Chapter 1.

171 8 5
                                    

ZAVRINNA'S POV:

Pupunta kami sa Tarlac nina Kuya kasama ang mga barkada nya at ang mga girlfriend nila. kung dati dati maiinggit ako kasi wala naman akong boyfriend at tamang PDA sila, iba ang sitwasyon ngayon. Katabi ko kasi si Rexil. Barkada ni KUYA wala syang girlfriend ngayon kaya feeler na feeler ako sa pagpapanggap na kunwari kami.



Ako s Zavrinna. 19 years old. 3rd year computer engineering student. Si Rexil naman 5th year Electrical Engineering. Kaya ng malabo na magustuhan nya ako. Bukod sa barkada sya nii Kuya, mas matanda sya sa akin.


At napakasuplado nya!!


Okay.


Sya na ang gwapo.


Sya na ang matalino.


at AKO na ang patay na patay sa kanya.

Pupunta kami sa kasal ng pinsan namin kaya napagkasunduan na tamang gala na din. Kaya walang choic si rexil na makatabi ako sa van ng halos apat na oras. Pasalamat sya napipilitan lang akong makatabi sya. ansabehhhhh hahaha



Hindi ko naman sinasadya na MAHALIN sya. KAhit super suplado nya eh anong magagawa ko kung sya yung itinitibok ng PUSO ko? Kung pwede nga lang turuang puso di ba? Sino ba ang gustong masaktan?




Sino ba ang gustong MAHALIN ang napakasupladong tulad JOHN REXIL DELOS REYES?


Bahala sya. Wala naman syang choice kundi kausapin ako alangan naman na makijoin sya sa may mga partner na.

Dumating kami sa Tarlac mga 9:30 am na. Kaya tamang tambay lang kami sa harap ng SM Tarlac. Pero ang tibay talaga ni Rexil hindi talaga nya ako kinausap sa buong byahe. Sana masira ang head set nya o sana malowbat na sya para wala ng uubos ng oras nya. Para kausapin na nya ako.


Kahit pilit lang.


O pampalipas oras lang nya.



Basta pansinin lang nya ako.





Ang adik ko lang.


Desperada na talaga ako.

Wala e. Mahal ko kasi.


Pagbaba ko ng van umupo ako dun sa upuan sa labas ng star bucks. Gusto ko lang lumayo sa kanya ng konti. Kasi kanina halos magkadikit na ang aming mga katawan pero ang LAYO LAYO pa din nya.

Mas masakit sa pakiramdam.


Ang lapit lapit na nya..



pero ang hirap hirap nyang abutin.


"TAYO na lang kasi!"



Nagulat ako sa sinabi nya.As in nganga kung nganga. Ni hindi ko nga alam na kasunod ko pala sya.


Anong sabi nya?


TAYO na lang kasi?




As in KAMI na lang daw? waaaaaaahhhhhhhh kinilig naman ako dun. tatahitahimik. dumadamoves.hahaha


"ano?"

Pakipot effect muna. Baka sabihin atat na atat ako.



"TAYO na lang kasi.. "


Tama nga pala ang rinig ko. Hindi ako bingi. Pero parang nabibingi sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ok na sana ang lahat ng nagsalita sya ulit.



"TAYO na lang.. TUMAYO ka na lang.. hindi ka ba nangalay sa apat na oras na byahe na nakaupo lang? TUMAYO ka na lang.. ang panget namang tingan na nakaupo ka tas nakaTAYO ako. Eh tanggap ko na naman kanina pa na ikaw talaga ang makakasama ko. Kaya TAYO ka na kasi"



Tumayo na ako. Problema ba nya kung gusto kong umupo?

TAYO pa kasi sya ng TAYO. Sabi ko nga. Hindi naman kasi ganun kasimple na maging KAMI.


Ang mag assume TALO.


Umpisa pa lang TALO na ako.

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now