Chapter 18

767 11 2
                                    

CHAPTER 18

(Dahil masama ang loob hindi na pumasok si Devon sa klase, sinamahan sya ni Enrique. Pati tuloy ito ay nadamay sa pagiging drama queen nya. Hindi man ito nagsasalita pero alam nya na naawa ito sa kanya. Sakay lang sila sa kotse nito, hindi nya alam kung saan sila patungo. Hanggang nang lumigon sya sa labas ng car ay napansin nyang pamilyar ang lugar na kanilang tinatahak. Nagulat nalang sya nang makarating sila sa sementeryo. Dinala sya ni Enrique sa libingan ng kanyang Ina. Nagtaka sya kung paano nito nalaman ang tungkol sa kanyang ina. Nag-alay muna sya ng dasal at humingi ng advise sa namayapa nyang ina. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na uli sa sasakyan. Dito di na nya mapagilang tanungin si Enrique kung paano nito natuklasan ang tungkol sa kanyang ina)

DEVON: Paano nalaman ang tungkol kay Inay?

ENRIQUE: Naalala mo noong una kang nakita ni Tita Ruby? (referring to Sam's Mom)

(Muling nagflashback sa kanyang alaala ang lahat. Dahil sa natuklasang malubhang karamdaman ng ina at walang ni isang malapitan nawalan sya ng pag-asa at naisipang magpatiwakal. Bago pa man sya nakatalon sa tulay may isang ginang ang pumigil sa kanya at buhat noon ay napalapit na sya dito at tumanaw ng malaking utang na loob. Pero hindi nya pa rin malaman kung paano nalaman ni Enrique ang lahat. Kaya naman mukhang nalaman nito ang kanyang iniisip at sinagot ang mga katanungang kanina pa nya gustong sabihin)

ENRIQUE: I was the one with her at that time.

(Naalala nya may kasama nga itong isang binata pero dahil iyak sya ng iyak nun hindi ny masyadong maalala ang mukha nito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Enrique)

ENRIQUE: Akala ko nun nang magkita ulit tayo kina Sam ay maalala mo ako pero hindi naman.

DEVON: Pasensya na hindi kita maalala.

ENRIQUE: Ok lang...

DEVON: So matagal mo nang alam ang lahat? Bakit hindi ka man lang nagsasalita or ipinaalala man lang ang nangyari?

ENRIQUE: Ayaw ko kasing balikan mo ang mga masasakit na nakaraan at para mka pag move on ka kaagad. Kaya nagpanggap nalang akong hindi ka kilala.

DEVON: Alam mo na pala ang estorya ng buhay ko. Siguro kaya palagi kang andyan kasi naaawa ka sa akin.

ENRIQUE: Siguro parang ganun na nga but ang alam ko I care for you. Basta parang ganun...Ayaw ko lang nakikita kang umiiyak.

DEVON: Enrique…salamat ha? Siguro kung wala ka at si Aaron impyerno guro ang aabutin ko kay Sam.

ENRIQUE: Grabe ka naman..hindi naman ganun ka sama si Sam.

DEVON: Kakampihan mo na naman sya. (paghihimutok nya)

ENRIQUE: Sige na..hindi na ako magsasalita baka umiyak ka pa.

DEVON: Ano akala mo sa akin, iyakin?

ENRIQUE: Hindi nga ba?? (napansin nyang tumahimik si Devon.)

ENRIQUE: Sorry na..hindi na po mang-aasar…Uwi na tayo baka gabihin pa tayo pabalik.(nang istart nito ang kotse)

DEVON: Kung ako ba ang fiancée mo, sasaktan mo rin ba ako ng ganito?

(nashocked naman si Enrique sa tinanong ni Devon, unexpected ang tanong nito. Nakita nyang seryoso ito at ayaw nya namang inisin ito pag nag joke sya)

Can't help falling inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon