5 - She's Hurt

4 0 0
                                    

Amara's POV

Marahas kong binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang galit na ama ko. Bored na tinignan ko sya.

"Ano na naman bang kalokohan to, Amara! Puro nalang talaga problema ang dala mo sa pamilyang to!" kumunot ang noo ko.

"Ano na naman ba ang problema, Pa?" inis na tanong ko, ang aga-aga mambubulabog tapos maninigaw. Wala ba kong karapatang magpahinga ng maayos?

Galit na ibinato nya sakin ang mga hawak na papel, isa-isa iyong bumagsak sa sahig.

"Ano naman yan?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang mga pictures. Yeah, picture ng babae at lalaki, nagme-make out. Sa kulay na nandun, malamang sa bar to nangyare. Wait!

"Kailan ka pa naging malandi, Amara!? Pinalaki ka namin ng maayos tapos itong igaga--" i cut him off.

"Pinalaki ng maayos? Come on, Pa! Kailan pa nangyare yun? Kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagpapahalaga nyo sakin! Hindi ko naramdamang naging anak nyo ko! At kahit kailan hindi ko naramdamang naging magulang kayo sakin!" he's shock, I know.

"Now, tell me, paano nyo ko pinalaki ng maayos kung mas mahalaga pa sa inyo ang business nyo kaysa sa sarili nyong anak!" kusang tumulo ang mga luha ko. Ganito nalang ba lagi ang eksena tuwing umaga? Magsisigawan.

"Kulang nalang lumuhod ako sa harapan nyo at magmakaawa, na sana iparamdaman nyo sakin na mahal nyo ko bilang anak nyo!" Natameme sya, alam kong mali ang sumagot pero tao lang din ako.

Nasasaktan.

Napapagod.

At marunong din sumuko.

"Masama ang loob ko sa inyo ni mama, Pa. Inaamin ko yun. Pero kahit kailan hindi ako lumandi! Kahit kailan hindi ko naisip ang mga ganyang bagay!" thank god, maayos pa ang suot kong damit. Nilampasan ko si papa at lumabas ng kwarto.

"What's happening?" salubong ni mama sakin pagkababa ko ng sala pero hindi ko sya pinansin at nagderetso sa garage.

"Amara where are you going!" sumakay ako sa kotse at pinaandar yun. Mabuti nalang nakabukas na ang gate.

Nagyeyelo na ang manibela, ang buong loob ng kotse pero wala akong pakealam. Pumunta ako sa bahay nila Jarel.

"Teka lang!" sunod-sunod na door bell ang ginawa ko. Pagkabukas ng gate ay agad kong niyakap si Jarel.

"Anong nangyare? Teka yung kamay mo!" hinila nya ako papasok sa bahay nila at pinaupo sa sofa. Lumuhod sya sa harap ko at pinunasan ang luha ko.

"Anong nangyare?" malamyos ang boses na tanong nya.

"It's hurt. Big time." iyak ko sakanya. Niyakap nya lang ako ng mahigpit. Iyak ako ng iyak hanggang sa nakatulog na pala ako.

Sana pag gising ko, okay na ako.

***

A/N :

Hello luhanieMJ, this is for you :)

FICEMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon