Chapter 29

465 5 0
                                    

CHAPTER 29

 

(Nang makarating sila sa bahay ng kanyang Tiyahan ay bigla itong nagulat sa biglaang pagdating nya)

TIYA: Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka? May mga kasamahan ka pala..Aba kay ganda at kay gagwapo ng mga batang ito.

ERICKA: Hi po! I’m Ericka, this Sam and James.

TIYA: Magkapatid ba ang dalawang binatang ito?

DEVON’S POV: Mabuti pa si Tyang agad na napansin ang pagiging magkapatid nina Sam at James.

JAMES: Yes, we’re brothers po.

TIYA: Ano ba ang sadya nyo dito?

SAM: Mamaya na po natin pag-usapan yan.

 

(Ang bahay nila ay nasa tabing dagat lang naman at ang dating maliit na kubo nina Devon ngayon ay yari na sa semento. Malaki na talaga ang ipinagbago ng bahay nila. Konkreto na ito, may sala…apat na kwarto; isa sa kanyang Tiyong at Tiyang, tig-isa sila ni Emman at may isa para sa bisita. Gayunpaman nahiya pa rin sya kasi alam nyang hindi sanay sina Sam sa hirap. Napagpasyahan nyang ipagamit nalang kina Sam at James ang kanyang kwarto, kay Ericka ang maliit nilang guest room at sa kwarto nalang sya ni Emman matutulog. Ang kanyang Tiyong at Tiyang na ang supplier ng isda sa kanilang bayan. Ang kanyang Tiyong ay hindi pa rin tumigil sa pangingisda kaya ng dumating sila kaninang tanghali ay wala pa ito. Kumakalam na ang sikmura nya  kaya pumunta sya sa kusina para tulungan ang kanyang Tiyang na magluto. Pero papunta pa lang sya ay narinig na nya kausap nito si Ericka at mukhang nagigiliw ang Tiyang nya sa babae. Kahit nainis sa nakita ay lumapit pa rin sya sa mga ito para tumulong)

ERICKA: There you are Devon! Kakatuwa naman si Tita.

TIYA: Mabait itong kaibigan mo Devon, tawagin ba naman akong 'Tita para daw hindi ako magmukhang matanda.

DEVON’S POV: Nakakasira ng mood ang babaeng ito.

ERICKA: Doon ka muna kina James kasi baka makasama sa buntis ang amoy ng niluluto namin. (nabigla naman sya sa sinabi ni Ericka hindi pa nga nya nasasabi sa Tiyang nya ang kanyang kalagayan ay naunahan na sya nito kaya hindi tuloy sya makapagsalita)

TIYA: Alam ko na Devon. Kinausap na ako ni Sam.

DEVON: Kailan po? Nagpunta lang ako sa kwarto ni Emman sandali at nasabi na nya agad sa inyo?

TIYA: Nang sabihin nya ang kalagayan mo ay di na ako nagtanong pa ng marami. Nakikita ko naman sa mata ng batang iyon na malinis ang intensyon nya sayo.

DEVON: Sorry po Tiyang..kasi nabigo ko kayo…Katatapos ko pa lang sa Kolehiyo, heto at,,,(umiyak sya at lumapit ang Tiyahan para yakapin sya)

TIYA: Huwag ka na ngang umiyak…Baka mahawa ang niluluto namin ni Ericka.

ERICKA: Tama! Kaya alis ka muna. Balik ka nalang pag kainan na.

(For the first time ay tumawa sya at naging magaan ang loob nya kay Ericka. Pumunta sya sa labas ng bahay at nakita nyang naglalakad sa may dalampasigan si James. Nilapitan nya ito para kausapin, she wanted to say sorry to him kasi pinaasa nya ito. The day na narinig nya ang usapan nina Sam at Tippy ay sasagutin na sana nya si James kung sakaling nagtanong ito ulit sa panliligaw sa kanya. Subalit mukhang pinaglaruan sya ng tadhana, kung kailan handa na sana syang sagutin si James saka naman nya malalaman na buntis sya kay Sam. Habang papalapit ay nakita nyang medyo iiwas si James, bago pa ito makalayo ay nagsalita na sya)

 

DEVON: Pwede ba tayo mag-usap? (hindi ito sumagot sa kanya)

James..please…

JAMES: Ok…

DEVON: Galit ka ba sa akin?

JAMES: Bakit mo natanong? May karapatan ba akong magalit?

DEVON: Para kasing iniiwasan mo ako.

JAMES: You’ll get married with Sam and   I guess I can’t avoid you. You’ll be part of our family.

DEVON: Alam ko..pero hindi mo naman sinagot yung tanong ko. I’m sorry James kung pinaasa lang kita. Nakita ko naman ang effort mo at itong pagkakaroon namin ng anak ni Sam ay hindi ko ito expected.

JAMES: What??!! I can’t get it. Kung hindi ka nabuntis ng kapatid ko ay hindi ka magpapakasal sa kanya? (mukhang nainis si James)

DEVON: Ewan..mukhang ganun na nga..hindi ko alam…

JAMES: Don’t give me that crap Devon…!

DEVON: Bakit ba galit ka?

JAMES: I’m mad because you give me false hopes and I’m mad because it seems that you’re not taking my brother seriously.!

(May punto si James, kung hindi lang naman sa baby ay hindi sila magpapakasal ni Sam)

DEVON: Hindi mo naman kasi alam kung ano talaga ang nangyayari sa amin ni Sam.

JAMES: Devon, I do like you a lot and I patiently wait for your answer. When Sam told me that you got pregnant, I was hurt but I have nothing to do because he’s my brother.  Don’t try to take things for granted Devon, you don’t know Sam’s mind. Once he got feed up, he can leave you without any doubt.

(Para naman syang natakot sa sinabi ni James)

DEVON: James….

JAMES: I’m not threatening you Devon. You’re important to me but I just don’t want to see my brother being hurt. (iniba nalang nya ang usapan para kasing nagsesermon si James)

DEVON: Alam mo napansin ko lang na grabe ang pagpapahalaga nyong magkapatid sa isat-isa.

JAMES: Because we’ve gone through a lot of difficulties especially Sam.

(Ano pa nga ba ang hindi nya alam?. Namayani ang kunting katahimikan bago ulit nagsalita si James)

JAMES: Can I ask you something?

DEVON: Ano  iyon?

JAMES: Kung hindi ka ba nabuntis ni Sam ay sasagutin mo ako? (nashocked man sa tanong ni James ay nagawa pa rin nya itong sagutin)

DEVON: Yes…sasagutin na sana kita…

(She honestly said. Yun naman talaga ang plan nya pagkatapos marinig ang  usapan nina Sam at Tippy ng gabing yun, sagutin si James para tuluyang makalimutan si Sam. Ngunit nabigla sya ng paglingon nya ay nakita nya sina Ericka at Sam, mukhang narinig ng mga ito ang pinag-usapan nila ni James. When she looked at Sam’s face, nagdilim ang mukha nito at hindi sya makapagsalita)

ERICKA: Sorry to interrupt guys, but luto na ang pagkain. We should have lunch first.

SAM: Masarap yung niluto ni Ericka.

(Nang tingnan ni Devon si Sam habang nagsasalita ito ay mukha namang agad na nawala ang kaninang madilim na anyo nito, bigla na itong nagsmile. Siguro wala itong narinig pati na rin si Ericka kasi mukhang hindi naman apektado ang dalawa. Nauna pa nga ang mga itong lumakad papasok sa loob ng kanilang bahay.)

My Ambitious GirlWhere stories live. Discover now