-ayon sya sa mungkahi  na manirahan sa bahay nito at papag-aralin pa sya. Ngunit ang lahat ay may kapalit din. Gusto nang ginang na sya ang mapangasawa nang nag-iisa nitong anak. Kapag hindi nakapag-asawa ang anak nito bago ito mag 21, sya ang magpapakasal dito pero kung ayaw rin daw naman nya ay hindi mamimilit ang ginang. Dahil sa utang na loob pumayag sya sa kagustuhan nito. Bumalik ang kanyang alaala nang basagin ni Mrs. Concepcion ang katahimikan.

MRS. CONCEPCION: Are you alright iha? Kanina ka pa walang imik dyan.

DEVON: Nag-aalala lang po ako. Magugustuhan po kya ako ng anak nyo?

MRS. CONCEPCION:Ano ka ba naman iha mabait yong si Sam.

DEVON: Baka kasi...

MRS. CONCEPCION:Wag kang mag-isip ng ganyan kinausap ko na sya. Tsaka na pa enrol na pala kita sa school. Doon ka rin papasok sa school ni Sam. Pareho oras ng class nyo para sabay na kayong pumuntang school.

DEVON: Kayo pong bahala. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan nyo.

MRS. CONCEPCION:Iha bestfriend ko ang mama mo kya ko ito ginagawa. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kulang pa nga itong ginagawa ko para sayo.

DEVON:Maraming salamat po talaga.

MRS. CONCEPCION:Wag mo na ngang isipin ang aking kabaitan baka mamaya nyan maisipan ko pang kumandidato sa eleksyon.

DEVON: Kayo po talaga.(sabay smile)

MRS CONCEPCION: Ayan ngumiti ka na rin. Basta wag mo isipin iba ka dito.Para na rin kitang anak kya feel free to tell me kung ano man ang problema.Ok? (Sabay hug)

Bigla may narinig silang ingay ng sasakyan.Dumating na si SAM. Pumasok ito sa loob ng bahay at mukhang di maipinta ang mukha.

Can't help falling inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon