Chapter 20

427 4 0
                                    

CHAPTER 20

(Dahil sa sinabi ni Sam sa kanya ay natatakot na syang malapit kay Sam. She felt how Sam cares for Tippy. Nalaman nya kay Emman na umalis na si Tippy papuntang Australia. Ang kanyang pinsan at si Ryan ay palaging pumupunta sa Bar kung saan nagpeperform si Sam. Palagi syang iniimbita ng mga ito pero takot syang lapitan si Sam dahil sa mga huling salita na binitawan nito sa kanya. Palagi silang lumalabas ni James at medyo nakakahalata na rin ang ibang empleyado sa Star Network. Pero kibit balikat lang ang mga ito at dedma ang show. One of the etiquette kasi sa Network wag pag-usapan ang buhay ng ibang tao kasi pag may nahuli sa CCTV ay paniguradong kawalan ng trabaho ang hahantungan ng mga ito. Isang araw lumabas sila ni James)

JAMES: Inno will be having a premiere night with his newly produced movie. I want you to be my date on that night.

DEVON: Nakakahiya naman.

JAMES: Don’t be shy..(hinawakan nito ang kanyang kamay)

Napapansin ko lately na something is bothering you. If it’s about my proposal, I’m not pressuring you. You have ample time to think about it.

DEVON: Thanks James.

JAMES: Just be my date on that night,ok?

DEVON: Ok…

(Dumating ang premiere night ng new Movie na produced ni Inno. As usual isang baguhang artista ang bida nito. Inno prefers to launch new star, mas gusto kasi nitong bigyan ng chance at break ang mga baguhang artista. Maraming sikat na mga artista na dumalo, kahit hindi kasali sa pelikula to show their support to Inno. Nashocked pa nga si Devon na ang pinsan na si Emman ang pinili ni Inno na maging date nito sa premiere  night. Pagpasok palang ng mga ito ay nagflash na ang camera at nacurios tuloy ang media about Inno and Emman puro smile lang ang ibinibigay na sagot ni Inno sa mga reporters. Dahil apo ng CEO naintriga din ang media sa kanilang dalawa ni James. Like Inno,smile lang din ang sagot ni James. Nang lumabas na ang bida ng movie ay nafocus na ang atensyon ng mga reporters sa mga ito at ipinagpasalamat iyon ni Devon. Nasa VIP seat sila ni Emman. Bago pa magsimula ang movie ay pumuta si Inno sa harapan para magbigay ng kunting speech.)

INNO: Have a pleasant evening to each and everyone!

(Seryoso ang Inno at natawa si Devon kasi kabaliktaran pala ito pag nasa harap ng camera. )

INNO: I’m so thankful to everybody who came here to watch the premiere of  my newly produced movie. But before anything else…I would like to give my warmest Thanks to James Reid the Grandson of CEO Network for the support, to my friend Tippy for the BTS photos which would be revealed later.

DEVON: Akala ko ba si Sam ang kumuha ng BTS? Bakit kay Tippy lang sya nag credit?

EMMAN: I don’t know…makinig nalang tayo. (nagpatuloy na si Inno)

INNO: And most especially to my Bestfriend Sam who directed this movie!!!

(Sobrang nashocked sila ni Emman sa narinig at natawa si James sa reaction nilang dalawa)

JAMES: Surprising ba?

EMMAN: Akala ko ba BTS photos ang ipinunta nya sa Italy?

JAMES: That was really the original plan…but the supposed to be Director encountered a serious health problem when they were already in Italy. Inno didn’t have any choice kasi lahat ng arstist ay nandun na. So he asked Sam to Direct the movie since his major is Film and Theater Directing.

(Sobrang shocked si Devon sa natuklasan, akala nya happy-go-lucky ang Sam pero matindi pala ang natapos nito)

EMMAN: Wow! Another revelation ha!!

JAMES: Well, that’s Sam..he prefers to keep his privacy.

(nakinig ulit sila kay Inno)

INNO: Before we’ll start watching the movie…Let’s have the OST of the movie first. The singer of the movies’ OST is escorted by no other than my handsome bestfriend and Director Sam…!!!

(Nakita nila na ang ilaw ay nalipat kung saan naroon sina Sam at ang singer ng OST..Nang makalapit ang mga ito ay napansin ni Devon na nagulat si James at ipinagpatuloy ni Inno ang pagsasalita)

INNO: Let’s all welcome! The movies’ OST singer!!! Ericka!!!

(At lalo pang nasurprisa si Devon…)

DEVON’S POV: At nagbalik na si Ericka…(narinig nyang mahinang sinambit ni James ang pangalan nito)

JAMES: Ericka……………

My Ambitious GirlWhere stories live. Discover now