Pinigilan ko, hindi dahil ayaw ko na ang sinasabi nang aking puso.
Umiwas ako, hindi dahil gusto kong kong iwasan ang mga pangyayare.
Umalis ako, hindi dahil gusto kong iwan lahat ng dinulot ng pagmamahal kong ito.
Tumalikod ako, hindi dahil ayaw kong tignan ang tinitibok ng aking puso.
Pinili ko lang talagang wag nang patagalin
At wag nang ipaglaban itong nararamdaman ko para sayo.
Huminto ako, hindi dahil ayaw kong lumapit.
Tumalikod ako, hindi dahil ayaw na kitang makita.
Ginawa ko lang naman lahat ng ito dahil...
Lahat ng simula ay may katapusan.
Lahat nang una ay may huli,
At lahat nang saya ay may kalungkutan.
Ayaw kong sumugal dahil ayaw kong matalo,
Ayaw kong subukan dahil ayaw kong magkamali,
Ayaw kong umasa dahil ayaw kong mapaasa,
At ayaw kong maghintay dahil ayaw kong maiwan.
Kaya naman mas pinili kong wag magmahal
Dahil sa takot kong masaktan,
Sa pagmamahal na wala namang kasiguraduhan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓
PoetryMga Tula na naiisip ng aking isipan.... TRy to read po