Chapter 2.

102 3 2
                                    

ZAVRINNA'S POV:


Naging maayos naman ang gala namin sa TARLAC. Hindi na din ako umasa na kausap pa ako ni Rexil, masasaktan lang ako.



Nung malowbat sya nung pauwi kami ako naman ang nag suot ng headset. Ako naman ang nagbusybusyhan, kahit ang sakit na sa tenga ng paulit ulit na kanta mas OK na yun kesa umasa na kausapin nya, na umasa na pansinin nya.

Masarap sana sa pakiramdam na sumaksi sa isang kasal kung yung lalaking pinapangarap mo eh nangangarap din na sana balang araw mangyayari din sa inyo yung nasasaksihan nyo.


Pero hindi eh, sa sakit na nararamdaman mo parang ayaw mo munang maniwala sa KASAL. Kasi anong silbi ng salitang KASAL kung hindi lang naman din sya yng makakatabi mo sa araw na mangyayari yun.



Kaya simula sa seremonya ng KASAL, hanggang sa pag uwi dala dala ko yung bigat sa dibdin ko. Ang hirap naman kasing magmahal sa isang taong IMPOSIBLE ka ding MAHALIN. Nasa school na ako ngayon, same school kami ni Rexil, Batangas State University.




Si Kuya kasi Electronics and Communication Engineering ang course kaya sila naging magkabarkada ni Rexil kasi magkaklase sila nung general engineering. Third Year lang sila naghiwalay kasi nga mag kaiba sila ng major.



Ang masaklap pa sa mga pangyayari sa akin wala talagang choice na iwasan ko sya kasi madadaanan ko yung room nina Rexil bago ako makapunta sa room namin.


At ngayon nakatambay na naman yung barkada nila sa corridor. Nagrarate ng mga babaeng dumadaan. HOBBY na nila yan. 10 ang pinakamaganda, syempre 1 ang pinakapangit.

Ayaw ko sanang dumaan eh di ba wala nga akong choice kundi dumaan don. hay "8" sabi ng isang classmate ni Rexil 8 na rate nya dun eh hindi naman kagandahan. Parang tinalo ko pa ata yun sa MS. ENGINEERING nung first year ako tas 8?? "Rexil ikaw naman" Sakto naman na ako na yung dadaan. Sya pa talaga ang mag rarate sa akin?

"1" Medyo natigilan naman ako. Pero saglit lang.

Ayaw ko naman na mahalata na apektado ako sa sinabi nya. 1?!! Malabo ba mata nya? 1?!! talaga?!! Eh yung babae kanina 8 yung rate nila tas ako 1?!! Nakakainis lang kasi huwag naman nya masyadong ipamukha sa akin na ganun lang kaliit ang tingin nya sa akin.


Huwag naman nya masyadong ipagdiinan na WALA TALAGANG PAGASA NA MAGUSTUHAN NYA AKO!! 1 talaga?!!

Sana nagbigay man lang sya ng consideration di ba? plus 1 pa sana kasi kapatid ako ng kaibigan nya. plus 1 pa sana para sa mga pagkain na kinain nya sa bahay namin. plus 1 pa sana para sa mga gabing nakikitulog sya sa bahay namin. plus 1 pa sana kasi schoolmate kami. plus 1 pa sana para maka 5 points man lang ako. para naman kahit papano napakalahati ko man lang. Para kahit papaano katanggap tanggap naman. Pero ang 1?!! bulag ba sya?!!


"oh Zavrinna sambakol mukha mo? aga aga?" Tanong sa akin ni Cj, short for Christine Jane. Classmate ko sya simula first year college pa lang. Bestfriend ko sya kaya yung tungkol kay Rexil eh hindi na bago sa kanya.

"bakla, panget ba ako?" tanong ko sa kanya.

"matagal na" Nabatukan ko nga. Eh hindi man lang makisama. Mga kaibigan talaga kung saktan ka brutal kung brutal.

"adik mo, tatanung tanong ka tas pag ayaw mo ng sagot mambabatok?? saka bat ka ba nagtatanong ng ganun? kung panget ka mananalo ka ba na MISS ENGINEERING nung FIRST YEAR?"


"eh sagutin mo na lang kasi ng matino. down na down na nga ako ngayon eh"

"alam mo bakla, MAGANDA ka. bulag lang ang magsasabing panget ka"


"so bulag nga si Rexil?"

"so kaya ka ganyan? alam mo pagdating kay Rexil huwag ka ng umasa. Kasi ang salitang MAGANDA pagdating sayo nagiging PANGET..hahaha"



"ang sama mo" BULAG nga ba si Rexil? o ako lang ang nagbubulag bulagan sa nararamdaman ko sa kanya. 19 years old pa lang ako pero masyado ng bugbog ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ng dahil sa kanya. Ginawa ko naman ang lahat para kahit papaano makapantay sa kanya.

Hindi sa pagmamayabang MATALINO din naman ako. Lagi akong DEAN'S LISTER nung general engineering. DOST scholar pa ako. Tas yun nga MAGANDA din naman ako.


Pero bakit? Bakit lahat ng MERON ako parang WALA lang para kay Rexil?

Kakapagod na. Three years na syang namamahay sa PUSO ko, Three years na syang hindi mawala sa isip ko. Three years ko na syang inaabangan lagi sa panaginip ko.


Kaya ko pa ba?


Kaya ko pa ba ang panibagong THREE YEARS na masasaktan ulit ako?

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now