Chapter 7.

62 3 3
                                    

Author's Note:

Matagal tagal ding hindi nakapag update. Sorna mga beshy! Busy ang lola niyo this past few weeks hahahaha! At dahil labs ko kayo. Eto na ang chapter 7! Dont forget to comment and vote beshyy! Pag maraming votes at comment, sunod na agad ang next chapter!Yieee!

Follow niyo na rin ako. 😁
IG/Twitter: @_donnamiloves
Facebook: Donnalyn Santos Montecer

-----------------------------------------------------------

ZAVRINNA'S POV:

Hinila na ako ni Rexil palayo kay Eric. Parang gusto kong isipin na gusto nya talaga akong ilayo kay Eric, yung hindi literal na ilayo. Yung para bang gusto nya na sa KANYA lang ako.

Ang assuming ko na masyado.hahaha Si JOHN REXIL DELOS REYES? Gugustuhin ba kaya nya yun?

Pero sabi nya BOYFRIEND ko daw sya?

Ang Feeler naman nya? hahaha pero ayoko na talaga mag aasume masydo kasi kinikilig ako ng bonggang bongga. Grabe lang.

Kanina lang nagulat ako sa pagsulpot ni Eric, hindi pa nga ako nakakarecover na nakita ko ulit sya bigla naman akong bibiglain ni Rexil sa sinabi nya na BOYFRIEND ko daw sya.

Hindi ko tuloy napaghandaan yung rumaragasang kilig na nararamdaman ko ngayon. at talagang rumaragasa?

Kayo ba pano no ipapaliwanag yung OVERFLOWING kong kilig na nararamdaman ko ngayon? Ayieeee ang hirap lang.

"hoy Rexil san mo ba ako dadalhin? hila ka ng hila"

"sa puso ko.."

"ano?"

Hindi ko kasi masyadong narinig kasi ang iingay ng mga sasakyan. Narinig ko ng kaunti pero ayaw tanggapin ng sistema ko na yun nga yung narinig ko.

Baka nabibingi lang ako. Nakakabingi ba talaga ang ma inlove? ayieeee parang habambuhay ata akong magiging bingi pan nagkataon. Kasi wala naman akong planong itigil kung ano man ang nararamdaman ko para sa lalaking snatcher na to.

Magkano bang hearing aide?. haha Kung makahila parang snatcher lang na hinila ako kung kanina. Tas snatcher pa sya kasi yung puso ko hindi ko namalayan na nasa kanya na pala. ansabeh? hahaha

"hoy kung makahila ka naman? papalitan mo ba ang kamay ko pag natanggal to?"

Nagulat na lang ako nung bigla syang tumigil. Kaya medyo napasubsob ako sa may likuran nya.

Ang bango. Infairness hindi sya nag amoy usok dun sa isawan. Choosy na din ba ang mga usok?

Pag gwapo hindi sila kumakapit? Humarap sya sa akin. Kakakaba lang kasi napakaseryoso nya.

Kanina naman OK sya ahh. Bakit ngayon parang galit sya na ewan?

"Kung matanggal man yan hindi ko papalitan"

"ang sama mo.."

"kasi pupunuan ko lahat ng kakulangan mo. Ako na magiging kamay mo. Kung mapilay ka man ako ang magiging paa mo. Pag nabulag ka ako magiging mata mo."

Wala akong maisagot sa kanya. Ewan naiiyak ako na ewan. Parang ang brutal naman nyang magpakilig. PILAY at BULAG?.

Grabe discounted na ako nun sa JEEP. DISABLE.? Hinila ko sya pabalik dun sa isawan. Bakit sya lang ba ang may karapatang manghila?

"hoy san tayo pupunta?"

HOY din? Parang ang sweet pakinggan ng HOY pag sa kanya galing. HOY KAIN KA NA. HOY MAHAL KITA. bwahahaha

"sa isawan?"

"bakit? gusto mo lang balikan yung mayabang na lalaking yun?"

bumitaw sya sa akin tas parang nagtatampong ewan.

"balikan mo na sya. SA KANYA KA NA. Sumama ka kung san kang BAR ka nya dadalhin."

"malamang wala na sya dun"

hinila ko na ulit sya. Kahit pala seryoso syang tingnan ang CUTE pala nya pag nag iinarte

"dali kain ka ulit ng isaw tas banat ka ulit? yun ba yung epekto ng isaw sayo? grabe pre hindi ko kinaya yung pick up lines mo? Ginawa mo akong DISABLE.hahaha"

Napikon ata sya, Kasi bumitaw sya sa pagkakahawak ko tas iniwan ako. Para kasing ayaw ko munang kiligin dun sa banat nya.

Eh kasi iba na yun. Pag sineryoso ko baka masaktan na talaga ako. Pero gustong gusto ko na talagang seryosohin yun.

"SNATCHER!!! SNATCHER!!!"

Dali dali syang bumalik sa akin. Pati yung ibang tao napatingin na lang.

"Nasan ang SNATCHER? Ano nakuha nya sayo sinaktan ka ba nya?"

Itinuro ko sya. Nagtataka naman syang nakatingin sa akin. waahhhh wag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi lang ICECREAM ang natutunaw.

"AKO?"

"IKAW.. kinuha mo na PUSO ko sinaktan mo pa ako"

Nagulat na lang ako kasi.. hinila na naman nya ako. HILAHAN DAY ba ngayon?

"sorry kung ako man ang SNATCHER na sinasabi mo. Hindi mo ako pwedeng ipakulong"

"at bakit naman?"

Hindi nya sineryoso yung sinabi ko na yung PUSO ko eh nasa kanya na. Another tara na naman ba for my HEARTBREAK?

Parang nagtapat na din ako nun di ba? Tas anong napala ko? HILA? sabunutan ko kaya sya. T_T

"kasi matagal na akong nakakulong dyan sa PUSO mo"

"huh?"

Napatigil na lang ako. At ngayon hindi na ako nabingi. Malinaw na malinaw yun.

Naluluha na ako. Hindi ko mapigilan. Pwede bang bawiin ko yung tara ko for HEARTBREAK? Pwede ko bang alisin na lang yun listahan ko na yun?

Lumapit sya sa akin, tas hinaplos nya ang pisngi ko. Nakatitig lang sya.

"matagal na akong nakakulong dyan sa PUSO mo. Pwede bang palayain mo na ako? Para naman MALAYA na kitang MAHALIN?"

"Rexil..."

"MALAYANG MAHALIN Zav.. pero PATAGO"

"huh?"

"basta.. hayaan mo lang na MAHALIN kita.."

Tas hinila nya ako. HILAHAN day nga talaga ngayon.

Kasi sa PAGHILA nya pati yung PUSO ko kasama. At lalong nahulog sa kanya.

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now