Chapter 19

726 9 1
                                    

CHAPTER 19

(kinabukasan, wala ni anino ni Sam ang nagparamdam kay Devon. Nang dumating sya sa University may narinig syang mga bulung-bulungan na nagkabalikan na daw ito at si Jasmine. Kahit nasasaktan pilit pa rin nyang pinatatag ang sarili. She smiles but those weren't real. Hindi man sya pinariringgan ng kanyang mga kaklase pero alam nya kung ano ang nasa isip ng mga ito. Nalaman nya buhat kay Tricia na wala muna silang rehearsal kasi suspended sina Aaron at Sam. Naguilty talaga sya at nadamay pati si Aaron. Ilang beses nya itong tinatawagan pero hindi sya sinasagot nito. Nag-aalala na sya na baka umiiwas na ito sa kanya. Pagsapit ng hapon nakita nya si Enrique na naglalakad sa hallway. Alam nyang pauwi na ito kaya makikisabay nalang sya mahal pa naman ang pang taxi. Kailangan nyang magtipid baka kasi ano na naman ang sabihin ni Sam)

DEVON: Pasensya na ha?...Kailangan pa ako makisabay sayo pauwi.

ENRIQUE: Ito naman parang di na ako nasanay. Sige na punta na tayo sa parking area.

(habang naglalakad sila patungo sa parking area, natanaw nya si Sam)

DEVON'S POV: Sino kaya ang hinihintay ng mokong na ito?

(nang makita ni Sam na paparating na si Devon kasama si Enrique di nya mapigilang magngitngit sa galit. Pero kailangan nyang kontrolin ang sarili kung gusto nyang matupad ang kanyang pinaplano)

SAM: How's my Juliet?? (sabay wink at smile nya kay Devon)

DEVON: Ano ang ginagawa mo dito dba suspended ka?

SAM: Anong klaseng pagbati ba yan sa iyong fiance?

DEVON: Pwede ba Sam..wala akong panahong makipaglokohan sayo. Enrique, tayo na!

(hindi kumibo si Enrique at iniisip nya kung ano ang dapat gawin)

SAM: You're not going with him...(ma awtoridad nitong sabi)

DEVON: At bakit hindi??? (nairita na rin sya kay Sam)

SAM: Because I'm here to fetch you!! (seryong saad nito)

DEVON: What??!!! (napataas na ang kanyang boses)

ENRIQUE: Sam, kung ayaw nyang sumama sayo wag mo nalang pilitin. (seryosong pahayag nito)

SAM: Devon, kung ayaw mong mag eskandalo ako dito, sasama ka sa akin!! (galit na si Sam)

(napansin ni Devon na may ilan ng mga estudyante ang tumitingin sa kanila, kaya labag man sa kalooban wla syang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ni Sam. Pumasok nalang sya sa kotse nito at wala ng sinabi kahit isang salita. Agad din naman itong pumasok sa loob. Natahimik si Sam ng kunti at tiningnan nya si Devon. Alam nyang napilitan lang itong sumama dahil takot itong mag-eskandalo sya. Gayunpaman masaya pa rin sya at hindi si Enrique ang kasama nito)

SAM: We need to talk...

(Iyon lang ang narinig ni Devon kay Sam, pinaandar na nito ang sasakyan. Hindi nya alam kung ano ang plano nito, umiwas sya ng tingin at nagfocus sa tanawin sa labas. Naramdaman naman ni Sam na iniiwasan syang tingnan ni Devon. Nasasaktan na sya sa nagiging reaction ni Devon. He's not used to na nagiging tahimik ito. Pakiramdam nya ay malalim ang iniisip nito.)

SAM'S POV: Baka iniisip na nya mag give up? Pag nangyari iyon hindi ko na kailangan mag-isip ng iba pang paraan.

DEVON: Saan ba talaga tayo pupunta? (seryoso nitong pahayag)

SAM: I just want to have dinner with you. (hindi nya alam kung bakit yun ang nasabi nya. Mukha namang nagulat si Devon sa narinig.)

DEVON: Ano na naman ba ito Sam??!!

SAM: I just want to have a day na hindi tayo nagbabangayang dalawa. Pwede ba yun?

(Hindi sumagot si Devon sa sinabi ni Sam. Hindi na sila nag-usap pa hanggang nakarating sila sa isang restaurant. Nagulat pa si Devon ng alalayan sya nito pababa ng sasakyan hanggang nakarating sila sa loob. Hinila pa sya nito ng mauupuan at umupo ito sa kanyang harapan. Nag-order ito ng pagkain. Kahit gutom sya at matakaw hindi nya feel na kumain. Alam nyang masarap ang mga iyon pero wala syang gana. Si Sam naman ay kanina pa tinitiis ang pagiging tahimik ni Devon. Gusto nya itong sigawan para lang kausapin sya nito pero nasa public place sila. Dahil may special event ang restaurant, namimili ito ng couple na alalayan ng song. Nang hindi sinasadya sinabi ng singer na para sa kanila ang kanta nito. Nag request naman ang ilan sa customer for them to stand and dance infront. Tumayo si Sam at nilahad ang kamay sa kanya)

SAM: May I have this dance with you? (seryoso at may sinseridad ang mukha ni Sam at nakita ito ni Devon. Hindi nya alam kung ano ang gagawin, ayaw naman nyang ipahiya ito sa harap ng maraming tao kaya inabot nya ang kamay nito. Nang nasa gitna na sila ay wla pa rin silang imikan. Hinapit ni Sam ang kanyang bewang. Nakayuko lang si Devon, binulungan sya ni Sam)

SAM: Please look at me..(may pakiusap ang boses nito.)

(Nang hindi pa rin tumitingan sa kanya si Devon ay inangat nya ang mukha nito. He can see the pain in her eyes, hatred and confusion. Gusto nya itong yakapin pero hindi nya kayang gawin. Si Devon naman ay naguguluhan why Sam is acting strange lately. She can see mixed emotions in his eyes. They're just looking at each other. While the singer is singing the song hindi maiwasan ni Sam na maka relate sa kanta)

Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I say would it be a sin

If I can't help falling in love with you

Like a river flows

To the sea

So it goes

Some things are meant to be

Some things are meant to be

Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you

( At nang mga oras na yun he realized that no matter how he tried to hurt Devon and avoid his feelings, he can't help himself but fall inlove with her)

SAM'S POV: Yeah..I can't help falling inlove with you

(natapos na ang kanta, narinig ni Sam ang kantiyawan ng mga tao, sinasabi ng mga ito na "KISS! KISS! KISS!. hindi nya alam kung ano ang gagawin. Nakatayo lang sya sa gitna, natauhan lang sya ng maramdaman nya na Devon kisses his cheeks at nakita nyang nagsmile ito. She has teary eyes at para bang sa mga oras na yun ay naramdaman nya na mawawala na ito sa kanya)

(Pauwi na sila pero gulung-gulo pa rin si Sam. Pasulyap-sulyap sya kay Devon. She didn't say a word pero ramdam nyang may malalim itong iniisip. When they got off the car and went inside the house they were walking together but both have nothing to say. He saw her heading to her room. Bago pa man nakapasok si Devon, he hug her at the back and said)

SAM: I enjoyed this night. (hindi sya sinagot nito sa halip ay humarap ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha at nagsmile. Yun lang at pumasok na ito sa kwarto)

Can't help falling inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon