Chapter 12

769 9 1
                                    

CHAPTER 12

ENRIQUE’S BIRTHDAY

(Dahil sa araw ng Sabado natapat ang Birthday ni Enrique, naisipan nila na mag-outing nalang sa Beach. Ang Dance troupe lang naman ang invited. Nang dumating sila sa Beach, umandar ang pagiging pilyo ni Sam. He suggested to share room with Devon. Halatang hindi ito nagustuhan ni Jasmine, pero wala na syang nagawa. Magpoprotesta pa sana si Devon pero hinila na sya ni Sam papasok sa room. Nang makarating sila sa loob)

DEVON: Ano ba talaga ang binabalak mo ha??? Hindi ka na nakakatuwa.

SAM: I’m your fiancé kaya dapat lang mag share tayo ng room. Ano naman ang ikinababahala mo? Alam na naman ng buong campus ang tungkol sa atin.

 DEVON: You destroyed my reputation!!!!!! (ibinato nya dito ang isang unan na nakita nya)

SAM: That’s sweet!! Hindi pa nga tayo kasal ng babato ka na ng unan. But I like it! (sabay wink at hawak sa kanyang mukha, naasawa naman si Devon sa ginawa ni Sam kaya nagbaba  sya ng mukha. Pero Sam already planned for this, itinaas nya ang mukha ni Devon. He wanted to kiss her again but hindi natuloy kasi biglang pumasok sina Enrique and Jasmine.Sa isang intimate moment sila naabutan ng mga ito. Namula naman si Devon, dahil alam nyang kitang-kita ito ni Enrique. Si Jasmine naman di maiwasan ang magngitngit sa galit dahil sa nakita. Hindi alam ni Devon ang sasabihin, narinig nya na nagsasalita si Sam)

SAM: Naman!!! Nangdidisturbo kayo… (sabay akbay kay Devon at nag walk-out si Jasmine)

ENRIQUE: Pasensya na hihiram lang sana ako ng susi ng car mo may bibilhin ako sa labas.

SAM: Wait. (kinuha nito sa bulsa ang car keys at iniabot kay Enrique)

DEVON: Can I go with you? (hindi makapagsalita si Enrique baka malintikan pa sya kay Sam kapag isinaba nya si Devon)

SAM: It’s ok pare. She can go with you. (nasorpresa naman si Devon at pumayag ang Samuel na sumama sya kay Enrique. Di maitago ni Devon ang kasiyahan sa narinig at di nakaligtas kay Samuel ang pagsmile nya. Nainis si Sam sa nakita at sinabi nalang)

SAM: Bumalik kayo kaagad or else malilintikan ka sa akin (hinarap nito si Devon)

DEVON: Ewan ko sayo!!! (hinila na ni Devon si Enrique palabas at ang pagkakataon nga naman nakita sila ni Coleen.  She’s dragging Enrique and Coleen’s eyes focus on her hands. She can see the pain in her eyes. Simula nang malaman nya how she cheated him,hindi na sila masyadong nag-uusap nito. Para namang walang nakita si Enrique at tuloy-tuloy ito papunta sa car ni Sam. Hinabol nya si Enrique at pumasok na rin sya sa loob ng kotse. On their way to the store, hindi ito umiimik kaya she breaks the silence)

DEVON: Are you ok? Why don’t you talk to Coleen and be friends with her again.  I can see kasi na she’s really sorry for what had happened between the two of you.

ENRIQUE: I have nothing  to talk with her Devz kaya hayaan mo nalang kami.

DEVON: Pero…

ENRIQUE: wag mo nalang kaming problemahin mas mabigat ang dinadala mo ngayon compared to me.

DEVON: Tama ka.

ENRIQUE: Mahirap kalabanin si Sam, Devz. If ayaw nya sa isang bagay, ayaw nya talaga. Kung gusto nya, gusto nya. He really doesn’t want to tie up with you kaya kahit saktan ka pa, gagawin nya.

