2 - Contentment

3 0 0
                                    

Amaya's POV

Masayang sinalubong ko si tatay ng mahigpit na yakap. Ilang araw ko din syang hindi nakita dahil sa trabaho nya.

"Tay namiss kita!" hinalikan ko sya sa pisngi. Tumawa si tatay at kinarga ako.

"Namiss din kita, Oh anong nangyare sayo?" nag-aalalang inupo ako ni tatay sa mesa.

"Tay lipat na tayo, ayoko na dito." nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni tatay.

"Tay galit ka ba sakin?" di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Sorry na po." niyakap ako ni tatay at hinaplos sa likod.

"Hindi galit si tatay ha? Hinding-hindi ako magagalit sayo. Pangako, lilipat tayo bukas na bukas din." natuwa ako sa sinabi ni tatay.

"Talaga po?" tumango si tatay at ngumiti.

"Paano ang trabaho mo? Kailangan ka nila." nag-aalalang lumapit samin si nanay.

"Wala akong pakealam! Mas mahalaga kayo sakin kaysa sakanila! Pinagsilbihan ko sila pero anong iginanti nila? Sinaktan nila ang anak ko!" napatitig ako sa mukha ni tatay, hindi man nya ipahalata, alam kong galit sya.

"P-pero..." umiling si tatay kay nanay.

"Aalis tayo dito Elisa. Hindi na ako papayag na masaktan nila kayo ulit, lalo na ang anak ko!" hinawakan ko ang kamay ni tatay.

"Tay ayos lang ako. Wag ka na magalit." pagsusumamo ko sakanya, bumuntong hininga sya bago ngumiti.

"Ayos ka lang ba talaga?" ngumiti ako at tumango.

"Ayos na ayos po, tay. Ginagamot naman po ni nanay." hinaplos nya ang pisngi ko, kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala at pagmamahal.

"Ang ganda-ganda mo talaga, anak." napangiti ako ng malapad.

"Naman po, tay. Mana kaya ako sa inyo ni nanay." natatawang niyakap nila ako ni nanay.

"Ikaw talaga. Maayos pa ba ang salamin mo?" tanong ni tatay.

"Opo, maayos na maayos." binaba ako ni tatay sa mesa at inupo sa bangko. Naghain si nanay ng tanghalian namin.

Masaya kaming tatlo habang kumakain. Napatingin ako kay tatay na maganang kumakain habang nag-uusap sila ni nanay, pareho silang nakangiti at tumatawa.

Hindi man kami kilala ng lipunan bilang isang pamilya, kuntento parin ako sa kung anong meron ako. Di man alam ng lahat na sya ang tatay ko, sapat na sakin ang pagmamahal ni tatay. Alam ko kung bakit, itinago nya kami ni nanay sa lahat, iyon ay para protektahan kami sa mga taong makikitid ang utak. Iwas husga.

Naiintindihan namin ni nanay iyon, isa o dalawang beses sa isang linggo kung bisitahin kami ni tatay dito, at patago pa iyon. Dumadaan sya sa likod bahay. Hangga't maaari ayaw naming may makaalam.

Pero lahat ng iyon ay may hangganan, lalo na kay tatay.

"Oh bakit ka nakatingin samin?" napakurap ako bago tumingin kela nanay, nakatingin na din pala sila ni tatay sakin.

"Wala po, nay. Masaya lang po ako at mayroon akong nanay at tatay na katulad nyo, wala na po akong ibang mahihiling pa." pareho silang napangiti sa sinabi ko.

Sila nalang ang meron ako at hindi ako papayag na sirain iyon ng iba.

***

A/N :

Bukod sa half day work wala na kong gagawin. So i'll update this everyday. JetJetWP this is for you.

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon