Chapter 16

753 9 1
                                    

CHAPTER 16

A DATE WITH AARON

(Buong akala nya joke lang talaga ni Aaron na pupunta sila ng park pero totoo ang lahat)

DEVON: Ano ang gagawin natin dito??

AARON: Ewan..ngayon lang din ako nagpunta ng park..

DEVON: Hay naku Aaron… kw talaga… dinala mo ako dito tapos hindi mo alam kung ano ang gagawin natin.

AARON: Yun ang nasabi ko kay Sam kya tinutoo ko na.

DEVON: Akala ko joke mo lang yun.

AARON: Kasi po may isang tao dyan na nagseselos kaya naman ginawa ko yun. Hindi ko naman kayang nakikita syang nasasaktan sa harap ng taong gusto nya.

DEVON: Tumigil ka nga! Nakakainis ka… Akala ko pa naman totoong concern ka.

AARON: Ito naman hindi na mabiro. May utang ka sa akin Devz. Sunday ngayon alam mo namang may ka date sana ako pero ng dahil mas mahalaga ka sa ka date ko, cancelled nalang sya.

DEVON: Kw talaga, nag-alala ka pa. Seriously, thankful talaga ako kasi…you and Enrique are always there for me.

AARON: Kami pa. (nagwink ito at tumawa. Nahawa na rin sya sa pagtawa nito. Marami pa silang pinag-usapan ng biglang may isang bata ang lumapit kay Aaron at hiningi nito ang ice cream na kinakain nito. Dahil palabiro si Aaron, inasar nito ang bata hanggang umiyak ito. Nataranta naman si Aaron at hindi alam kung paano patitigilin ang bata sa pag-iyak.)

AARON: Baby, joke lang yun… Tahan ka na naman oh…

(natawa nalang sya sa reaction ni Aaron kasi halata na hindi ito sanay sa bata at hinding-hindi alam kung ano ang gagawin.)

AARON: Ibibili kita ng maraming ice cream, toys at candies…tumahan ka na

BATA: Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko! (umiiyak pa rin ito)

(nag-isip si Aaron kung ano ang gagawin nya..hanggang naisipan nyang sayawan nalang ang bata. Nagsimula na syang sumayaw at unti-unti namang tumahan sa pag-iyak ang bata, parang na amazed ito sa ginawa ni Aaron,ngumiti ito at pumalakpak )

BATA: Galing mo naman kuya!! Wow!! Ate, pwede mag request? (kinausap sya ng bata)

DEVON: Ano yun baby??

BATA: Sabayan mo naman si Kuya sumayaw oh…please…(pagmamakaawa nito, nakyutan sya sa ginawa nitong pakiusap kya sinabayan nalang niya si  Aaron)

(they danced together, aliw na aliw ang bata sa kanilang dalawa. May ibang tao na rin na pinanuod sila. Hanggang dumami ito ng dumami at may nag request pa ng isang beses, pinagbigyan naman nila ang mga ito. Para namang nailabas ni Devon ang lahat ng galit at hinanakit kay Sam sa pamamagitan ng pagsayaw parang nawalan sya ng mabigat na dinadala. Pagkatapos nilang sumayaw ay nagpalakpakan ang mga tao. Pakamut-kamot naman ng ulo si Aaron kasi alam ni Devon na may nakita naman itong mga chicks at nagpapakyut na naman ito. Hinalikan sila ng bata sa pisngi at)

BATA: Galing nyo naman!!! Ate, kuya… Grabeh…

AARON: Syempre..kami pah!!! (inakbayan nito si Devon, parang balewala lang naman sa kanya kung akbayan sya ni Aaron. Between Aaron and Enrique, she feels that Aaron could be a good brother to her. Hindi naman sa hindi sya comfortable kay Enrique. She thinks that Enrique is a bestfriend that she can rely on. Aaron is a brother while Enrique is a bestfriend. Nagsalita ulit ang bata)

BATA: Kuya, alagaan mo si Ate hah… Wag na wag mo syang aawayin.

AARON: Ang batang ito..ano naman ang tingin mo sa akin…?

(natawa si Devon sa ekspresyon ni Aaron, paano kasi pati bata na feel na pilyo ito)

BATA: Syempre magkapatid kayo diba? Dapat inaalagaan ng kuya younger sister nya , yun sabi ni Mommy sa akin..

(natawa talaga sya sa sinabi ng bata. Sabihin ba naman nitong magkapatid sila plus pa sa ekspresyon ni Aaron sa sinabi ng bata)

AARON: Magkapatid?? (hindi na maituloy ni Aaron ang sasabihin dahil tumakbo na ang bata palayo, nakita kasi nito ang mga magulang. Kumaway nalang ito sa kanila)

DEVON: Naaliw talaga ako sa bata pero mas naaliw ako sa ekspresyon ng mukha mo ng sabihin nyang magkapatid  tayo.(bumulanghit sya ng tawa)

AARON: Disappointed ako…Mukha ba talaga akong kuya sayo? Naman!!!

DEVON: Yup!!! Mukha kang kuya!!! Gwapong kuya!!! (kinurot nya ang pisngi nito at tumakbo)

* AARON:At least sinabi nyang gwapo.. Hindi na rin masama.

(She really had a good time with Aaron hindi ito nauubusan ng jokes. He can make her feel alive again. Alam nya na Aaron is really trying to cheer her up. Naabotan sila ng gabi sa pamamasyal, they went to the mall after sa park. Naglakad-lakad lang naman sila, kumain ulit at naisipan nilang magpunta din ng zoo. Umabot sila ng gabi sa pamamasyal, ngayon lang nya halos malibot lahat ng lugar sa City. Puro bahay at school lang kasi sya. Hinatid sya ni Aaron bandang 8 p.m. Hindi na rin ito tumuloy kasi may pupuntahan pa daw ito. Akala nya nasa bahay si Sam nag-aabang. Nasanay na rin kasi sya na inaabangan sya nito. Na miss nya tuloy ang pang-iinsulto nito sa kanya. Aminado na talaga sya na natamaan na sya dito. Walang ingay ni anino manlang ni Sam ang naghihintaysa kanya. Tumuloy nalang sya sa kwarto at naisipang matulog para malimutan ang sakit ng kanyang luob.)

Lingid sa kaalaman ni Devon, dumating si Sam bandang alas onse ng gabi. Bago sya tumuloy sa sariling kwarto naisipan nyang puntahan si Devon. Dahan-dahan syang pumasok at nakita nyang mahimbing na natutulog si Devon. Pinagmasdan nya ito nang mabuti. Nang hindi makatiis, hinaplos nya ang mukha nito)

SAM: I don't know what's wrong with me. Ginugulo mo ang sistema ko, kung hindi lang sana matigas ang ulo mo at nagback out kana hindi kita sasaktan ng ganito. I don't wanna hurt you.. but if it's the only way for you to cancel my Mom's desire, hindi ko maiiwasang saktan ka. I know I'm starting to like you but I don't want you to like me just because of my Mom.

(pagkatapos nyang sabihin yun, hinalikan nya ang noo ni Devon. He went straight to his room at galit na galit na ibinato ang kanyang phone)

Can't help falling inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon