Chapter 38

695 6 0
                                    

CHAPTER 38         

ENRIQUE: Ano?!!! Nagsuntukan na naman kayo ni Aaron. Ano ba ang nangyari Sam?

SAM: Nag-init lang naman ang ulo ko kaya ayun nasuntok ko sya.

ENRIQUE: Patay ka kay Devon nyan sinuntok mo si Aaron.

SAM: Pwede ba huwag mo nang ipaalala sa akin ang nangyari kanina. Kitang kita ko kung paano nya yakapin at kampihan si Aaron.

ENRIQUE: Dapat lang naman talaga nya kampihan si Aaron kasi…

(hindi na maituloy ni Enrique ang sasabihin dahil binara ito ni Sam)

SAM: Huwag ka ng magsalita pa.(umakyat na sya sa kwarto at iniwan si Enrique, ayaw nyang marinig ang iba pang sasabihin nito siguradong masasaktan lang sya.

(Lumipas ang maraming araw, hindi na ginulo pa ni Sam si Devon. Hindi sya tumatawag or nagsesend man lang ng message dito. He just focus on his work. Palagi naman syang ginugulo ni Enrique na sumama sa mga lakad nito pero wala sya sa mood na sumama baka mag-abot na naman sila ni Aaron at magkagulo. Isang araw nakita nya si Yen sa shopping mall. Agad naman itong ngumiti ng makita sya. Napagpasyahan nilang mag-usap)

YEN: Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap.

SAM: Tama ka. (gusto sana nya itong tanungin tungkol kay Aaron pero nag-atubili sya)

YEN: Anyway, Jasmine will be here for a week vacation. She wants me to pick her up at the airport pero wala akong time. Can you do that for me? Ok na naman kayo di ba?

(nag-atubili si Sam pero as an old pal pumayag na rin sya sa pakiusap ni YEN)

(Naghihintay si Sam sa pagdating ni Jasmine sa airport. Hindi din nya ito nakita sa loob ng limang taon. Though they sometimes exchange emails ay na miss din naman nya ito. He saw her approaching at agad din naman itong nagsmile pagkakita sa kanya. She then kissed his cheeks at yun ang nakita nina Aaron at Devon. Nasa airport din sila to pick up Aaron’s Dad. Nakita naman sila ni Jasmine)

JASMINE: Ohhh!!! Aaron! Devon, nandito din kayo?

(nabigla naman si Sam sa narinig hindi nya alam na nadito din pala ang dalawa)

AARON: My Dad is coming kaya nandito rin kami.

JASMINE: I see…

(Halata namang nakikinig lang sina Sam at Devon sa usapan ng dalawa. Nang di nakapagtiis ay nagsalita na rin sya)

SAM: Let’s go Jas..baka ma traffic pa tayo.

JASMINE: Ok..Gotta go ahead guys..

(Habang nasa sasakyan sina Sam at Jasmine ay)

JASMINE: How are you and Devon? Mukhang may tensyon pa rin hah…

SAM: Napansin mo pala.

JASMINE: At napansin ko rin na super inlove ka pa rin sa kanya. Kung tingnan mo si Aaron kanina parang babalatan mo sya ng buhay.

(natawa sya sa hirit nito, simula ng sabihin nya dito ang tunay na damdamin ay nasaktan ito ng husto pero di nagtagal ay natanggap din nito ang katotohanan and they become good friends.)

SAM: Ganun ba ako ka obvious?

JASMINE: Tinanong mo pa! kaya kung ako sayo balikan muna sya.

SAM: I tried to but mukhang huli na ang lahat. I can see how she cares for Aaron.

JASMINE: Paano kung wla naman talagang namamagitan sa kanilang dalawa?

SAM: Ewan ko Jas..

(tumahimik na si Sam at nagfocus nalang sa pagmamaneho. Yen and Jasmine are bestfriends. Kaya kahit nasa Australia pa si Jasmine ay alam nya ang tunay na nangyayari.

JASMINE’S POV: Hay naku Sam..ang manhid mo tlaga..

(Simula ng makita ni Devon si Jasmine at Sam sa airport ay hindi na naman sya pinahimik ng kanyang traydor na puso. Akala nya magiging ok na sila ni Sam pero ng makita nya itong nagsuntukan at si Aaron ay nagalit talaga sya. Tulad pa rin ito ng dati madaling mag-init ang ulo. Kaya naman buo na ang kanyang desisyon.

ENRIQUE: Babalik ka na ng Europe? Akala ko pa naman you’ll be staying here for good.

DEVON: Doon na muna ako…(malungkot nyang sabi. Alam ni Enrique na Jasmine is back at si Sam palagi ang kasama nito. Simula ng dumating si Jasmine hindi na rin sila nakapag-usap ni Sam. Akala nya hindi nito igigive up agad si Devon pero mukhang nagkamali sya. He really likes her even before pero di nya masabi-sabi ang damdamin dahil na rin kay Sam. He knows how Sam loves her pero hindi nito kayang ipaglaban ang dalaga.

ENRIQUE: Pupunta nalang din kaya ako ng Europe?

DEVON: Ha? (nagulat sya sa sinabi ni Enrique. He then shows her a ticket)

ENRIQUE: See? I have a plane ticket. Aaron told me kasi that you’ll be leaving. Kaya sasama nalang ako sayo. I need to have a vacation din naman.

DEVON: Talaga? Great!!

(Mabuti din namang may kasama sya at mas ok kung si Enrique kasi maasikaso ito. Aaron won’t be back there kasi may aayusin ito.  Aaron used to guide her noong unang dating palang nya sa Europe. Sobrang na stressed si Aaron sa kanya dahil palagi syang umiiyak nun dahil kay Sam, hindi din sya kumakain. Kaya naman naiintindihan nya ito kung sobrang laki ng galit nito kay Sam. Ayaw lang nitong makita na naman syang nasasaktan. Gayunpaman, alam nyang na miss ni Aaron si Sam. She saw him one day looking at their pictures. Kaya na guilty talaga sya sa pagkasira ng friendship ng mga ito dahil sa kanya. Di nya tuloy maiwasang malungkot)

ENRIQUE: Malungkot ka pa rin? Si Sam na naman ba?

(Nagsmile nalang sya sa halip na sumagot)

Can't help falling inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon