Chapter 37

441 5 1
                                    

CHAPTER 37

(Ilang araw na buhat ng umalis sina Sam papuntang Japan. Nagstay si Devon kina Emman dahil na rin yun ang gusto ni Sam para may makabantay sa kanya. Palagi syang tinatawagan nito at secured na sya doon kahit may Tippy sa tabi nito. Makalipas ang dalawang linggo ay flight na nila papuntang Japan. Sa airport na sila hinintay ni James. Habang nasa loob ng plane ay si James ang katabi nya ng upuan, samantalang sina Emman at Ryan naman ay medyo malayo sa kanila.)

JAMES: I thought you’re not going…

DEVON: I promised to Sam…

JAMES: Thanks Devon….Sam really need you at this race…

(naguluhan sya sa sinabi ni James kaya nagtanong na talaga sya)

DEVON: Ano ba ang ibig mong sabihin?

(tumingin muna sa kanya si James bago nagsalita)

JAMES: Sam isn’t joining this race dahil gusto nya. He’ll be racing to seek revenge. Nakita na nya ang taong naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ina. He’ll be also competing and this is the right time Sam has been waiting for.

(kinabahan sya sa sinabi ni James…ngayon alam na nya kung bakit hindi maganda ang pakiramdam nya ng malaman na sasali si Sam)

JAMES: Devon..I’m worried for my brother kasi hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nya.  I want you to convince him na huwag na magpatuloy. The man he’ll be competing is a dirty and death racer, I read the article about him. Marami nang racer ang nasawi dahil sa kanya)

(kinabahan sya sa sinabi ni James at namalayan nalang nyang tumulo ang kanyang mga luha..Hindi nya kayang tanggapin na may masamang mangyayari kay Sam)

DEVON: James..hindi ko alam kung kaya ko ba syang kumbinsihin…

JAMES: You’re the only hope na naiisip ko. Inno, Tippy, me and even Grandma already talked to him pero hindi sya nakinig sa amin…Please convince my brother.

(tumango sya kay James at nag thank you ito sa kanya. Hindi na sya makatulog sa loob ng plane dahil sa kaiisip. Nang makarating sila sa Japan ay agad silang nagpunta sa tinitirhan nina Sam. It’s 5 a.m at medyo malamig sa Japan, first time makapunta nina Devon, Emman at Ryan kaya masaya talaga ang dalawa except her na puno ng pangamba. Nang makarating sila sa tinutuluyan nina Sam ay agad sumalubong sa kanila si Inno. Agad hinanap ng mga mata nya si Sam at hindi nya ito makita)

RYAN: Asan sina Sam at Tippy?

INNO: They jogged…hintayin nyo nalang..parating na rin yun mamaya.

(Lumabas muna si Devon sandali at naglakad-lakad…iba talaga ang Japan, malamig ang klima at maganda ang tanawin pero hindi nya kayang iappreciate lahat ng kagandahang nakikita dahil puno ng pangamba ang kanyang dibdib. May naaninag syang dalawang taong tumatakbo, ng papalapit na ang mga ito nakita nya sina Sam at Tippy. Ewan ba at palagi syang nasasaktan pag nakikita ang dalawang magkasama. Siguro dahil napakalapit ni Sam dito at marami itong alam kaysa sa kanya. Agad naman syang nakita ng mga ito at nagsmile si Sam at napansin ni Devon na nawala ang ngiti sa mga labi ni Tippy ng makita sya. Agad yumakap si Sam sa kanya at binigyan sya ng smack kiss at narinig nya na nagsalita si Tippy)

TIPPY: Excuse me…(tuluyan na itong umalis)

SAM: Hay naku! Nagselos na naman ang brat na yun…(napailing si Sam)

DEVON: Hindi mo man lang sya aamuin?

SAM: Magiging okay din yun mamaya…

DEVON: Kilalang-kilala nyo na talaga ang isat-isa noh?

SAM: Syempre! Lumaki kaming magkasama ni Tippy. Kaya alam na alam ko na ang ugali ni brat. Ang kapatid ko talagang yun!!! (napailing ulit si Sam at mukhang nawindang si Devon sa huling salitang kanyang narinig)

DEVON: Kapatid??? Anong kapatid??

SAM: Si Tippy…magkapatid kami ni Tippy…huwag mong sabihin na hindi mo rin alam? (tumawa si Sam at nainis sya dito)

DEVON: Akala ko kasi…malapit lang kayong magkaibigan..(napahiya sya dahil all along pala ang pinagseselosan nya ay kapatid ni Sam)

SAM: Akala ko ba matalino ka? Paanong hindi mo napansin na magkapatid kami? Titiisin ko ba ng ganun ang ugali nya kung hindi ko sya kapatid? At saka hindi ako ang klase ng lalaki na isasama ang kahit na sinong babae lang pag bumabyahe ako.

(napahiya na sya ng tuluyan)

DEVON: Kaya ba nagalit ka ng husto noong lokohin ko sya sa yacht…?

SAM: Tama ka..pinakaayaw ko talaga sa lahat ang sinasaktan ang mahal ko sa buhay..at ang phobia ni Tippy ay dahil sa pagkawala ng Dad namin. Diba nasabi ko sayo noon na Dad was into water sports. One time noon, Dad,me, Tippy, Inno and James went on a yacht…tapos bigla nalang umulan ng malakas. Tippy was playing sa gilid ng yacht tapos bigla daw syang may nakitang shark at lumabas ang malaking kidlat noon, tumakbo sya at nadulas dahilan para malaglag sya sa tubig. When Dad saw what happened, he dived into the water tapos nakuha nya si Tippy. Pero nang time na nakabalik sya sa yacht ay lumabas ulit ang malaking kidlat tapos tinamaan si Daddy..kung hindi nya natulak si Tippy ay pati sana ito ay natamaan. Dali-dali kaming tumakbo nina James at Inno noon palapit kay Dad pero nang mahawakan namin si Daddy ay nag-aagaw buhay na sya. Kitang-kita naming apat kung paano nawala si Dad. Matapos noon nagkaroon na ng phobia si Tippy at sinisisi nya ang sarili sa nangyari.

(Naging malinaw na kay Devon ang lahat, bakit ba hindi nya na realized ang mga pangyayari noon. Eh halata naman na pareho ng wlang mga magulang ang mga ito.)

DEVON: Teka? Pati ba si Inno? Kapatid nyo? Pero pakilala nyo sa isat-isa ay magbestfriend…

(tumawa ulit si Sam)

SAM: Of course! Diba sinabi ko sayo how playboy my Dad was, we have one father but different mothers.Tippy’s Mom died ng ipanganak sya while Inno’s Mom is happily married in Italy at mas prefer kasi naming ipakilalang magbestfriend ang isat-isa lalo na nasa showbiz si Inno . Halos magkasing edad lang kaming apat. Hindi mo ba napansin kung bakit palagi kaming magkasama? Matapos namatay ni Dad, Granny decided to send us to Aus sa Mom ni James. We grew up there and studied, kaya nga doon namin nakilala si Ericka. Diba sinabi ko sayo na schoolmate kami noong highschool? That was in Australia.

(Ngayon lang na realized ni Devon ang lahat at tinawanan sya ni Sam)

DEVON: Kainis ka naman eh!!! Hindi mo sinabi sa akin kung ano talaga kayo ni Tippy?

SAM: Huwag mong sabihin na pinagseselosan mo ang sarili kong kapatid? (nanunukso ito)

DEVON: Ewan ko sayo!

SAM: Huwag ka ng magselos kay Tippy tanggap ka na noon at tsaka girlfriend sya ng kaibigan mo?

DEVON: Nino?

SAM: God! Devon! May iba ka pa bang kaibigan? Of course ni Ryan! Matagal na silang may relasyon…Actually, crush pa noon ni Ryan si Tippy at nagpaalam sya sa akin na ligawan ang kapatid ko.

DEVON: You mean? Alam ni Ryan na magkapatid kayo?

SAM: Alam din naman ni Emman…Ikaw lang yata itong matalino na kahit kilos ng magkakapatid ay di mo mabasa…

DEVON: Nakakainis ka na talaga! (hinampas nya ulit si Sam at niyakap na sya nito at hinalikan. She has nothing to worry now dahil si Tippy pala ay half-sister nito)

My Ambitious GirlWhere stories live. Discover now