DEVON: Pero…

ENRIQUE: Devz, habang maaga pa icancel muna ang kasunduan nyo ng Mommy nya. Natatakot ako na pag tumagal pa kayong magkasama, masasaktan ka lang sa huli. Kaibigan ko si Sam kaya alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak nya. Mas masasaktan ka pa kapag hindi mo inihinto ito. Sam is really a great guy pero iba sya pag kinalaban mo. I’m not telling this dahil friend ko si Sam, I’m telling you this ‘cause I’m just worried about you, gayundin si Aaron. Natatakot kami kung anong mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito.

(gusto nyang maiyak sa sinabi ni Enrique. She knows that he and Aaron do care for her a lot pero pride na nya ang nakasalalay dito)

DEVON: Thanks for being there Enrique but it’s not the right time to give up the fight. I know that you and Aaron don’t want to see me crying again, don’t worry I’ll be stronger now.

(Hindi nalang nagsalita si Enrique. He felt that Devon is really determined to fight against Sam. Well, nakahanap na rin ng katapat ang friend nya. Natatakot lang syang masaktan si Devon kasi naranasan na nya iyon at sobrang sakit. Kahit nakikita at nararamdaman nyang unti-unti ng nahuhulog si Sam dito, kilala nya ang kaibigan…sobrang taas ng pride nito. Wala itong pakialam kahit makasakit man ito ng iba. )

Namili sila ng wine para sa birthday ni Enrique, nang makabalik sila sa Resort nagtatawanan silang dalawa. Yun ang nakita ni Sam, kanina pa sya naghihintay sa dalawa dito sa parking area.Hindi nya nagustuhan ang nakita kaya naman sinalubong nya ang agad ang mga ito at hinablot si Devon. Pumalag naman agad si Devon pero wala rin syang nagawa kasi mahigpit ang pagkakahawak ni Sam sa kanyang braso.)

SAM: Back to the real show Juliet!

DEVON’S POV: Aba!! Tinawag pa syang Juliet ng gago.

ENRIQUE: Mauna na ako sa loob. (iniwan lang sya ni Enrique, para na itong walang pakialam sa nakita. Hindi naman nya ito masisisi…syempre mag bestfriends sila, kaya naman hindi talaga sya ipagtatanggol nito kay Sam)

DEVON: Pwede bah!! Bitiwan mo na ang braso ko.

SAM: What if I won’t?

DEVON: Sisigaw ako!!! Hel...................!!!!!!!!!!!!

(hindi na ituloy ni Devon ang sasabihin kasi hinalikan sya ni Sam. Mapusok ang mga halik nito, parang na dudurog ang labi nya, nagpupumilit syang kumawala dito pero sadyang malakas si Sam. Nang tumagal, naging banayad na ang halik nito. He kiss her with caress and care. She’s not a good kisser, pero namalayan nalang nya ang sariling tumutugon na dito. At yun ang hinihintay ni Sam, ang tumugon si Devon sa kanya. Naramdaman ni Devon na lalong lumalalim ang halik nito, nagulat sya ng biglang kumawala si Sam. Para syang napahiya sa ginawa nito. Natamaan na naman ang pride nya. Sam really wanted to humiliate her. Hindi sya makapagsalita. Galit sya sa kanyang sarili dahil bumigay agad sya dito. Kung hindi pa nagsalita si Sam, hindi babalik ang matino nyang pag-iisip)

SAM: I didn’t intend to humiliate you kaya lang nasa public place tayo.

(saka lang nya na realize na nasa parking area sila. )

DEVON’S POV: Marami kayang nakakita sa halikan nila kanina?. (Namula ang mukha nya sa sobrang hiya sa sarili).

SAM: You’re blushing. Kung may nakakita man, ano naman ngayon?. As far as I know, you’re my fiancée kaya may karapatan akong halikan ka wherever and whenever I want. (tiningnan nya ng masama si Sam pero tila naaliw ito sa expression ng kanyang mukha at bumulong pa)

SAM: Next time, we can do more than what we did awhile ago but in a place where only you and I exist.

(hinalikan nito ang kanyang tenga at tuluyan syang iniwan na nakatulala)

Can't help falling inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon