Chapter 6.

76 5 4
                                    

AUTHOR'S NOTE.

-At dahil may nagrequest na mag update na ako eto na hahaha. 😂 Dedicated to manzanerokiunisala 💕
Enjoy reading! Dont forget to comment and vote. kansahamnida. 💕💕


REXIL'S POV:

STUDENT'S NIGHT na mamaya. Nakahanda na yung isusuot ko kaso nagdadalawang isip talaga akong pumunta. Hindi dahil ayaw kong makasama SIYA kundi dahil ayaw kong ang FIRST DATE namin eh ang daming makakasaksi.

Tas ano na nga lang sasabihin nila na BANTAY SALAKAY ako?

Kapatid ng Bestfriend ko ang DATE ko? Kakainis. Gusto ko lang naman syang makasama.

Yung tipong hindi masyadong halata na gustong gusto ko syang makasama. Yung akala nya eh dahil pa din sa CHESS CLUB kaya AKO ang DATE nya ngayon. Kaya nagdecide ako na hindi na lang kami pumunta don, pero syempre dapat magkakasama pa din kami. 4:30 pm na nung magtext ako sa kanya na maghanda na sya. Hindi ko pa din alam kung san kami pupunta basta ang sigurado eh mag oovernyt SYA sa bahay mamaya.

Nagpalusot na nga lang ako kay Joseph na tuturuan ko Siya sa circuits para pumayag na sa bahay siya matulog.

Saka alam ko naman na wala syang kasama sa bahay nila ngayon. Nung dumating ako sa bahay nila nagtext ulit ako sa kanya.

Ninakaw ko lang kay joseph yung number nya. Ano na lang iisipin nya pag hiningi ko mismo sa kanya? Nung makita ko sya na pababa ng hagdan hindi ko mapigilan na hindi SYA titigan habang bumaba.

Ang GANDA nya talaga. Habang humahakbang SYA bumibilis lalo ang tibok ng PUSO ko. Ewan hindi ko alam pero nung nasa pangalawang STEPS na sya hindi ko na napigilan na lapitan SYA.

Parang kung may kung anong MAGNET SYA na humihila sa AKIN na lumapit sa kanya. Nung nasa last step na sya saka ko lang narealize na hindi nga pala nya pwedeng mahalata na MAHAL ko sya.

"BAKIT GANYAN ANG SUOT MO?"

Nagulat SYA sa pag imik ko kaya na OUT OF BALANCE sya. Buti naging maagap ako kay nasalo ko SYA. Yung kamay ko nasa waist nya at sya nakasandal sa akin, yung mga kamay nya nasa dibdib ko.

Hindi nyo alam kung anong ginawa kong pagpipigil para hindi ko sya HALIKAN.

Ang pula pula pa ng mukha nya. Ganito ba talaga ang epekto ko sa kanya? Nakakatuwa lang pero nakakabanggang lang isipin bat kasi ang KUMPLIKADONG MAGING KAMI?

"San ba TAYO pupunta?"

Seryosong tanong sa akin. Hindi nga sya tumitingin. Alam ko naman na masama ang loob nya kasi akala nya sa STUDENT'S NIGHT ang punta namin.

" sa tabi tabi"

"tabi tabi?"

Napangiti na lang ako kasi tumingin na sya sa akin. Ang GANDA talaga nya.

"Tara na nga"

Hinawakan ko sya sa kamay tas hinila na sya papunta dun sa lugar na alam kong mag eenjoy sya. Paglingon ko nakatingin SYA dun sa magkahawak naming kamay.

Pero nag patay malisya na lang ako, gusto ko kasi na hawak hawak ang kamay nya. Na parang sinasabi ko sa buong mundo na AKIN LANG SYA.

"ISAW!!!"

Tuwang tuwa SYA nung mapansin nya na papunta kami dun sa ISAWAN sa may PLAZA. CHEAP ba? dahil sa ISAWAN? KURIPOT talaga ang mga FUTURE ENGINEER. Pero hindi naman sa ganun, pwede ko naman syang dalhin sa mamahaling kainan pero gusto ko kasing maranasan ang mga SIMPLENG BAGAY na SYA ang kasama.

"ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito, ikaw ba kailan ka huling kumain dito?"

"ngayon lang?"

"weh? eh bakit mo ako dito dinala? saktan ka pa ng tiyan dito?"

"wala lang, sabi nila masarap daw eh"

Nung dumating ang order namin, tiningnan ko lang SYA habang nilulunod nya yung isaw dun sa SAWSAW. Nagulat na lang ako nung itapat nya ito sa bibig ko pagkatapos. Nahiya pa nga akong isubo ito pero dahil makulit sya kaya yun.

"MASARAP nga"

"manang 60 pesos pa pong ISAW"

"adik, ang dami nun"

Nakakatuwa lang. Sana hindi na matapos ang gabing ito. Yung natural ang kilos nya na kasama ako. Yung natatawag nga nya akong ADIK. Ang gwapo ko pero ADIK?

"zavrinna.. musta?"

Napatingin na lang ako dun sa lalaking lumapit sa amin. Nagulat nga si Zav. Ewan ko kung namalikmata lang ba ako pero parang nagblush sya.

"Eric.. musta? graduation pa ata ng high school nung huli tayong nagkita?"

"oo nga eh.. Sama ka sa amin, punta kami sa bar. Kung nde lang sana tayo magkakahiwalay nun.. muntik mo na sana akong sagutin di ba?"

Nagulat si Zavrinna don sa sinabi nung Eric, OK inaamin ko na may ITSURA din naman itong lalaking ito. Kaya malamang totoo na muntik ng maging sila

"Tara, bar tayo.. hatid ka na lang namin" Sabi ni eric.

"Eric,.. may kasama ako.. next time na lang"

"Pre pwede ko bang hiramin si Zav.. hatid ko na lang sya mamaya. kaano ano ka ba nya?"

Pinigilan ko lang na hindi masapak ang lalaking ito. HIRAMIN? ano sya BAGAY?

"Pasensya na pre, ang alam ng kuya nya ako ang kasama nya kaya hindi ko sya pwedeng IPAHIRAM sayo?"

Hinila ko na si Zav. Nakakagalit lang kasi parang apektado SYA sa presence nung LALAKI. muntik na ba talagang maging SILA?

"teka lang pre.. sino ka ba para magdesisyon para sa KANYA"

"BOYFRIEND NYA"

At tuluyan ko na SYANG inilayo dun sa LALAKING yun.

OO.

BOYFRIEND NYA AKO.

HINDI PA NGA LANG SA NGAYON.

Pero darating at darating tayo dun. Mag intay ka lang zav.

Tayo na lang [Kathniel]Where stories live. Discover now