11 - Her Story & Their Eyes

1 0 0
                                    

Sydney's POV

Akala ko ang pinakamasakit sa lahat ng nangyare sa buhay ko ay ang mamatay ang kapatid ko sa sakit na leukemia pero mas pinakamasakit pala yung sa mismong harapan mo, patayin ang mga magulang mo.

Yung nasa ilalim ka lang ng kama habang pinagmamasdan ang mga magulang mo kung paano nila pagbabarilin. Walang ibang magawa kundi ang pumikit at umiyak.

Ni walang tulong na mahingian sa kapamilya mo dahil wala rin silang pinagkaiba sa mga taong pumatay sa magulang ko.

Mga walanghiya sila!

"Oh! Yung LUHA mo pakisalo." napatingin ako sa panyong nasa harap ko. Tinanggap ko iyon.

"T-thanks." umupo sya sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan kami, basta ang sabi ni Jarel, nasa safe house daw nila kami.

"Ayos ka lang?" sunod- sunod ang ginawa kong pag-iling kasabay ng walang tigil na pagtulo ng luha ko.

"Tahan ka na." naramdaman ko ang pagyakap ni Amara.

"They killed my parents." napayakap nalang din ako sakanya. Mas humigpit ang yakap nya sakin.

"They only want me because of my ability." naalala ko ang nakaraan kung kailan, halos sambahin ako ng kamag-anak ko.

Lahat ng gusto at kailangan ko, agad nilang binibigay. Nalaman ko nalang na may binabalak sila sakin. Hindi ko matanggap na sila pa ang nag-utos sa mga lalaking iyon para patayin ang parents ko. How dare them!

"Wag kang matakot, nandito lang kami. Hindi ka namin sasaktan." kumalas ako sakanya at tinignan sya sa mata.

"How can I trust you?" ngumiti sya at pinakita sakin ang kamay nya. Namilog ang mata kong makita ang kamay nyang napapalibutan ng umuusok na yelo.

"Ahh!" napahiyaw kami pareho ng biglang umapoy ang kamay nya. Napalingon kami kay Amaya na tawa ng tawa.

"You!" gigil na binato nya ng yelo si Amaya pero bago pa tumama sakanya yun ay agad ng natunaw.

Manghang pinagmasdan ko sila pareho. Di tulad kay Amaya, ang mata ni Amara ay light blue tapos parang may snow flake sa gitna. Hindi mo mahahalata iyon dahil madalas daw syang nagsusuot ng contact lense.

Kay Amaya naman ay kulay apoy talaga, sa una akala mo plain red lang sya pero kung pagmamasdan mo ng maigi sa malapitan. Makikita mong lumiliyab iyon na parang gustong kumawala. Parang puno ng galit, nanlilisik. In short, nakakatakot talaga sya.

Ang mata ko naman ay parang crystal, literal na kumikislap at kumikinang. Nakaka-agaw pansin. Nahihirapan akong itago kaya madalas ay nakasun glasses ako at laging nakayuko.

"Masaya talaga ako at nagkita tayo ulit." hindi talaga bagay sa maamong mukha ni Amaya ang mata nya. Masyado syang mabait para sa mata nyang walang sinasanto.

"Ako din. Akala ko di na talaga tayo magkikita eh." pinagmamasdan ko lang sila. Mabuti pa sila, masaya. Tumingin sakin si Amaya at kumaway.

"Hi Sydney, wag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan mo kami, lalo na ang nanay at tatay ko." napangiti nalang din ako at lumapit sakanila.

"I trust you guys." niyakap nila ako pareho.

"Laban natin to. Tatapusin natin ng sabay at walang maghihiwalay." pinugpog ako ng halik ni Amara sa pisngi.

"Layo!" tinulak ko sya ng marahan. Napangiwi ako ng mahawakan ang basa kong pisngi.

"Kadiri ka Amara!" tumawa sila ni Amaya.

"Para daw fair tayo." nanlaki ang mata namin ni Amaya ng biglang nagulangot si Amara.

Nagkatinginan kami ni Amaya at tumakbo papasok sa loob ng bahay ng akmang ipupunas samin ni Amara ang daliri nya. Shit, kadiri!

"AAAHHHH!! TAKBOOOO!!"

****

-reinejeixx

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon