Chapter 5.

57 5 0
                                    

ZAVRINNA'S POV:



STUDENT'S NIGHT na mamaya. Tumanggi akong sumali sa CHESS CLUB kahit anong pilit ni Kuya joseph, kung sasali man ako dun yung ako mismo yung may gusto hindi yung gusto lang nya.

Masyadong mahalaga sa akin yung larong yun na ayaw kong kamuhian pagdating ng araw ng dahil lang kay Rexil.

Ang drama ko lang, pati CHESS sinasama sa pagiging BROKENHEARTED.

Nung tinawag nya ako PRINCESS last week, nung una kakakilig pero narealize ko PAMILYA ko lang tumatawag sa akin nun..


IBIG SABIHIN KAPATID LANG TINGIN NYA SA AKIN??

Kaya inawat ko na ang kilig na nararamdaman ko ng oras na yun, kahit kay CJ hindi ko na sinabi. Kung ano man ang magyayari maya bahala na si batman.

Ako nga lang pala ang tao ngayon sa bahay, sina mama at papa nasa ROMBLON para dun sa lupa na ipagbebenta nila, si KUYA JOSEPH sinundo na si ATE ALICE, Si KUYA JOROSS sa linggo pa ang uwi nya. Kaya SOLO ko ang bahay.

At antok na antok na ako, kamusta naman yun 3 AM na ako natulog kasi nag WATTPAD ako, ang daming nag UPDATE eh. Anong oras na ba? 16:30 na.. 18:00 magsisimula ang party. Siguro hindi naman sya seryoso dun sa SYA yung DATE ko sa STUDENTS NIGHT.

Siguro nung tumanggi ako na sumali, hindi na din nya itutuloy yun. Hindi din naman ako nag eexpect na tutupadin nya yun.

Tutulog na sana ako ng may narecieved akong text galing sa kanya. BE READY. -Rexil NApakaiksi ng message na yun pero lahat ata ng dugo ko sa katawan pumunta sa mukha ko. Ayieeeeeeee kinikilig ako.

Inilabas ko na yung bagong bili kong dress na gagamitin para saSTUDENT'S NIGHT, . Di ba sabi ko hindi ako nag eexpect? pero hindi ko naman sinabi na hindi ko pinaghandaan. Siguro kay KUYA nya nakuha yung number ko, eh kasi kay KUYA ko lang naman din ninakaw yung number nya..hahaha

si KUYA naman bakit nya binigay? dapat sa akin nya hiningi?? ASA ka Zav.

After 1 hour ng pagpapaganda, bongga ewan ko lang kung hindi ma inlove sa akin si Rexil. Ang lakas lang ng hangin.hehe

Ako ata ang lalong maiinlove sa kanya, isipin ko pa lang na nakasemi formal sya grabe kinikilig na ako.


Ang GWAPO nya kaya. Tas kung magsasayaw pa kami, tas nakatingin lang ako sa mukha nya..

grabe lang. waaaaahhhhhhhh Parang mamatay ata ako ngayong gabi sa KILIG.

ANDITO NA AKO. -Rexil.

Zavrinna eto na. nasa baba na sya. wag ka masyadong excited.. INHALE ...

EXHALE...

Ayos naman ang itsura mo, maganda ka na.. kaya wag kang kabahan.

Paglabas ko ng kwarto andun nga sya sa SALA.

Nung bababa na ako ng hagdan, mga 7 steps lang naman yung hagdan namin, bawat hakbang ko nakatitig sya sa akin. Hindi ko alam kung anong lakas ng loob meron ako ng oras na yun pero tumitig lang din ako sa kanya. Nung last to two steps na lang, lumapit din sya ng dahan dahan.


ZAVRINNA ETO NA BA YUNG MOMENT NA MAIINLOVE NA DIN SYA SAYO?

Nasa last step na ako, hindi ko pa din maalis yung mata ko sa mukha nya.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

Dahil nagulat ako sa tanong nya, nag alangan ako ng hakbang kaya na out of balance ako, good thing na naging maagap sya kaya nasalo nya ako. At ngayon nga nakasandal ako sa kanya at yung kamay nya eh nasa waist ko.. at ang lahat ng dugo ko eh nasa mukha ko, hindi ko maimagine kung gano kapula ako mukha ko ngayon.

Ngayon ko lang napansin yung suot nya. Naka short lang pala sya tas tshirt. Zav kasi wag masyadong sa mukha tumingin.

"kala ko ba STUDENT'S NIGHT tayo pupunta?"

Lumayo na ako sa kanya. Eh kasi naman yung puso ko sobrang bilis ng tibok kanina habang yakap yakap nya ako. Kunwari yakap na yun.

"sabi ko ako ang DATE mo sa STUDENT's NIGHT pero hindi ko sinabi na dun yung date?"

"ano?"

"ano ang iisipin nila pag pumunta tayo dun? ka date ko ang kapatid ng bestfriend ko.. Anong iisipin nila na BS ako sayo? "

"BS?" nagaalangang tanong ko.

Iba talaga ang dating ng BS sa akin. Tas sa kanya pa galing? BS!! BS!!


"BANTAY SALAKAY"

"OK"

"magpalit ka na, saka magdala ka na din ng pang overnight, pinagpaalam kita kay joseph na tuturuan kita sa circuits"


OVERNIGHT? Kasama sya? Kaming dalawa lang? Seryoso? Baka yung BS na naisip ko kanina eh magkatotoo. waaaahhhhhh Napakafeeler mo naman..hahahaha BS?

ok lang naman na maging BS sya ngayong gabi di ba?



BANTAY SALAKAY.


---------------Author's Note------------

Emegesh. Baka next week na ako mag update. May pasok na uli e. Hahahaha!😂 Sornaaaaa po. Mga besh comment naman kayo kung anong gusto niyong mangyare next chapter. 😂 Malay nyo magustuhan ko at yun ang ilagay ko. hihihihi so yun! Enjoy reading! Dont forget to vite and comment mga besh. Labyuuuuuuu💕



P.S Hi sa bespren ko na hindi ako makausap kanina kasi nagtatype ako ng chap. 5. hahahahaha Sorna mahal. labyuuu. bawi ako next time 💕💕 Ily. Hihihihi

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now