Chapter 25

458 5 0
                                    

CHAPTER 25

CEO’S BIRTHDAY

(Maaga pa lang ay naghanda na silang tatlo nina Emman at Ryan. Bumili na rin sila ng gift para dito.4pm ang sinabi ni James na pwede silang pumunta dahil magsisimba pa daw ang mga ito. Medyo kinakabahan sya at di mapakali. Paano kung aristokrata ang CEO, ni minsan hindi nila ito nakitang pumunta sa Star Network dahil sa pagkakasakit. Paano kung ang tingin nito sa kanila ay pipitsugin at walang angat sa buhay. Nagsisisi na tuloy sya kung bakit sya pumayag sa imbitasyon ni James. At paano kung magkita sila ni Sam? Isang buwan na buhat ng huli silang nag-usap at nagkita.  Paano nya haharapin ito

 at pakikitungohan? Mukhang komplikado na ang lahat. Alam nyang naghihintay din si James sa kanyang sagot. Hanggang ngayon nalilito pa rin sya sa kanyang damdamin. Deep inside lamang talaga si Sam but nangingibabaw pa rin ang kanyang ambisyon. Hindi naman sya nagkakaila na unti-unti na rin syang nahuhulog kay James dahil sa kabaitan nito. Pero gayunpaman may puwang pa rin sa kanyang puso si Sam kahit nag give up na ito sa kanya.

Bandang alas 3 ay pumunta na sila sa bahay nina James. Mga isang oras din ang kanilang binyahi dahil sa traffic jam. Nang makarating sila doon ay namangha talaga sila sa laki. It seems that pumasok sila sa isang palasyo. Napapaligiran ito ng mga halaman at may guard na nag guide sa kanila habang naglalakad sila papunta sa loob. Napaka polite at friendly ng mga tauhan ng mansion. Nang makarating sila sa loob ay nakita nila ang isang katulong at bumati agad ito sa kanila. Then she led them kung nasaan ang CEO at si James. Nang makarating sila sa kinaroroonan nito ay agad itong nag smile sa kanila kahit mukha talaga itong strict. Kahit matanda na ay kitang kita pa rin ang kagandahan nito. She maybe around 70. Ipinakilala sila ni James dito, to her surprise nagbeso sa kanila ang CEO. Her eyes were looking for Sam but hindi nya ito makita, pati si Tippy ay wala rin kaya she felt relieved. Pala kwento ang CEO at masayahin sa buhay. Kabaliktaran ito sa inaakala nya. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating sina Ericka at Inno. Mukhang na supresa ang CEO ng makita si Ericka)

CEO: Ericka! When did you come back?

ERICKA: Just a month ago Grandma.

(nairita naman sya ng tawagin ito ni Ericka ng Grandma..ex na kaya nito si James pero heto at Grandma pa rin ang tawag at halatang-halata na close talaga si Ericka dito. Para ngang nakalimutan ng mga ito na nasa harap sila ni Emman. Ang Ryan kasi ay sumama kay James na tingnan ang sanctuary ng mga ito)

CEO: Matagal ka na palang dumating hindi ka man lang dumaan dito (may pagtatampo ang mukha)

ERICKA: Pasensya na po (sabay hug) busy po kasi ako sa rehearsals. Kumakanta po ako sa Bar na pinagtratrabahoan ni Tippy.

CEO: Isa pa ang batang  yun! Hindi man lang naalala ang birthday ko.

ERICKA: Baka naman po uuwi yun ngayon.

CEO: Pareho talaga sila ni Sam..wala ng ibang ginawa kundi magsaya sa buhay.

(nagkita nyang nalungkot ang mukha nito. Mali yatang ipinagdasal nya na hindi makauwi sina Sam at Tippy kasi naawa sya sa mukha ng matanda. Pero ng biglang may narinig silang ingay na tumatakbo palapit sa kanila ay laking gulat ni Devon na makita sina Sam at Tippy. Mukhang nagulat din si Sam na makita sya. Ang Tippy naman ay patakbo na lumapit at yumakap sa CEO)

TIPPY: Granny!!! Surprise!!!

CEO: Kayong dalawa talaga! Mahilig kayong gumawa ng kalokohan. Akala ko hindi kayo uuwi. (lumapit si Sam dito at humalik sa pisngi)

My Ambitious GirlWhere stories live. Discover now