Chapter 4.

69 1 0
                                    

REXIL'S POV:

Pauwi na ako ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala sa natalo nya ako. Hindi ko sya pinagbigyan talaga lang na magaling sya.

Parang iba sya kanina.

Seryosong seryoso.

Nakita ko na kasi kung pano sya makipaglaro sa mga KUYA nya.

Tawa tawa lang sya ng tawa at lagi syang TALO. Pero kanina iba talaga sya. MAGALING pala talaga sya sa CHESS.

Medyo nadistract ako kanina kasi ni hindi nya ako tinitingnan. Nung napatingin naman sya biglang bawi lang din nya. Ayon TALO na ako.

Pero PANALO pa din kasi yung nakita ko na nagblush sya kasi nakatingin ako sa kanya kahit ilang beses na pagkatalo sa CHESS ipagpapalit ko.

OK. MAHAL KO SYA.

Simula nung nakita ko sya nung first year pa lang sya iba na yung naramadaman ko sa kanya.

Pero nung malaman ko na kapatid sya ni Joseph kailangan kong pigilan kung ano man nararamdaman ko. Kaya kahit labag sa loob ko nasusupladuhan ko sya.

Para kahit papaano maitago na naaapektuhan ako pag MALAPIT sya sa akin.

Nung pumunta kami ng TARLAC lahat ng paraan ginawa ko para lang maiwasan sya kahit tuwang tuwa ako na matagal ko syang makakatabi sa byahe.

Bakit kasi naging kapatid pa sya ng BESTFRIEND ko?

Pwede bang itakwil na lang sya?

Para pwede ng maging KAMI?

Alam ko na nasaktan ko na naman sya kanina about dun sa RATE ko sa kanya.

Syempre 10 talaga RATE ko kasi hindi naman sya magiging MISS ENGINEERING dati kung hindi sya maganda at hindi ako mababaliw sa kanya ng ganito.

ONE lang sinabi ko para hindi halata. Saka NUMBER 1 naman talaga sya sa puso ko. Nung malaman ko na kapatid sya mi Joseph, pinilit kong makipagrelasyon sa iba para kahit papano makalimutan ko sya o kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya pero niloloko ko lang sarili ko kasi sa tatlong taon na lumipas SIYA pa din eh.

"anak may problema ba? seryosong seryoso ka dyan?"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ni hindi ko napansin na lumapit na si mommy sa akin. Nagiisa lang akong anak. Si mommy at daddy parehong CHEMICAL ENGINEER. Buti nga hindi nila ako pinilit na yun din yung kunin na course. Nalilito na nga ako sa mga code nila eh, dadagdag pa ba ako.

"wala mommy, pagod lang po"

"sigurado ka?"

"opo, pasok na po ako sa kwarto ko"

Sigurado nga ba ako na walang problema? Ang mahirap lang kasi sa sitwasyon ko wala akong mapagsabihan. Ang hirap magmahal ng patago kasi patago ka lang din kung masaktan.

Kinabukasan pagpasok ko sa school nadaanan ko si JAKE, classmate ko na kinukulit SIYA na maging date sa STUDENT'S NIGHT.

Next week kasi foundation na namin, last day ng FOUNDATION eh STUDENT'S NIGHT.

"hindi pa kasi ako sure kung pupunta ako. Kung OO eh di sabihan kita"

WHAT?!!! pumayag sya na kadate yung mokong na yun? eh ang yabang yabang nun.

"salamat talaga Zavrinna"

"hindi pa ako sure huh, saka wala pa din naman nagiinvite eh kaya sige"

Wala kasi akong lakas ng loob na iinvite sya. Pero hahayaan ko ba talaga na may makalapit sa kanya na iba?

Hanggang kailan ko itatago yung nararamdaman ko?

Pag tuluyan ng nabaling ang attention nya sa iba?

Hanggang kailan ko iisipin ang pagkakaibigan namin ni Joseph?

Hanggang kailan ko sya mamahalin ng ganito?

MALAYO at PATAGO?

HANGGANG KAILAN JOHN REXIL DELOS REYES?

HANGGANG KAILAN KA MAGIGING DUWAG?

"Hindi sya pupunta sa STUDENT'S NIGHT kasi busy na ang CHESS CLUB non, kailangan namin magpractice para sa laban namin after fOUNDATION DAY"

"Ganun ba pre, sige Zav. " At naglakad na siya palayo.

"sinong may sabi na sasali ako sa CLUB?"

"AKO"

"IKAW?"

"wala kang choice kundi sumali kasi TINALO mo ako kagabi. Saka sabi ng KUYA mo OK lang naman daw"

"pero ayaw ko. TSAMBA lang yung kagabi"

"walang TSAMBA sa chess."

"pero ayaw ko talaga"

Pag hindi sya sumali baka pumunta sya sa STUDENT'S NIGHT tas makakadate nya si JAKE. Anong gagawin mo Rexil?

" Kung hindi ka sasali hindi ka din pupunta sa STUDENT NIGHT"

"huh? bakit naman?"

"hindi ka pupunta hanggat hind ako ang ka DATE mo. PRINCESS"

Tumalikod na ako. Alam ko na nagulat sya. Pati din ako nagulat. Bago ako makalayo narinig ko pa din yung SALITANG yun na hindi ko din alam na masasabi ko pala sa harap nya mismo.

"PRINCESS??"

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now