1 - Bullied

8 0 0
                                    

Amaya's POV

Iyak lang ako ng iyak habang nakasalampak sa lupa. Ano bang mali sakin? wala naman akong ginagawang masama sakanila eh.

"Ah lampa!"

"Kampon ni Satanas!"

"Salot!"

"Anak ng demonyo!"

"Walang kwenta! Parang nanay nya!"

Sa dami ng tukso at masasakit na salita ang binitawan nila sakin, matatanggap ko. Pero ang idamay nila ang nanay ko, ibang usapan na yun.

"Aahhh! Mama!" hindi ko alam na masama na pala ang tingin ko sakanila. Isa-isang lumiyab ang kanilang mga buhok.

Mas lalo akong naiyak ng dumami ang mga tao sa paligid ko at pinagbabato ako ng kung ano. Masasakit na salita ay tinanggap ko, nanatili lang akong nakayuko at umiiyak.

Bakit ba ako napunta sa sitwasyon ko ngayon? Lumapit lang naman ako sakanila para makipag kaibigan at makipaglaro eh.

"Anong ginawa mo sa anak ko!" tiniis ko ang hapdi at sakit ng pagkakasabunot nila sa buhok ko. Kalmot. Sipa. Suntok. At paghablot sa bestidang suot ko. Ang regalo ni tatay sakin.

"Tama na po! Patawad!" iyak ako ng iyak habang iniiwas ang sarili sakanila, ngunit hindi sila tumigil.

"Anong ginagawa nyo sa anak ko!" ang kaninang magulo at maingay ay biglang nagsitahimik.

"Layuan nyo sya!" wala pang ilang segundo lumayo sila sakin, yakap ni nanay ang nakapagpakalma sakin.

"Tahan na, nandito na si nanay." tinulungan nya akong tumayo, nagsumiksik ako sa kanyang dibdib.

"Pagsisisihan nyo ang ginawa nyo sa anak ko." may diin ang boses na sabi ni nanay. Umalis kami sa lugar na iyon na nagkakagulo ang mga tao dahil sa mga bahay na nadaanan ng paningin ko.

Pagkauwi namin sa bahay ay nanatili parin akong nakayakap kay nanay habang ginagamot ang mga sugat ko.

"Nay sorry, sorry talaga." paulit-ulit na iyak ko sakanya.

"Wag ka ng umiyak. Gagamutin ni nanay ang sugat mo." tumango lang ako bilang sagot.

Pagkatapos gamutin ni nanay ang mga kalmot ko nanatili kami sa sala, iyak parin ako ng iyak.

"Nay ayoko na dito. Nay alis na tayo nila tatay." naiiyak na hinaplos ni nanay ang pisngi ko.

"Anak patawarin mo si nanay ha? Patawad. Hindi ko ito ginustong mangyare sayo." naiiling na niyakap ko sya.

"Nanay..." wala akong sama ng loob sa nanay ko, nagpapasalamat parin ako dahil kahit ganito ako ay minahal at pinrotektahan parin nila ako ni tatay.

"Nay lipat na tayo." mahinang boses na sabi ko.

"Kakausapin ko ang tatay mo, sa makalawa lilipat na tayo." humigpit ang yakap ni nanay sakin.

Sa yakap ni nanay pakiramdam ko ay ligtas ako at walang pwedeng manakit sakin. Buong buhay ko sila ni tatay ang pumoprotekta sakin sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang kutyain at husgahan ako.

Lumabas ako sa sinapupunan ni nanay na, puro panghuhusga. Lumaki ako ng walang kaibigan, lumaki akong puro pambu-bully.

Kailan ba magbabago ang takbo ng buhay ko? Magbabago pa ba? Kasi sawa na ko.

Bata pa ako pero pagod na ko.

"Mahal na mahal ka namin, anak." bulong ni nanay.

"Mahal na mahal ko rin kayo, nay."

***

A/N :

Sa lahat ng followers ko, choss. Unfollow lahat ng nag unfollow sakin. Bye ~

Kiryensixteen, hello to you too. haha, this is for you po. Masaya lang ako at kahit papano nagkakilala tayo ^_^ Naiisip ko parin ang revelation mo about dun sa identity mo, hahaha.

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon