3 - Birthday Girl

7 1 3
                                    

Amara's POV

Birthday ko pero hindi ko kasama sila mama at papa. Busy sila sa business nila. Ni birthday ko, kinalimutan nila. Humarap ako sa malaking salamin namin at pinagmasdan ang sarili ko.

Isa lang naman ang wish ko eh. Ang makasama sila sa birthday ko, pero hindi nangyare. Naiinggit ako sa mga batang kasama ang mga parents nila tuwing birthday. Hindi man sila mayaman pero masaya naman sila. Ako ba? Nasakin na ang lahat pero hindi ako masaya.

Malungkot ako.

"Hoy wag mong basagin ang salamin." napatingin ako sa salamin na ngayon ay nagyeyelo na.

Siguro ito ang dahilan kung bakit malayo ang loob ng parents ko sakin. Kakaiba ako sakanila. Hindi ako normal.

"Oh ba't ganyan mukha mo?" naluluhang tumingin ako kay Jarel.

"Di na ba nila ako mahal?" natigil sya sa harap ko at mataman akong pinagmasdan. Bumuga sya ng hangin at niyakap ako.

"Wag ka na malungkot, birthday na birthday mo pero nakasimangot ka. Sige ka papangit ka nyan." hinampas ko sya sa dibdib at lumayo.

"Di kita bati." nakangusong sabi ko sakanya. May kinuha sya sa bulsa nya at pinakita sakin.

"Happy birthday, Amara. Ito ang regalo ko sayo. Ayan di ko nakalimutan birthday mo ha?" napangiti ako ng makita ang kwintas na hawak nya. Heart shape ang pendant nun.

"Ang ganda." manghang tinanggap ko iyon.

"Pwede mong lagyan ng picture yan sa loob." binuksan nya ang pendant at merong dalawang space doon na pwedeng lagyan ng picture.

"Amin na." kinuha nya iyon sa kamay ko at sinuot sa leeg ko. Humarap ako sa salamin, pinunasan iyon ni Jarel, hindi na nakikita dahil sa lamig ng yelo na bumalot doon.

"Salamat." hinalikan nya ko sa noo at hinila papuntang kusina.

"HAPPY BIRTHDAY, YELO!" napatalon ako sa gulat ng bumungad sa pinto si Andrei na puro icing ang mukha at may hawak na cake.

"Hindi ako si Yelo!" singhal ko sakanya. Natatawang lumapit sya sakin at iniumang ang cake sa harap ko.

"Blow the candle na, binake ko yan para sayo." kahit naiinis dahil tinawag nya akong Yelo, hinipan ko parin ang cake na may nakasulat na 'Happy Birthday Turo'.

Nanlalaki ang matang sinipa ko sya sa tuhod.

"ANDREI!" tatawa-tawang tumakbo sya palayo sakin. Padabog na hinabol ko sya.

"I hate you na!" binato ko sya ng sapatos na suot ko pero nailagan nya.

"I love you too, Turo!" pinanlakihan ko sya ng mata dahil sa inis.

"Jarel suntukin mo nga yan!" tili ko kay Jarel na tumatawa.

Bigla silang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot.

"Alam kong nalulungkot ka parin." tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Andrei.

"Nandito lang kami sa tabi mo, hindi ka namin iiwan."

Sana nga Jarel, sana nga.

"P-pangako?" garalgal ang boses na tanong ko.

"Pangako." sabay na sabi nila.

"Kaya wag ka ng malungkot, nandito pa naman kami eh." pinunasan ni Jarel ang luha ko.

"Tara na, kainin na natin yung cake?" tumango nalang ako.

***

A/N :

I just want to share this to you WendelRamirez.

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon