Chapter 14

400 5 1
                                    

CHAPTER 14

(Nakabalik na sina Emman at Ryan galing probinsya at masayang-masaya ang mga itong nagkukwento sa kanya pero ang isip nya ay lumilipad pa rin. Laman pa rin ng isip nya ang nangyaring halikan nila ni Sam. Nang makaalis si Ryan ay di mapigilang magtanong ng kanyang pinsan)

EMMAN: May problema ba? Kanina ko pa napapansin na tulala ka. Para namang hindi ka interesado sa usapan namin ni Ryan.

DEVON: Cuz pwede magtanong?

EMMAN: Shoot!

DEVON: Anong naramdaman mo nung first kiss mo?

(Sobrang nabigla naman ang pinsan nya sa narinig)

EMMAN: Hinalikan ka ni James?

DEVON: No! Nagtatanong lang.

EMMAN: Ayyy! Akala ko pa naman...Well, wala namang ka kwenta2x yung first kiss ko. Alam mo naman yun diba. Yung gago kung boyfriend ay hindi marunong humalik. Kaya huwag mo nang ipaalala pa sa akin.Sumasakit lang ang dibdib ko.

(Natawa sya sa kanyang pinsan, naalala nya tuloy kung paano ito ka disappointed nun sa first kiss nito)

DEVON: Sorry Cuz, naalala mo tuloy yung disgusting moment mo.

EMMAN: Kung gusto mo nang first kiss, pahalik ka nalang kay Sam. I'm sure magaling yun..He has red lips kaya...(humagikhik ito)

DEVON'S POV: Kung alam mo lang Cuz...(napangiti sya)

EMMAN: Anong ibig sabihin ng mga ngiting yan?

DEVON: Wala lang..naalala ko lang nung nagsumbong ka sa akin about your first kiss.

EMMAN: Cuz naman ehh...

(Nagkulitan na silang magpinsan at nalimutan na ni Devon ang gumugulo sa kanyang isipan. Pagsapit ng Lunes ay sabay silang pumasok sa Star Network. May narinig silang bulung-bulungan na balak daw kunin ng Star Network si Sam na model sa ilolaunch na bagong STATION ID. Yun nga lang wala pang ibinigay na sagot ang binata)

EMMAN: Grabe talaga si Sam pati Star Network ay nagkakainteres sa kanya. Sa palagay ko sisikat talaga sya.

DEVON: Ewan…

EMMAN: Ngayon marami na nga syang fans.How much more pag tinanggap nya ang offer ng Network? Bonggang-bongga ang career nya te.

(Tumawa si Emman at nainis na naman si Devon kasi feeling nya everytime na pinupuri ni Emman si Sam ay pinatatamaan sya nito. She just shut her mouth at nagconcentrate nalang sa trabaho. Pagkatapos ng kanilang shifting ay umalis na rin sila agad magpinsan. Habang nag-aabang ng taxi ay huminto sa kanilang harapan ang kotse ni James)

JAMES: Hey girls! Care for a ride?

(Nagulat naman silang dalawa ni Emman)

EMMAN: No Sir, I have something to buy in the grocery pa.

(Nag alibi si Emman at alam ito ni Devon)

JAMES: How about you Devon?

(Nag-isip sya kunwari. As part of her plan ay kailangan muna medyo pakipot ang dating. Pero makalipas ang ilang segundong kunwaring pag-iisip ay umuo narin sya dito. Napataas naman ang kilay ng kanyang kontrabidang pinsan. She just give her a smile at dali-dali na syang pumasok sa loob ng kotse ni James. Habang nasa daan sila ay di nya maiwasang magtanong dito)

DEVON: Aren’t you working today?

JAMES: I’m sick and tired of facing the computer, signing documents and reading reports everyday. So I asked one day leave from Grandma.

DEVON: I see.

JAMES: Have you heard anything from the Network today?

DEVON: I think you know the rumors circulating that the Network is planning to ask Sam to be part of the new Station ID.

JAMES: It’s my idea to let him be a part but it seems that he’s not interested though we offered him a big talent fee. He has a good voice,I was planning him and Tippy to sing the Station ID as well as making the video because they collaborated well.

DEVON’S POV: Si Tippy na naman??!!(natahimik nalang si Devon at napansin naman ito ni James at iniba nalang ang usapan)

JAMES: Let’s just drop by in a restaurant first, it’s almost 6:30 and I’m starving.

(Wala ng nagawa si Devon kundi makipag dinner with James. Ito naman ang pinakahihintay nya ang makuha ang lalaking kanyang pinapangarap. Pumasok sila sa isang Mexican Restaurant dahil gusto daw subukan ni James ang Mexican food. When they went inside, the atmosphere  is so cozy. Pang mayaman talaga ang dating. Obviously, nakikita nya na puro couples ang mga customers. As a gentleman naman ay inalalayan sya ni James na makaupo. Feel tuloy nya siya si Cinderella with her prince charming. Ok na sana ang lahat ngunit nagulat nalang sya ng lumapit ang waiter sa kanila. He was no other than Sam. Medyo nagulat din ito ng makita sila ni James. She saw that pain in his eyes again)

DEVON’S POV: Naman?!!! Pati pagwewaiter…pinasukan din ng lokong ito!!

(James break the silent and)

JAMES: Sam?! What the hell is this?! (mukhang hindi din ito makapaniwala sa nakita. She saw Sam smiled a bit)

SAM: Can’t you see? I’m working here. So May I have your order now?

JAMES: Sam, It’s really a big surprise and I didn’t expect this.

SAM: Expect the unexpected James.

JAMES: Well as usual you are really surprising.

(Tumawa lang si Sam at hiningi ang kanilang order. Pagkatapos mag-order ay umalis na rin ito. Hindi na tuloy mapakali si Devon. Nasa tabi-tabi lang si Sam at nakamasid sa kanila. Tapos na iinis pa sya ng may grupo ng mga babaeng customer ang dumating at si Sam ang kumuha ng order ng mga ito. Halatang-halata kasi na nagflirt ang mga babae at ang Sam naman ay panay ang ngiti. Napansin naman ni James ang pag-iiba nya ng facial expressions)

JAMES: Wherever Sam goes, girls can’t help but flirt with him.(Nakita nya ang lungkot sa mga mata ni James. Naalala siguro nito ex na nainlove kay Sam.)

DEVON: Mabuti hindi nagagalit si Tippy sa kanila.

JAMES: Tippy is always jealous to those girls. Naala ko pa nga nun…Tippy had a fight with somebody sa school dahil kay Sam. She was suspended for a week kasi sinabunutan nya yung girl. (napapangiti si James habang nagsasalita) Sam treats her so well ‘cause Tippy is so hard  to handle if she gets mad.

(Marami pa silang napag-usapan ni James. She wanted to ask him kung bakit napakabait nito sa kanya pero hindi nya magawa. Dahil nawili sya sa usapan nila ni James hindi nya namalayan na may isang taong lihim na nasasaktan. Sam tries to control himself pero sadyang malaki ang pagkagusto nya kay Devon. When she saw him with James ay parang piniga ang puso nya lalo pa nung makita nya how she listens to his story attentively. He then realized na ang gusto talaga ni Devon ay si James. Nang makaalis ang mga ito sa restaurant hindi nya mapigilan ang sarili at sinundan nya ang mga ito. As a racer, madali lang naman magkubli para hindi ka makita ng sasakyang iyong sinusundan. Nang makarating ang kotse ni James sa bahay ni Devon ay nagtago nalang sya sa may di kalayuan. Nag-usap muna ang mga ito sandali at ang hindi nya inaasahan ay ang biglang paghalik ni James kay Devon. He was so hurt ng makita ang eksenang iyon, wala syang nagawa kundi yumuko at sumakay sa kanyang motor. Habang si Devon naman ay nagulat sa ginawa ni James, dampi lang ang nangyaring paghalik nito sa kanya but she didn’t expect it. Umalis na si James at sya naman ay naiwang nakatulala at naguguluhan.

My Ambitious GirlWhere stories live. Discover now