Chapter 3.

80 4 0
                                    

ZAVRINNA'S POV:



Halos maghapon na hindi maipinta ang mukha ko dahil sa napakagandang rating na binigay sa akin ni Rexil. Kaasar. Buti nagawa ko pamg makinig sa mga lesson. Gustong gusto ko nangang umuwi para don na lang magpaka emo.

Kahit yung pagiinvite nina CJ na pumunta sa SM Batangas tinanggihan ko.


Hindi na din naman ako pinilit ni CJ kasi sya lang naman ang nakakaalam ng pagsintang purorot ko para kay Rexil.


Ang sagwa lang ng description ko para sa nararamdaman ko para sa kanya. kasing sama ng sakit ng nararamdaman ko ngayon.


Pagdating ko ng bahay ng bandang alas kwatro ng hapon kala ko makakapag emote na ako ng bonggang bongga pero mali pala ako kasi yung taong dahilan kung bakit ako mag eemote ayun kalaro ni Kuya ng Chess.

Hay kaasar. Bat kasi ngayon pa naisip ni Kuya Joseph na maglaro ng chess. Buti pa si kuya joross parang ako lang kung kailan lang maisip maglaro saka maglalaro.


Si Kuya joseph kasi kahit sa school, player sya. Pati si Rexil player din.

Ang totoo hindi ko pa nakakalaban si Rexil sa chess. Wala din akong planong kalabanin sya. Varsity Player sya ng school tas maglalakas pa ako ng loob na lumaban?


Kakaumpisa pa lang nila nung dumating ako. Kung iba sana ang kalaro ni Kuya baka manood ako kaso si Rexil eh, kaya magkukulong na lang ako sa kwarto. Kasi hindi din naman ako makakapagconcentrate na manuod ng laro nila kasi baka si Rexil lang ang tingnan ko.


Ayaw ko naman na malaman nya na ganun ako kabaliw sa kanya. Baka hindi na sya pumunta dito sa bahay pagnalaman nya.


Ang totoo BOYFRIEND ko na si Rexil. Kaso pag nalaman nya yun BREAK na KAMI. hahaha


Mangarap ka Zavrinna. Kasi naman bakit kasi LIBRE ang mangarap tas yung pinapangarap ko naman eh sobrang HIRAP namang abutin. SOBRANG MAHAL pa. at SOBRANG MAHAL ko na nga sya.

hay Makakyat na nga lang.

"PRINCESS"

"bakit KUYA?"

Princess talaga tawag sa akin dito sa bahay. Ayaw ko nga sana eh kaso nasanay lang. Ok ako na nga ang bunso at nag iisang babae kaya no choice daw ako kaya Princess tawag nila sa akin.

Buti sana kung pati si Rexil yun ang tawag. Choosy pa ako huh. Ni hindi nga nya mabanggit yung Zavrinna.


"ikaw muna ang lumaban kay Rexil tawagan ko lang saglit si Ate Alice mo" Ayun dali dali ng lumabas ng bahay.


Zavrinna bawal kang tumanggi?? Wala kang choice. Umupo na ako dun sa pwesto ni KUYA.

"sino ng titira?"

"IKAW"

Ok. ako daw. Hindi ko na sya tiningnan nun. Kung makakatunaw lang ang tingin baka nag MELT na yung mga poon ko. Bahala na si BATMAN.

Zavrinna magconcentrate ka na lang sa laro. Madaya din ang larong ito.

Bakit kailangan pang yung QUEEN yung magproprotekta sa KING? Hindi ba pwede na pareho silang prinoprotektahan?

Tas napaka limited lang ng galaw ng KING. Samantalang yung QUEEN duluhan yung galaw nya.

Kahit gaano kalayo. Madami siguro na nagkakabit na QUEEN dati kasi napakalayas nila. anu daw?



Speaking of QUEEN. Ayon nakain na nya yung QUEEN ko. Buti na lang hindi talaga ako nakadepende sa QUEEN. Ang diskarte ko kasi nasa dalawang HORSE. Ang totoo lagi akong talo nina KUYA. Kasi tawa lang ako ng tawa pag kalaro sila. Kaya lang iba yung sitwasyon ngayon. Seryoso akong lumalaban. Tumingin ako sa kanya. Oopps. Wrong move. Nakatingin din sya. Parang namula ata ako.


Bigla kong iniwas ang tingin ko. "CHECK MATE"

Tumayo na ako. Pumasok sa kwarto ko. Bago ko maisara ang pinto narinig ko si KUYA.


"NATALO KA NI UTOL?!! WALANG MAKATALO SAYO SA SCHOOL KAY UTOL KA LANG MATATALO? ISALI MO KAYA SYA SA TEAM MO?"

TAMA natalo ko sya. Kaso don ko lang sya natalo.

Isang Laro ko lang sya natalo.

Kasi sa realidad. Sa mga MOVES nya.

Ako ang hindi makakilos.


Ako ang wala ng maisip.



Sa totong buhay..


Ako ang na CHECKMATE nya.

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now