Chapter 7

414 5 0
                                    

CHAPTER 7            

(Nagbihis muna sila pagkatapos ay pumunta sila sa isang Bar. Bagong open iyon at ayun kay Ryan may bago daw band ang magpeperform. Nang magsimula ng tumugtog ang banda ay nagulat sila na isang babae ang vocalist nito. Kahit na ka all black ang babae at may makapal na itim na make up, mapapansin pa rin na maganda ito at sexy. She sang the song BRING ME TO LIFE at kuhang-kuha nito ang tono. Maraming mga tao ang nakisabay at nakiindak. Naramdaman ni Devon na malakas ang personality ng vocalistang babae, astig ito. Nang matapos ang kanta ay nagsalita ng lead guitarist ng grupo at)

LEAD GUITARIST: We’ll be performing here every Saturday and Sunday. She’s our lead vocal, Tippy!

(Nagpalakpakan ang mga tao sa pailigid at may sumigaw ng ! “Hanip! May boyfriend ka na ba?. Kinuha ng babaeng vocalista ang mic at)

TIPPY:  I don’t have…(nagsigawan ang mga lalaki sa paligid)

But  I have special guy in my life.

(Nanahimik naman ang mga ito at nagpatuloy sa pagsasalita si Tippy at)

TIPPY: He’s here to celebrate with me for my first live stage performance. Meet Sam!

(Nagulat si Devon sa narinig, Nakita nya si Sam na kumaway kay Tippy at nagsmile ito sa babae. Napansin naman ni Emman ang pagtaas ng kilay ni Devon)

EMMAN: Mukhang may nagseselos dito sa tabi ko…(nagpaparinig na naman ang kanyang pinsan)

DEVON: Ano bang pinagsasabi mo?!!!

EMMAN: Cuz ha? I’m not referring to you?

DEVON: Wag ka ngang loko Cuz…iniinis mo ako palagi…

EMMAN: Hindi hah…feeling mo lang yan…

RYAN: Baka saan pa yan mapunta at mag-away kayo.

(Hindi na sila nagsalita ni Emman at pagkatapos ng ilang minuto ay nagulat sila ng makitang papalapit sina Sam, Inno at Tippy sa kanilang table.)

INNO: Would you mind if we join here? (tumitig ito kay Emman)

RYAN: I know you! You’re Inno Martin ang sikat na movie producer.

INNO: Yes, I am. (Nakipagkamay ito kay Ryan at nagpakilala naman ang kanilang kaibigan dito. Nang tingnan ni Devon si Sam ay nakita nyang nakahawak si Tippy sa balikat nito at para bang may nararamdaman syang hindi nya kayang maipaliwanag. Alam nyang napansin ni Sam ang facial expression nya pero parang dinedma lang nito iyon. Dahil ba may kasama nito ang special someone nito? Hindi nya tuloy nakontrol ang sarili at napabulong sya ng)

DEVON: Damn it! (Mukhang narinig ni Tippy ang sinabi nya at)

TIPPY: What did you say? I’ve heard you said something…(nainis sya dito, ang lakas naman ng pandinig ng babaeng ito)

DEVON: Wala! Sabi ko galing mong kumanta.

TIPPY: Really? Thank you!

(Hindi nagsalita si Devon dahil nasira na ang mood nya, nakikinig nalang sya sa usapan ng mga ito)

EMMAN: Sam, how did you know Tippy?

My Ambitious GirlWhere stories live. Discover now